Aga Muhlach's mom Anita Aquino passed away November 18

Mrs. Anita Aquino visited the set of her son Aga Muhlach's sitcom on ABS-CBN, OK Fine, Whatever! in 2005. Aga's mom passed away last Sunday, November 18.



Kinumpirma ng manager ni Aga Muhlach na si Manay Ethel Ramos ang paglisan ng butihing ina ng aktor na si Anita Aquino pasado alas-otso ng gabi noong Linggo, November 18, sa isang undisclosed hospital. Ito raw kasi ang kabilin-bilinan ni Anita sa kanyang pamilya dahil ayaw na rin niyang tumanggap ng maraming bisita simula nang dalhin siya ni Aga sa ospital.

Mrs. Aquino was 58 years old.



Grabeng luha ang iniyak ni Aga nang una niyang malaman na may lung cancer ang kanyang ina at bigyan ng taning ng doktor.



Bago namatay ay nagbigay ng kanyang huling kahilingan ang ina ni Aga, gaya ng pagkri-cremate ng kanyang bangkay kapag siya namatay, na ginawa naman ng pamilya niya. In fact, agad na sinunog ang bangkay ng ina ni Aga bago mag-alas-dose ng hating-gabi on the same day ng kanyang kamatayan.



Kaninang umaga, November 20, ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula kay Manay Ethel at narito ang nilalaman nito:



"The wake for Aga's mom, Anita Aquino, ay hanggang ngayong araw na lang. Cremated na siya. Ang kanyang urn ay nasa Heritage Memorial sa Fort Bonifacio. Malapit siya sa libingan ng mga bayani.



"Bilin niya na i-cremate siya straight from the hospital na tinupad ni Aga at ng kanyang mga kapatid. Ang hindi nila natupad ay ang paglamayan pa siya. Feeling nina Aga, makakapiling niya di lang ang kanyang pamilya kundi ang malalapit nilang kaibigan."



Nakatakdang ilibing bukas, November 21, ang abo ng ina ni Aga. Kinabukasan, November 22, magsisilang naman via caesarean operation ang nakatatandang kapatid ni Aga na si Arlene Muhlach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN