"Hi!" magazine Christmas issue now on newsstands

The December 2007 Hi! magazine features three lovely ladies in showbiz — Batangas Governor Vilma Santos, teen heartthrob Kim Chiu and afternoon drama princess Yasmien Kurdi.


Siguradong matutuwa ang mga Vilmanians sa December 2007 issue ng Hi! magazine dahil tampok sa cover ang kanilang favorite, si Batangas Governor Vilma Santos.

Pagakatapos ng siyam na taong panunukulan bilang mayor ng Lipa, nanalo si Vilma sa pagka-gobernador nitong huling eleksyon sa Batangas. Ngunit hindi siya ganap na masaya pagkatapos ng eleksyon sapagkat natalo ang kanyang mister na si Ralph Recto sa kanyang re-election bid sa senado.

Nilista ng naturang isyu ang lahat ng mga pelikulang kinatampukan ng Star for All Seasons, mula nang magsimula siya sa pag-aartista noong 1963 hanggang sa cameo role niya sa D' Lucky Ones noong 2006.

Inilista din ng Hi! contributor Mario Bautista ang sampu sa natatanging pelikula ni Vilma. Ang ilan sa mga kasama dito ay Sister Stella L (1984), Relasyon (1982), Burlesk Queen (1977) at Dolzura Cortez Story (1993).

Marami ding mga trivia tungkol sa mga nakamit na awards ni Ate Vi mula sa iba't ibang award-giving bodies.

Tampok din sa isyu ang dating StarStruck 1st runner-up na si Yasmien Kurdi. Siya ang tinaguriang afternoon drama princess at remake queen ng mga pelikulang kinatumpukan ni Sharon Cuneta.

Nagkuwento din si Yamien kung paano siya naging vegetarian. Kamakailan kasi ay nagpakuha siya nang naka-kulong sa isang hawla para sa isang organisasyon na naghahangad mapabuti ang pagtrato sa mga hayop.

Hangad naman ni Kim Chiu na makita muli ang kanyang Mama, na pitong taon na niyang hindi nakikita. Christmas plan naman ng dating Pinoy Big Brother teen housemate na makasama ang kanyang mga kapatid, na nakatira sa Cebu, sa Quezon City.

Dalawampu't limang artista din ng tinanong ng Hi! ng "Kung Christmas d├ęcor ka, ano ka at bakit?" Alamin ang sagot at iba pang mga favorite artista na naging superheroes sa siksik na siksik na Christmas issue ng magasin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN