Mark Herras gives up nightly gimmicks for girlfriend Lian Paz

"Kung anong mayroon kami, I'm happy. At the same time, relaxed ako at walang pressure," says Mark Herras about his relationship with girlfriend Lian Paz (inset).



Very vocal na ngayon si Mark Herras sa kanyang pakikipagrelasyon sa present girlfriend niya na si Lian Paz ng EB Babes. Naniniwala si Mark na kaya ganito ang nangyayari ay dahil hindi niya ka-loveteam ang kanyang girlfriend.



"Hindi ko siya idine-deny sa press and the good thing ay hindi talaga siya lumalabas ng sobrang loud," panimulang pahayag ni Mark. "Ayoko ng comparison doon sa mga naging karelasyon ko noon, e. Pero I'm happy to say na magaan po lahat regarding our relationship.

"With my work, wala akong problema, hindi siya [Lian] nakakaapekto sa trabaho. Hindi siya sensitive, understanding 'yong tao. Naintindihan niya 'yong trabaho ko. Kaya for me, magaan lahat; at the same time, masaya ako."



Sa nine months na relationship ni Mark kay Lian, ayaw magsalita ng patapos ng young actor kung ang dancer na nga ang makakatuluyan niya. Para sa kanya, sobrang maaga pa para maniguro sa darating na mga pangyayari. Nakatuon daw ngayon ang kanyang panahon sa kanyang career, pero siniguro naman niya na hindi pansamantala ang kanilang relasyon ni Lian.



"Basta for me, kung anong mayroon kami, I'm happy. At the same time, relaxed ako at walang pressure," sambit ni Mark.



Sinabi rin ng young actor na naging loyal siya sa loob ng siyam na buwang pakipagrelasyon kay Lian. Bilang pagpapatunay ay isinakripisyo niya ang dating nakagawian na paggimik halos gabi-gabi.



"Actually, gusto ko lang ma-experience ang buhay-bagets and have a night life for quite sometime. So ‘ayun, napagdaanan ko na siya, nag-enjoy ako and pero nagsawa na rin ako sa kagigimik. For me ngayon, hindi na ako teenager na puro gimik-gimik," pahayag ng young actor.



Malaki ang pagpapasalamat ni Mark na nang makilala niya si Lian ay nabawasan ang pagiging gimikero niya.



"Hindi ko naman sinasabing tama na itong night life sa akin," paglilinaw ni Mark. "Pero hanggang maaari ay iiwasan ko na ito. Nasubukan ko na ang pumunta sa mga bars, sa mga gimikan, at naramdaman ko na kung ano ang pakiramdam. So I'm happy and contented na ako kung ano man 'yong mga pinagdaanan ko. So ngayon, aalagaan ko naman ang aking career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN