Manny Pacquiao takes filmmaking as seriously as his boxing career

Manny Pacquiao is both the producer and lead star, together with leading lady Ara Mina, in Anak ng Kumander, which had its last shoot in Nueva Ecija yesterday. Making the film has reached P20 million and costs will still go up. Manny is being touted as the next FPJ for his solicitude towards the movie crew.



Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang last shooting day ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Anak ng Kumander sa San Leonardo, Nueva Ecija kahapon, November 20.

Present ang major stars ng pelikula na sina Manny Pacquiao at Ara Mina; ang direktor nitong si Jose 'Kaka' Balagtas; sina Roi Vinzon, Efren Reyes, Lara Morena, Alvin Anson, at iba pang mga kasama, na karamihan ay mga stuntmen.

Masaya ang atmosphere ng shooting sa isang resort at tuwang-tuwa ang boxing champ sa gilas ng pagtanggap sa kanya bilang producer. Sa katunayan, inihahambing ngayon ang Pambansang Kamao bilang bagong FPJ (Fernando Poe, Jr.) dahil sa kabaitan at husay nitong mag-alaga ng mga maliliit na trabahador sa industriya.

"Hindi ko naman po iniisip ang mga ganyang tawag, pero nagpapasalamat po ako. Mas importante yung nakakatulong ka. Kaya naman po pagsisikapan ko pang mag-produce ng mga pelikula para mas marami pa ang matulungan," sabi ni Pacquiao sa PEP.

Hands-on sa pagiging executive producer ang nakababatang kapatid ni Manny na si Rogelio Pacquiao. Ayon sa kanya ay umaabot na sa P20 million ang nagagastos nila para sa pelikula at inaasahan pa nilang tataas pa ito dahil sa publicity and promotion. "Pero masayang masarap ang experience, lalo na kapag masayang nagtatrabaho ang lahat," hirit ni Manny.

Sa last shooting day ng Anak ng Kumander ay muntik nang maaksidente siPacquiao dahil sa malalakas na blasting at iba pang delikadong stunts na siya mismo ang gumawa. Muntik na rin siyangmatusok ng mga sumabog na kawayan sa iba pang mga stunts niya.

"Kinabahan din naman ako dahil isang maling move aypuwede kang madisgrasya. Buti na lang nandiyan si Lord, iniligtas niyaako sa kapahamakan," pasalamat ni Manny.

Naikuwento rin ni Manny sa PEP ang pag-uusap nila ng kanyang leading lady na si Ara Mina. Matatandaang nagkaroon sila ng alitan nang ma-link sila sa isa't isa, na pinabulaanan naman nilang pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakapag-usapna kami at nagkakaintindihan," sambit niya. "Noong una nga aynahihiya kami sa isa't isa dahil siyempre kahit papaano may epekto yungmga tsismis na hindi naman totoo. Pero sabi ko nga kay Ara, alam mohindi naman totoo yung mga balita nila, huwag na lang pansinin, dedma nalang."

NEXT FIGHT. Lumipad patungong Amerika kanina, November 21, si Manny para panoorin at bigyan ng suporta ang isa pang kapatid niya na si Bobby Pacquiao sa pakikipaglaban nito ngayong darating na November 23. Confident naman daw siyang maganda ang tsansa ng kapatid.

Dahil nandun na rin lang si Manny, pag-uusapan na rin daw nila ng promoter niyang si Bob Arum ang mga detalye ng kanyang susunod na fight.

"Depende pa sa mapag-uusapan," sagot ni Manny kung sino sa mga napabalitang challengers niya ang kanyang haharapin. Mayroong nagsasabing posible ang alinman kina Marquez o Lirios, pero diretso niyang tinuran na "dedma" siya sa isyung si Oscar dela Joya ang naghahamon sa kanya. "If the price is right," ang seryoso nitong sagot.

Samantala, kasama rin sa itinerary ni Pacquiao ang pag-i-schedule ng Nike pictorial niya. Malaking karangalan para sa kanya ang mapabilang sa mga top endorsers ng nasabing sports brand kung saan pumirma siya ng two-year contract na inilarawan niyang "sulit" naman pagdating sa budget.

"Kailangan natin ang mga ganitong projects para pandagdag puhunan sa pag-produce ng marami pang movies," pahayag ng boksingero.

MANNY FIGHTS BACK. Nagbigay rin ng pahayag si Manny tungkol sa mga negatibong isinusulat tungkol sa kanya ni Cristy Fermin. Balita kasing sinagot uli ng naturang entertainment columnist at The Buzz co-host ang ginawang pahayag ni Manny sa StarTalk noong Sabado, November 17.

"Siyempre, sumama talaga ang loob ko. Basta ako, alam n'yo wala naman akong ginawa sa kanya, ayaw ko nang palakihin 'yan. Ako nagsusulat din ng kolum pero hindi ako bumabanat ng personal, yung sa personal na pagkatao mismo. Hindi ako tumitira para sa sarili kong interes. Kung bumanat man ako ay tungkol lang dun sa pangyayari," ang maramdaming pagbabahagi ni Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad ba na mauwi ito sa legal action kung sakaling hindi siya tigilan?

"Wala naman akong sinabi kahit na isang salita laban sa kanya," paglilinaw ni Manny. "Wala akong magagawa. Kanya-kanya naman tayong mga opinyon, pero kung sakali sigurong may sobrang below the belt nang paninira o kung anu-ano diyan—siyempre, hindi ko alam kung bakit masama ang loob nila sa akin—may batas naman tayo tungkol diyan kaya't nandiyan ang possibility na mangyari ‘yan. Pero kung sa akin lang, itigil na natin ito.

"Kung ako nga, hindi pa kumpleto ang pinag-aralan ko, nakakaintindi ako ng mga sitwasyon, sila pa kaya na naka-graduate? Sana yung trabaho na lang ang atupagin. Ayusin na lang natin ang ating mga trabaho," pagwawakas ng Pambansang Kamao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN