Andrew Schimmer talks about flings and indecent proposals

"Naiinip na ako sa mga pa-tweetums, e... 'Tsakaang dami na naming nag-aagawan sa ganung role sa GMA, ang dami na.‘Tsaka twenty-one na ako, siguro it's time to move on to something new," explains Andrew Schimmer about shedding his wholesome image for sexy roles.



Si Andrew Schimmer ang leading man ni Cristine Reyes sa launching film ng young sexy actress na Green Paradise. Sa presscon ng pelikula last November 16 sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City, ay hindi nakasipot si Cristine kaya si Andrew at ang co-star nilang si Kris Martinez lang ang humarap sa entertainment press.

Sexy ang tema ng Green Paradise kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Andrew kung bakit nag-decide siyang magpa-sexy na.

"Naiinip na ako sa mga pa-tweetums, e," sagot ng young actor. "'Tsaka ang dami na naming nag-aagawan sa ganung role sa GMA, ang dami na. ‘Tsaka twenty-one na ako, siguro it's time to move on to something new."

Guwapo at hunky, pero loveless si Andrew at ni wala raw siyang nililigawan ngayon.

"Wala pa, wala pa akong nakikita," sabi niya. "'Tsaka feeling ko kasi, hindi pa tama yung oras para mag-girlfriend. Hindi pa ako nakaka-ano, e...kumbaga, pabalik pa lang ako."

Si Katrina Halili raw ang last girlfriend ni Andrew na seryoso. Pero aminado naman ang binata na may mga nakaka-fling siya. "Hindi naiiwasan 'yon," paliwanag niya.

May naka-fling na rin siyang ibang artista?

"Oo, hindi maaalis ‘yan. Pero hindi yung flings na as in may nangyari na grabe. May fling-fling lang," aniya.

May mga indecent proposals ba siyang natatanggap mula sa rich gays?

"Wala naman sa ngayon," sagot ni Andrew. "Dati marami! Pinaka-worse siguro yung may nag-o-offer ng condo unit, ng kotse, mga ganun. Kahit nasa Kakabakaba Kaba pa lang ako, ang daming offers nun.

"Hindi ako pumatol," patuloy niya. "Bukod sa hindi ko naman kailangang gawin, takot din ako. Hindi ko alam, takot ako. ‘Tsaka siyempre, mga big time yung mga ‘yon, may pangalan. Parang feeling ko, kapag tumanggi ka, any moment baka kung ano'ng gawin sa ‘yo. Kaya natatakot ako."

Pero binigyang-diin ni Andrew na wala siyang anything against sa mga aktor na pumapatol sa rich gays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ang sa akin naman, hindi ako against," sabi niya. "Hindi ko naman kinukuwestiyon ang ginagawa nila, kasi lahat naman ng tao may kanya-kanyang dahilan 'yan, e. Hindi ko alam, malay natin baka masyadong gipit yung taong ‘yon o nasilaw o ganun, o talagang gusto niya.

"Ayoko, ayokong manghusga. Ang sa akin lang, siguro ang payo ko na lang sa kanila, gawin nila kung ano yung alam nilang tama at saka makakabuti sa kanila. ‘Pag alam nilang makakasama para sa kanila, huwag na lang ituloy, ganun lang kasimple ‘yon. Huwag silang mananagasa ng tao," pagtatapos ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN