Comediennes Tiya Pusit and Pokwang share best-actress trophy

"Biniyak na po namin ni Tiya Pusit ang award kanina! Sa akin napunta 'yong matulis na bagay," Pokwang (right) joked about the Best Comedy Actress trophy that the Philippine Movie Press Club awarded the two comedienes in a tie-up.



It's a tie! Parehong nanalo as Best Comedy Actress sa 21st Star Awards for TV sina Pokwang at Tiya Pusit last Sunday, November 18. Ginanap ang nasabing awards night sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University.



Nanalo si Pokwang para sa Aalog-Alog ng ABS-CBN at si Tiya Pusit naman, para sa Bahay Mo Ba 'To? ng GMA-7. Sadly, pareho nang natsugi sa ere ang dalawang sitcoms.

All the while, akala ng lahat ay solo ni Pokwang ang nasabing award dahil sobrang na-delay ang pag-announce ng presenter na si Tracy Torres ng pangalan ni Tiya Pusit bilang isa pang winner sa nasabing kategorya. Tapos na ang thank you speech ni Pokwang at pababa na sana ito nang inihabol ang pag-announce ng pangalan ni Tiya Pusit.



Sabi nga ni Tiya Pusit sa kanyang acceptance speech, after all these years sa kanyang pagku-comedy ay ngayon lang siya nakatanggap ng award. Pero ang masaklap, hindi pa niya solo ang award dahil may kahati siya.



Ayon naman kay Pokwang, "Si Tiya Pusit 'yan, nirerespesto at inspirasyon ng mga baguhang komedyanteng katulad ko. It's an honor na siya ang maka-tie ko at happy din ako dahil na-nominate din sina Toni [Gonzaga] at ang idol kong si Maricel Soriano."



Dagdag pa niya, ihing-ihi na siya noong mga sandaling tinatawag ang kanyang pangalan pero wala siyang nagawa kundi magtiis. "Talagang wait kong ma-mention ang name ko. Gusto kong maramdaman ang feeling ng isang winner. ‘Kaloka pero masaya siyempre!" sabi ni Pokwang.



Iisa lang ang trophy na ibinigay noong gabi, paano ang usapan nila ni Tiya Pusit?



"Wala pa kaming napag-usapan ni Tiya Pusit, pero pareho kaming masaya dahil marami kaming napapasaya na tao," sagot ni Pokwang.



Nagpakuwela pa ito, "Biniyak na po namin ni Tiya Pusit ang award kanina! Sa akin napunta 'yong matulis na bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa parte naman ni Tiya Pusit, wala itong magagawa kung nag-tie sila ni Pokwang, bagkus naging masaya ito sa award na kanyang natanggap mula sa PMPC.



"Okey lang 'yon, talaga namang mayroong naghahati, e. Mas nagulat ako noong tinawag ako sa stage. Ngayon, 'yong tungkol doon sa hati-hatian, alam mo nangako naman sila [Philippine Movie Press Club] sa akin, ipapadala nila 'yong para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN