Dingdong Dantes portrays Sergio with passion but preserves love for Karylle

Although Dingdong Dantes is still very much in love with real-life girlfriend Karylle, he is also able to make us believe that he is madly in love with Marimar (Marian Rivera).



Dahil sa makatotohang mga eksena nila sa Marimar, marami tuloy ang naniniwala na mukhang hindi lang pang-telebsiyon ang nakikitang damdamin sa karakter na ginagampanan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Sergio Santibañez at Marimar/Bella.



Tiyak na ikatutuwa ng mga Marimar fans kung may katotohanan ang naturang haka-haka. Lalo pang pinatindi ang paniniwalang ito sa usap-usapan na madalas na raw na hindi nakikitang lumalabas si Dingdong at ang girlfriend nitong si Karylle.

Pinagbasehan ng observers ang kanilang opinyon sa solong panonood ni Karylle sa concert ni Beyonce Knowles noong November 7. Ang rason na ibinigay ng anak ni Zsa Zsa Padilla ay hindi raw gusto ni Dingdong na panoorin ang nasabing concert.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa 21st Star Awards for TV last Sunday, November 18, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University. Kinumusta namin sa young actor ang lagay ng relasyon nila ni Karylle.



"Ganun pa rin naman kami ni Karylle, we're still together," sabi ni Dingdong. "Marami lang mga bagay na pinu-focus-an namin ng concentration ngayon. May kanya-kanya kaming priorities na dapat unahin sa panahon na ito, but it doesn't mean na nag-iiba na yung pagmamahal namin sa isa't isa. Hindi na kami masyadong nagkikita, so we just based it on trust at sa kung ano ang ipinuhunan namin bago pa nag-umpisa ang lahat."

May mga lumalabas na balita na usapan na raw talaga nina Dingdong at Karylle na tuwing may teleseryeng ginagawa si Dingdong ay hindi sila dapat maging gaanong visible sa publiko.



"That's not rue kasi ngayon lang naman ako gumawa ng teleserye gaya ng Marimar, so wala kaming usapan na ganun," paglilinaw ng binata. "The thing is we understand each other. Ang maganda sa amin, sinusuportahan namin ang gawain ng bawat isa. Like sa kanya, sinusuportahan ko ang pagkanta niya and everything. Ako naman, sinusuportahan niya ang pag-arte ko, yung pagdidirek ko. In fact, she's proud of what I am doing and I'm proud of what she's doing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MARIMAR FEVER. Sa ngayon ay lalong tumitindi ang Marimar fever. Bagama't may karelasyong iba si Dingdong sa tunay na buhay, sinabi ng young actor na totoo at sinsero kung anuman ang nakikita at napapanood sa kanila ni Marian base sa karakter na kanilang ginagampanan.



"Very flattered kami sa pagbibigay ng tao ng ganung klaseng response," sambit ni Dingdong. "Kasi siyempre, ibinibigay namin yung effort namin. Gusto naming ipakita sa kanila na sincere kami sa ginagawa namin dahil sa sincere na pagtanggap nila sa amin sa Marimar.

"Basta ang masasabi ko lang, totoo ang pagmamahalan at nararamdaman namin [ni Marian] sa ngayon kasi hindi namin mabibigay kung ano ang hinihingi ng role namin kung hindi totoo ‘yon. I can assure them na totoo ang nakikita nila. Kami kasi ni Marian, kahit matagal kaming hindi nagkikita, pagdating sa set, automatic na we become ourselves—as Sergio and Marimar," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN