Young actor Cris Gutierrez traumatized by car robber's threat

Abt Ur Luv mainstay Cris Gutierrez was so traumatized by the carjacking that happened to him and the family driver last November 15 at their New Manila residence that he requested the media not to ask for details.



Traumatic para sa Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) mainstay na si Cris Gutierrez ang panunutok sa kanya ng baril ng isang lalaki habang sakay siya sa SUV na Starex pagpasok sa gate ng kanilang bahay sa New Manila, Quezon City, noong madaling-araw ng November 15 .



Sa presscon ng double celebration ng Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) kagabi, November 21—para sa kanilang first anniversary at pagkakapanalo recently sa 21st Star Awards for TV bilang Best Youth-Oriented Program—inamin ni Cris na dala-dala pa rin niya ang nakakapangilabot na karanasang pinagdaanan niya.

Taliwas sa naunang balita na ang kanyang lola na si Ms. Gloria Romero ang tinutukan ng baril, na siyang naging dahilan daw ng pag-atake sa puso ng movie queen, ayon kay Cris, siya at ang driver lang nila ang sakay ng Starex na pag-aari ng kanyang lola. Nasa loob daw ng bahay nila at that time ang kanyang lola at hindi raw ito inatake sa puso.



Nakiusap na lamang si Cris sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na huwag nang idetalye ang buong kaganapan dahil ongoing na ang imbestigasyong ginagawa rito ng mga pulis.

Bukod sa Starex ng Lola niya, nakuha rin kay Cris ang kanyang cell phone. Kaya naman hindi alam ni Cris noong tine-text at tinatawagan na siya ng ka-loveteam niya sa Abt Ur Luv na si Zia Marquez para alamin ang kanyang kalagayan.



Kuwento ni Cris, "Matagal na kaming nakatira doon [sa New Manila] and first time nangyari ‘yon sa amin. Dahil wala akong cell phone, hindi ko alam kung sinu-sino among my friends sa Abt Ur Luv ang tumawag o nag-text sa akin. Pero si Enchong [Dee] yung unang kasama ko sa show ang pumunta sa bahay namin kinabukasan. Malapit lang kasi ang bahay niya sa amin.



"Up to now, wala pa rin akong cell phone. Hindi na rin kami umaasa na mababalik pa yung kotse ng Lola ko. By this time, baka na-chop-chop na 'yon. Anyway, may insurance naman yung kotse. Nagpapasalamat na lang kami, especially my Lola, na walang nangyari sa akin and sa family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang hirap din kasi puro babae ang kasama ko sa bahay. Ako lang ang lalaki and yung driver namin ‘tsaka houseboy. The rest si Lola, si Mommy [Maritess Gutierrez], and yung mga housemaids namin," pahayag ni Cris.



Wala rin daw silang security guard sa gate, kaya walang nakapansin sa pagpasok ng carnapper. Ngayon ay may security guard na sila sa bahay. Dobleng ingat ang ginagawa ni Cris kahit nasa loob na siya ng kanilang tahanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN