Karylle and Dingdong Dantes venture into KTV and resto business

Real-life couple Karylle and Dingdong Dantes strengthen their relationship by putting up a business with some partners, a KTV and restaurant in the heart of Quezon City. "Actually, si Dong [Dingdong] yung nag-ask sa partners namin ngayonkung puwede ba kaming sumali. Saling-pusa sa business nila. They agreedand we're very happy," narrates Karylle.



Very proud na ipinakita ng magkasintahang sina Karylle at Dingdong Dantes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang KTV at restaurant business, ang CenterStage at Circle Cafe. Nasa ikalawang palapag ng bagong building sa mismong Scout Rotunda sa panulukan ng Tomas Morato at Timog Avenue, Quezon City, ang 900 square-meter "new baby" ng dalawa.

"Actually, there came a time na sinabi ko sa Mom ko [Zsa Zsa Padilla] na bakit among my friends, ako na lang ang walang business. Sabi ko, sana magkaroon ako ng business. ‘Tapos biglang nagkaroon ng opportunity.

"Actually, si Dong [Dingdong] yung nag-ask sa partners namin ngayon kung puwede ba kaming sumali. Saling-pusa sa business nila. They agreed and we're very happy," kuwento ni Karylle.

Sobrang hands-on ang dalawa sa kanilang business. Madalas raw dumadalaw si Dingdong, lalo na kung wala siyang taping o shooting. Si Karylle naman, mabusising tinitingnan ang mga kagamitan sa kanilang negosyo. Dapat daw ay pasado sa kanyang panlasa bilang singer ang sound system.

Dahil daw sa negosyong ito, lalong napahanga si Karylle sa kanyang boyfriend. Ibang-iba raw si Dingdong bilang isang negosyante.

"Ang pagkakakilala ko talaga sa kanya, marami talaga siyang business. Business-minded talaga siya at saka gusto niya yung mga ginagawa niya. He really thinks of the future," papuri ni Karylle sa boyfriend.

"Nakaka-insecure, parang ibang level na yung alam niya. At saka minsan, parang ibang terms na yung ginagamit niya. Parang tipong, buti na lang nag-aral ako. It challenges me more. I'm proud that he got me into this," pagmamalaki pa ni Karylle.

Naitanong din namin kung paghahanda na ba ito sa kanilang kinabukasan, as a couple?

"Ewan ko, baka," sagot ni Karylle. "Mahirap sabihin. Sometimes you go to business with a friend, sometimes with a boyfriend. Why not, di ba?"

Maraming naglabasang tsismis tungkol sa relasyong Dingdong-Karylle, lalo na nang itambal ang young actor kay Marian Rivera sa Marimar. Pero nanatiling tahimik si Karylle tungkol sa isyu dahil alam daw niya ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was busy with this [business]. That time, we were about to open. So hindi ko na masyadong pinapansin yung mga tsismis, so I guess blessing na rin. Kasi kung iisipin mo naman yung mga tsismis na hindi naman totoo, baka maloka ka lang. This [business] is really a blessing in every sense of the word," pahayag ni Karylle.

To see more photos of Karylle and Dongdong's KTV and resto business, click here .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN