PEP EXCLUSIVE: Gladys Reyes pregnant with her second child

"Masaya na magkaka-baby na ulit. Talagang medyo nag-worry lang ako doonsa vaccine. Pero si Chris, kahit hindi niya ine-expect na magigingdaddy na siya ulit, parang slight ha...biglang nagpaluto, tinawag angmga kaibigan niya sa village," says Gladys Reyes about mixed emotions.



Nang makagat ng ligaw na pusa si Gladys Reyes sa presscon ng afternoon drama series na My Only Love, walang kamalay-malay si Gladys na kasalukuyan na pala siyang nagdadalang-tao sa magiging second baby nila ng mister niyang si Christopher Roxas—pangatlo na sana kung hindi nagkaroon ng miscarriage si Gladys noong una siyang magbuntis. Noong Tuesday, November 20, lang daw nalaman ni Gladys na buntis pala siya.

Ayon sa aktres, na nakusap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang hapon, November 22, natatandaan daw kasi niya na ang huling period pa niya ay noong September at kalahatian na ng November ay hindi pa rin siya nagkakaroon. Noon lang daw niya naisipang mag-self-pregnancy test.

"Sobrang linaw talaga ng lumabas na color at two lines, siguro dahil ilang weeks na nga siya sa tiyan ko, wala pa kong kamalay-malay," natatawang kuwento niya.

Kinabukasan, Wednesday (November 21), daw ay nagpa-check-up na rin siya kaagad sa kanyang O.B.-Gyne para makumpirma pa ang pagbubuntis.

Kung may worry man si Gladys, ito ay ang vaccination na ginagawa sa kanya dahil sa pagkakagat nga sa kanya ng pusa. Ten injections daw ng anti-rabies ang ginagawa sa kanya at ang huling injection niya raw ay sa December 5 pa.

Una talagang inalam ni Gladys nang makumpirmang buntis siya ay kung wala bang magiging masamang epekto sa baby at sa ipinagbubuntis niya ang naturang injection.

Kuwento ni Gladys, "Well, sabi naman, wala naman daw bad effect sa situation ko at sa baby. Yung nagba-vaccine sa akin, si Dra. Novales, nakipag-coordinate na siya sa OB-Gyne ko, kay Dra, Florendo ng Asian Hospital. In-assure na niya ako na okay lang.

"May mga cases pa nga raw na minsan, malalaki na talaga ang tiyan pero binabakanuhan pa rin nila kapag nakakagat. Siyempre, panghahawakan ko na yung sinabi nilang wala naman siyang magiging hindi magandang effect sa baby. At saka siyempre, puro prayers talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa January 23 ay magtu-two years old na ang first baby nina Gladys at Christopher na Christophe. Kaya kung tutuusin ay tama lang ang magiging agwat ng edad ng kanilang mga anak Although aminado si Gladys na this time, hindi nila plinanong sundan na nga si Christophe.

"Pero siyempre, natuwa kami. Masaya na magkaka-baby na ulit. Talagang medyo nag-worry lang ako doon sa vaccine. Pero si Chris, kahit hindi niya ine-expect na magiging daddy na siya ulit, parang slight ha...biglang nagpaluto, tinawag ang mga kaibigan niya sa village. Para bang biglang first time dad ang pakiramdam!" natutuwang kuwento ni Gladys.

Ayon kay Gladys, ang plano nilang anak kung sakali ay tatlo hanggang apat since si Chris ay isa lang ang kapatid. Iba pa rin daw talaga kapag medyo marami ng konti dahil mas masaya. Pero isinunod din ng aktres na, "Hanggang doon na lang siguro, grabe ang mahal na ng tuition fee, ‘no!"

Pakiramdam din ni Gladys, although nasa seven weeks pa lang ang kanyang pagbubuntis, tipong mas magaan ang pakiramdam niya ngayon compared sa una na nakunan nga siya at sa ikalawa. Bagama't meron pa rin daw siyang nararamdaman na pagkahilo, pagsusuka, at pangangasim ng sikmura.

Dahil mas magaan naman ngayon ang pagbubuntis niya at hindi pa naman halata ang tiyan niya, tuloy-tuloy pa rin daw siya sa taping ng My Only Love at sa kanyang show sa NET 25 na MoMents kung saan siya ang host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN