Bianca King is no hurry to achieve leading-lady status

"Alam kong darating din ang tamang break for me. At ayokong isipin nastruggling ako, kasi magaganda na rin ang exposures na naibibigay saakin sa GMA-7," says Bianca King.



Naka-relax si Bianca King sa kanyang folding bed nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, November 17, sa set ng My Only Love sa Loyala Grand Villas, Quezon City, at naabutan namin siyang nanonood ng feature about the Cristine Reyes-Carlene Aguilar controversy sa StarTalk.



"Kung ako sa kanya [Cristine], hindi na lang ako magsasampa ng demanda," sabi ni Bianca nang tanungin namin ang kanyang opinyon tungkol sa isyu. "Para sa akin, aksaya lang ng pera 'yan at saka oras. Wala ring pupuntahan 'yan. The best thing to do, pagharap-harapin kami with Dennis [Trillo], at doon natin tingnan kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo."



Ayon pa kay Bianca, dapat ay pinag-uusapan na lang daw ang problema nila in private. Kaso nga, hindi naman siya direktang kasangkot sa sitwasyong ito.



"Ayoko namang makaladkad pa sa ganyan. Kaibigan ko si Cristine, and I think I just have to respect her decision. Since tinanong mo ako about that, I just gave a piece of my opinion," nangingiting pahayag ni Bianca.



Nabanggit din na hindi na natuloy si Cristine sa Joaquin Burdado bilang isa sa leading ladies ni Robin Padilla. Nanghihinayang si Bianca rito.



"Sayang, kasi, kung sa akin inalok 'yan, wow, grab na!" natawang sabi ni Bianca. "Pero hindi rin natin masasabi kung ano ang gusto talaga ni Cristine. Siya lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya, at nakaabang lang tayo sa puwede niyang sabihin.



"Pero doon sa reason ni Cristine, 'pag nalaman natin, baka nga hindi natin panghinayangan kung bakit ganoon ang naging decision niya."



FROM BAD TO GOOD. Kung tutuusin, maganda ang takbo ng career ni Bianca. Pagkatapos ng partisipasyon niya sa Marimar, mayroon na agad kapalit—ang My Only Love, na isang pambihirang pagkakataon for her to play a goody-goody role.



"Marami na kasi akong nagampanang contravida roles, and this is a breather na rin for me," sabi ni Bianca. "Noon kasi, kapag nagpupunta ako sa mall, may mga lumalapit sa aking matatanda. One time, may pumalo sa akin ng payong. Ang sabi ba naman, 'Ikaw talaga, ang sama-sama mo!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nakakaloka! I just explained to them that it was just a role. Hindi naman ibig sabihin, masamang tao na talaga ako," napapailing na kuwento ng mestisahing aktres.



MANAGER'S CHOICE. Kinumusta namin kay Bianca ang sitwasyon nila ng manager niyang si Arnold Vegafria. May lumabas kasing isyu na si Say Alonzo ay parang tumiwalag na sa kampo ni Arnold at nakatikim daw ito ng panunumbat at masasakit na salita mula kay Arnold dahil doon.


"Narinig ko na 'yan, pero matagal nang nangyari," paliwanag ni Bianca. "I guess, more than a year na. Kami ni Arnold, hindi naman siguro maiaalis sa ibang manager-talent relationships 'yon, na may time na nagkakalabuan din kami. Small hitches, but we always talk. Wala namang hindi naaayos sa magandang usapan, di ba?



"May time kasi na may katigasan din ang ulo ko. Mapili kasi ako sa trabaho. Naiinis si Arnold kapag ganoon, tanggi ako nang tanggi. Sometimes kasi, hindi niya naiintindihan. Ayokong magtrabaho kung pinipilit ko lang ang sarili ko doon sa trabaho at hindi ko gusto ang ginagawa ko.

"Pero siyempre," patuloy niya, "ang gusto ni Arnold, bigyan ako nang bigyan ng trabaho. Marami nga namang iba na walang trabaho, pero ako, may inaalok sa akin.

"Laging may nakukuhang trabaho si Arnold sa akin, kaya naiinis siya kung lagi akong nagtatatanggi. Baka raw kasi kung nariyan na ang right break, hindi na ibigay sa akin kasi ang naging image ko, I always turn down offers. Kaya iniintindi ko na lang 'yon."



Sabi pa ni Bianca, nawala na lang daw bigla si Say, at hindi na niya nakausap pa. Hindi siya puwedeng magbigay ng komento dito dahil hindi niya alam ang puno't dulo ng anumang misunderstanding, kung mayroon man, between her manager and Say.



"Pero para sa akin, old issue na nila 'yan. So far, okay kami ni Arnold kaya walang problema sa amin," pahayag ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STRUGGLING ACTRESS? Ang impression ng iba kay Bianca ay struggling pa rin dahil hindi pa dumarating sa kanya ang mas malaking offer, samantalang may kontrata rin naman siya sa GMA-7, na guaranteed na may two shows siya a year. For two years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7.



"Hindi ako nagmamadali," paglilinaw niya. "Alam kong darating din ang tamang break for me. At ayokong isipin na struggling ako, kasi magaganda na rin ang exposures na naibibigay sa akin sa GMA-7.



"Nagpapasalamat ako sa GMA-7 dahil masaya ako sa ibinibigay nila sa akin. Besides, I'm still studying at gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Hindi ako puwedeng basta mag-full time sa showbiz career ko.



"Naka-enrol ako sa Dela Salle College of St. Benilde, taking up Filmmaking. Pero yun nga lang, naka-leave ako dahil ang akala ko, matutuloy ang shoot ko for Batanes. E, nagkaroon ng hassles sa sked ng tapings ko. But I have to go back immediately. Tuloy-tuloy pa rin dapat ang studies ko, at gusto ko talagang makatapos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN