Kris Martinez open to having same-sex relationship

Kris Martinez (inphoto) appears with Andrew Schimmer and Cristine Reyes in Green Paradise. In an interview, he expressed openness to all kinds of relationship, including same-sex affairs, based on honesty and trust.



Napabalitang mayisang mayamang bading na naka-base sa Amerika ang nagpapadala ng pera atsustento sa sexy male actor na si Kris Martinez. Nakilala si Kris bilang first runner-up sa Close-up to Fame Season 1noong 2005. Naging parte rin siya ng Twilight Dancers (2006) na idinirek ni Mel Chionglo at sinulat ni Ricky Lee tungkol sa mga macho dancers.

Kaya nang makausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris kamakailan para sa promo ngpelikula nila nina Cristine Reyes at Andrew Schimmer na Green Paradise,inusisa namin siya tungkol dito. "Hindi totoo yun, walang nagpapadala sa akinng pera," pahayag ni Kris.


Pero inamin naman ni Kris na may kakilala siyang gay sa Amerika na nagpapadalasa kanya ng mga regalo at pasalubong, pero wala raw malisya 'yun at hindi rawdapat lagyan ng kulay. Kaibigan niya lang raw ang naturang gay at natutuwa langdaw sa kanya. "Pero hindi mga ano...parang mga items lang na ano, mga items lang,walang money involved, mga ganun-ganun lang."


Marami rin daw mga kaibigan si Kris na gays dito sa Pilipinas, sa loob man o salabas ng showbiz. Wala naman daw masama sa pakikipag-kaibigan, hindi naman siyanamimili, kahit anong gender, kung tao namang humaharap sa kanya, okay ‘yun kayKris.


Which led us to the question na gusto naming itanong kay Kris: Sa tingin baniya ay posible o imposible ang isang tulad niya na magkaroon ng isangseryosong relasyon sa isang bading?

"Siguro, depende sasitwasyon, depende sa tao, depende kung gaano na kami katagal magkakilala. So,kung mas kilala ko na siya as a person talaga, so why not? Bakit hindi?"

So hindi niyaisinasara ang pinto ng pagkakataon na makipagrelasyon siya sa isang gay? "Hindiko isinasara. 'Tsaka siguro, lahat naman tayo, nafo-fall tayo sa taong mabait sa‘yo, na ipinapakita sa ‘yo yung pagiging totoo niya.


"Hindi lang siguro sa girls o sa gays o sa lesbians o kahit ano pa ‘yan. Dunako nagbe-base, hindi sa personality o dahil sa tao, kundi sa kung ano ‘yungpinapakita mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depende ba ito kunggaano kabait ang tao sa kanya? "Kung totoo siya sa ‘yo, kasi yun angpinakamahirap hanapin sa tao, e, yung totoo at puwede mong pagkatiwalaan,"huling binitiwang salita ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN