KC Concepcion looks forward to her father Gabby's comeback movie

KC Concepcion (in photo) says that she wants to watch the taping of her biological father, Gabby Concepcion, when he shoots his comeback movie in the United States.



Tuwang-tuwa si KC Concepcion nang malaman niya na kumpirmadong gagawa na ulit ng pelikula ang kanyang biological father na si Gabby Concepcion sa ilalim ng GMA Films.

Mismong mga taga-GMA Films ang nagkumpirma that the former matinee idol noong ‘80s ay muling magbabalik sa big screen. Ang huling pelikula ni Gabby ay ang 1994 Manila Film Festival entry na Loretta. Ang pelikulang ito ang naging dahilan upang masangkot siya sa tinawag na Film Fest scam na involved din ang former manager ni Gabby na si Lolit Solis.

Nagpadala ang GMA Films ng movie contract with the hope na papayag ito to make a comeback with the film arm ng GMA-7. Hindi nabigo ang mga taga-GMA Films dahil bumalik ang kontrata with Gabby's signature which means may go signal na para masimulan ang matagal nang pagbabalik ni Gabby sa big screen.

Nahingan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC ng pahayag tungkol sa showbiz comeback ng kanyang daddy habang nasa Artist Bargain Fair sa Eastwood Garden, Libis, Quezon City.

"That's good news!" sambit ng anak ni Megastar Sharon Cuneta. "It's confirmed na ba? Well, it's so nice to know that my dad is going to his first love, which is doing film. I'm looking forward to it. Matagal din siyang nawala and I guess he can still be good at it."

Noong malaman ni KC na sa United States isu-shoot ang comeback movie ng kanyang ama, nasabi nito na: "Gusto kong manood ng shooting niya!"

Constant pa rin ang communication ni KC kay Gabby. Minsan daw ay puro pag-exchange ng text messages ang ginagawa ng mag-ama.

"I've been busy at pati na rin si daddy. So usually text messages na lang. But if I have the time to call him, I give him a ring every now and then."

Sa naturang bargain fair nga ay may sariling booth si KC kung saan ibinenta niya ang ilang mga gamit niya noong nag-aaral pa siya sa Paris, France. Mabilis nga raw naubos ang kanyang mga paninda noong mag-open ito ng 1:00 pm that Saturday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ng kikitain ng booth ni KC ay ipapamahagi sa dalawang charitable institutions para sa mga underprivileged children.

"Every cent that I earn from my booth will go to charity. Especially the ones with kids who can't afford to go to school. Education is very important sa isang bata and we can help them in our own small way."

YABANG PINOY. At the same time ay tinutulungan din niya ang rumored boyfriend niyang si Lino Cayetano sa pag-promote ng produkto at proyektong Yabang Pinoy.

"We are actually helping in promoting our local artists," sabi ni KC, na nag-aral ng apat na taon sa Paris, France. "We have so many talented people who are so good in the arts kaya we want to help them achieve their goal and, that is, na makilala sila sa expertise nila.

"This is something that I learned when I was in Paris. The artists there are supported by different groups. Gusto namin din na gano'n ang mangyari sa mga artists natin. Ipagmalaki natin sila sa buong mundo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN