Enchong Dee vs. Dino Imperial as Empress Shuck's love interest in "Abt Ur Luv"

An onscreen love triangle is brewing as Empress Shuck (middle) is now torn between Enchong Dee (left) and Dino Imperial (right) in their youth-oriented show Abt Ur Luv.


Star Magic held a presscon last week for ABS-CBN's sole teen show Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2). Mag-iisang taon na kasi ang show with a new cast and new plotlines.

Sa first season, ang isa sa pinakilalang love team sa Abt Ur Luv was that of Empress Schuck and Dino Imperial. Umani ang tambalan nila ng enough interest for fans to form a club, Dino-Press Army, which is very active sa Pinoy Exchange. Collective tuloy ang naging kalungkutan nila nang by the time the show's season ended, pinaghiwalay sina Dino at Empress at itinambal si Empress kay Enchong Dee—hindi lang sa Abt Ur Luv but also sa Lastikman.

It seems ito rin ang binabalak ng Star Magic na tambalan muna. Sa Star Magic 2008 Catalogue, ang pair nina Empress and Enchong ang isa sa tatlong featured love teams, the other two being the much established team-up of Kim Chiu & Gerald Anderson and Matt Evans & Melissa Ricks.

As the new season of Abt Ur Luv unfolds, tila nababago na naman ang hangin dahil ibinabalik ang love team nina Empress at Dino, with Enchong as the third man out. Dahil dito, parang nagkakaroon ng competition sina Dino at Enchong.

Humingi muna ng confirmation ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ng show na si Erick Salud kung may tension nga ba kina Dino at Enchong sa set. Direk Erick answered through text na: "Kinda, because of Empress. Feeling ni Dino, inaagawan siya ng love team ni Enchong."

Pinabasa namin kina Empress at Enchong ang text message ni Direk Erick dahil wala sa presscon si Dino. Natawa lang si Empress at nag-explain naman si Enchong.

"Hindi naman po tension, magkaibigan nga kami ni Dino, e," sagot ng nakababatang kapatid ni AJ Dee. "Nagugulat lang kaming dalawa na bakit kailangan kaming ma-compare. We're totally different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sa personal, parang associated kami sa isa't isa. Ang mga friends ko, gustong magpa-introduce kay Dino. Sabi niya, may mga friends daw siyang gustong ipakilala sa akin," kuwento ni Enchong.

We explained kay Enchong na dahil nga ito kay Empress, ang common denominator nila.

Sa ngayon, okay lang kay Enchong kung magkabalikan sina Dino at Empress sa Abt Ur Luv. Mayroon pa naman daw silang ibang show ni Empress na magkasama sila, ang Lastikman nga.

Si Empress naman, okay lang sa kanya kung kanino siya i-pair. Basta wala lang daw manliligaw dahil wala pa sa isip niya ang ganito, lalo pa't she's just 14 years old. Eighteen years old si Enchong at 19 naman si Dino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN