Maricel Soriano okay with change of playdate of "Bahay Kubo"

"Wala sa akin ‘yon. Artista lang naman ako, ang producer pa rin namanang masusunod. Sabi nga nila, 'Mother knows best'. Dito, Mother Lily[Monteverde] knows best," says Maricel Soriano about the possible switch of playdates between her movie Bahay Kubo and Desperadas.



Nagbabalik ang isa sa mga reyna ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Maricel Soriano sa pamamagitan ng pelikulang Bahay Kubo.

Last entry ni Marya (ang tawag kay Maricel sa showbiz) sa MMFF ay ang Filipinas ng Viva Films noong 2003. Before that, she was part of the all-star cast of Mano Po in 2002.

Busy year ni Marya ang 2007 dahil before the MMFF, nakadalawang pelikula na siya—ang independent movie for Gawad Kalinga na Paraiso and Star Cinema's A Love Story.

Dubbed as the Pinoy Mano Po, originally slated ang Bahay Kubo for December 25 showing. Then, nagdesisyon ang Regal Entertainment na ipagpalit ang playdate nito with another one of the film company's entry, ang Desperadas—starring Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, and Marian Rivera—na originally slated for January 1 opening naman.

Bagama't ilang beses na ring nagkaroon ng two-fold showing ang MMFF—a first batch opening on December 25 and another on January 1— first time ito for Maricel to have a festival movie opening on the latter playdate.

Hindi pa naman final ito hanggang sa ngayon dahil wala pang decision ang MMFF committee kung papayag sila sa switch. Pero may ilang nag-aalala sa magiging reaction ni Marya.

Sa unang presscon ng Bahay Kubo last Friday, November 23, dahil napakaganda ng mood ni Marya, we tentatively asked her the question. Pero may pasubali muna kami sa kanya na medyo personal ang tanong.

"Bakit ka naman matatakot, subukan mo lang muna malay mo," assurance ni Marya sa amin na nakangiti, so we proceeded to ask her reaction sa change of playdate.

"Ayun lang ba?" sabi niya. "Wala sa akin ‘yon. Artista lang naman ako, ang producer pa rin naman ang masusunod. Sabi nga nila, 'Mother knows best'. Dito, Mother Lily [Monteverde] knows best. Ang nagdedesisyon niyan, producer.

"Sa palagay ko naman, kahit kailan ipalabas ang pelikula namin, lalaban. Nang nabasa ko pa ang script, excited na ako. Sabi ko, maganda talaga kaya tinanggap ko. Nasabi sa akin agad ang cast, nandito raw ang isa kong anak, si Shaina [Magdayao], ang aking nanay [Gloria Romero] makakatrabaho ko ulit, pati si Direk [Joel Lamangan]. ‘Tapos makakasama ko pa ang ibang artista sa GMA tulad nina Marian [Rivera] at Yasmien [Kurdi] bilang mga anak ko, bakit ko palalampasin?" paliwanag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sayang lang at hindi na naman makakasama sa Parade of Stars si Marya. For the past years, tradisyon na ng pamilya niya na sa United States mag-Pasko, and this year is not an exception.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN