Paolo Paraiso does not meddle in his sister Bubbles's lovelife

Now that his sister Bubbles Paraiso (inset, top) is being linked to Diether Ocampo (inset, bottom), Paolo Paraiso only gives advice since he doesn't want to interfere with her affairs. But Paolo believes that the rumor between Bubbles and Paolo is not true.



Sa kabila ng pagde-deny nina Diether Ocampo at Bubbles Paraiso that there's anything special going on between them—kahit na nga nabalita na nakita diumano silang sweet na sweet sa Cebu—marami pa rin ang naniniwala na baka nililihim lang ng dalawa ang kanilang relasyon.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nakatatandang kapatid ni Bubbles na si Paolo Paraiso, kahit siya ay naniniwalang walang epesyal na relasyon na namamagitan sa kapatid at kay Diether. Pero kung sakaling mayroon daw, sa estado ni Diether na nasa proseso pa ang pagpapa-nullify ng kasal nila ni Kristine Hermosa, sinabi ni Paolo na pagsasabihan niya si Bubbles lalo't lugi ang kapatid sa tatakbuhin ng mga pangyayari kung saka-sakali.



"Siyempre, ayokong mangyari ‘yon kasi kapatid ko ang maagrabyado, di ba? If ever na mangyari ‘yon, magsasabi ako kay Bubbles. Pero siyempre, desisyon niya pa rin ‘yon. Kay Diet naman, ayusin niya muna yung sa kanila ni Kristine bago siya manligaw," pahayag ni Paolo.

"Matagal nang kakilala ni Bubbles si Diet, sa UNO [magazine] pa lang," patuloy ni Paolo. "To be honest, hindi ko alam yung tungkol sa sinasabi nilang Cebu issue. Pero may soap sila together, yung Princess Sarah nga. Nung unang araw tumawag sa akin si Bubbles, may kissing scene nga raw sila ni Diether nung unang taping day nila."

Bilang nakakatandang kapatid, alam ni Paolo na hindi niya puwedeng panghimasukan si Bubbles sa magiging desisyon kung sino ang gugustuhin nito. Naging issue nga raw ito before sa naging ex ng kapatid na si Paolo Contis, kung saan nagkomento ang ilan na bakit daw hindi siya nakialam sa itinakbo ng relasyon ng dalawa na nauwi rin naman sa breakup.



Ayon kay Paolo, "Nung bata-bata pa siya [Bubbles], kinu-control ko siya pagdating sa mga manliligaw. Pero ngayon, kahit na sinong manligaw kay Bubbles, hindi ako makikialam kasi siya ang makikisama dun. Payo siguro, pero matanda na ang kapatid ko, pinasok niya ang showbiz, so kaya niyang i-handle ‘yon. For me kasi, paano ka matututo sa buhay kundi siya magkakamali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Dati tinanong ako bakit ko raw pinabayaan si Paolo na manligaw kay Bubbles, e, kaibigan ko pa naman daw si Pao. Kahit naman tumutol ako, ‘pag ginusto ng kapatid, wala rin akong magagawa," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN