Ynez Veneracion not ready to settle down with boyfriend Mon Confiado

"Kung ako ang magdedesisyon, hindi pa talaga ako decided kasi nga gustoko munang i-enjoy yung pagka-single ko. Gusto ko ring i-enjoy niya yungpagiging single niya na although committed kami sa isa't isa, mayroonpa rin kaming sari-sariling buhay," explains sexy actress Ynez Veneracion about not yet marrying boyfriend Mon Confiado.



Aminado ang sexy actress na si Ynez Veneracion na kung ikukumpara ang relasyon nila noon ng boyfriend na si Mon Confiado ay ibang-iba sa itinatakbo ng relasyon nila ngayon.



For so many years of being together, kasal na nga lang ang masasabing kulang para masabing buo na talaga ang relasyon nina Ynez at Mon. Sinabi ni Ynez sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na inaya na pala siya ng boyfriend na magpakasal this coming year, pero ayaw pa raw ng sexy actress na pumasok sa buhay may-asawa.



"Nagsabi na sa akin si Mon, 2008 nga raw pakasal na kami," pagtatapat ni Ynez. "Pero hindi ko nga gaanong sineseryoso kasi hindi ganun kadali ‘yon. Unang-una, masyadong maraming nangyari. Kung ako ang magdedesisyon, hindi pa talaga ako decided kasi nga gusto ko munang i-enjoy yung pagka-single ko. Gusto ko ring i-enjoy niya yung pagiging single niya na although committed kami sa isa't isa, mayroon pa rin kaming sari-sariling buhay.



"For me, ‘pag ikinasal ka na, tapos na, kasunod na nun baby na. Ang tanong, ready na ba ako? Sa angulong ‘yon, hindi pa ako handa."

According to Ynez, she's giving herself two more years before getting married.



"Two more years. Twenty-six pa lang naman ako, so enjoy lang being single, enjoy life," banggit niya.

Masaya ring ikinuwento ni Ynez na bukod sa mas tahimik ang relasyon nila ngayon ni Mon, nawala na rin sa kanila ang sobrang intense na mga pag-aaway na humahantong pa sa pagtangka niyang magpakamatay ilang ulit na.



"Mas okay na kami kesa dati, mas sweet, mas happy. Sobrang laki ng nabago. Dati ‘pag nag-aaway kami, nandiyan yung awayan, sigawan, murahan... Ngayon, tatahimik na lang ako or tatahimik siya or tatahimik kaming pareho. ‘Pag nagkatampuhan, isa, dalawang araw lang... Pero hindi tatagal ‘yon kasi it's either ako ang maglalambing or siya," lahad ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagpiyestahan noon ang away nina Ynez at Juliana Palermo because of Mon. Bukod sa handa na raw patawarin ni Ynez si Juliana, thankful si Ynez dahil may napatunayan siya sa sarili sa nangyaring gulo sa kanila ni Mon dahil kay Juliana.



"In time," banggit niya. "Sa ngayon kasi, hindi ko pa masasabi kasi masyadong malalim at malaki yung damage na ginawa niya sa akin. Pero siyempre, kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya? Darating din ‘yon."



Dagdag niya, "Actually, in a way, thankful nga ako kay Juliana dahil kung hindi dahil sa mga nangyari, hindi ko malalaman na mahal ako ni Mon."

Isa pa raw sa ibinungang maganda sa naging breakup nila noon ni Mon ay natutuhan ni Ynez na mahalin ang sarili bago siya magmahal sa iba.



"Now I learned to handle myself and my emotions, I don't give myself too much. Napatunayan kong kaya ko pala nung naghiwalay kami," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN