Mark Herras exasperated by playboy image and drug rumor

"Ako before, yung isyu sa akin na pagiging babaero, dati tinatawanan kolang. ‘Tapos parang ilang taon na palaging ganun. Parang nakakarindina, nakakasawa," complains Mark Herras about his playboy image.



Maagang dumating ang young actor na si Mark Herras sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa kahapon, November 25. Mula sa Muntinlupa ay didiretso pa raw kasi siya sa last shooting day niya para sa Bahay Kubo, ang isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival.



"Pagkatapos ng Bahay Kubo, maluwag na ng konti ang schedule ko; taping na lang. Kapag wala akong taping, magbubuhat [workout] ulit ako. Talagang tumigil ako noon kasi sobrang wala nang time. Hindi rin ako nakapag- workout kapag maraming trabaho. Kaya ang nangyari, pumayat na lang ako," lahad ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kahit pumayat ay masaya pa rin si Mark dahil tumangkad daw siya.



"Tama yung hula ko, tumangkad pa ako," nakangiti niyang sabi. "Kasi yung kaibigan ko na dancer, mas mataas siya sa akin. ‘Tapos sabi niya, ‘Tumangkad ka ba?' Kasi pantay na kami. Sabi niya, ‘Oo nga, tumangkad ka na.'



"Actually, feeling ko na tumigil ang pagtangkad ko dahil sa puyat. Hindi naman ganun kataas. Dati 5'7" po ako. Ngayon, siguro mga 5'9" na ako."



BIRTHDAY CONCERT. Regalo nang maituturing ni Mark ang kanyang pagtaas ng ilang pulgada sa kanyang 21st birthday sa December 14. Pero bukod dito ay magkakaroon din siya ng birthday concert sa Music Museum sa mismong araw ng kaarawan niya.

Pinamagatang BAD (Bump And Dance), guests ni Mark sa kanyang birthday concert sina Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Rhian Ramos, Marky Cielo, Jose Manalo, Wally Bayola, Studs, Streetboys, Maneouvres, SOP Boys, Abztract Dancers, at Kids At Work.

Tatlo naman daw ang choreographers ng show: sina Meynard Marcillano ng Streetboys, JonJon del Rosario ng Kids At Work, at si James Gaddi ng Maneouvres.



Dagdag ni Mark, "Magbubukas din ako ng bago kong bar sa Araneta [Coliseum], yung Serve. Madali siyang makita kasi sa harap niya ang Farmer's Market. Kasosyo ko diyan sina Cristine [Reyes], Jopay [Paguia], Joshua [Zamora], at si JayJay [del Roasario].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mag-o-open na kami this Thursday, November 29, at sina Manny Pacquiao at Ara Mina ang magka-cut ng ribbon. Pagkatapos ng opening, may afternoon disco rin yung bar magsisimula ng alas-tres 'tapos dire-diretso na ‘yon hanggang 6 a.m."



Ano ang birthday wish niya?



"Wala naman na siguro ako puwedeng i-wish... Well, siguro isa lang. Sana kasi, yung medyo palaging sumasakit ang tenga ko kapag may nagtatanong sa akin tungkol sa drugs issue dahil marami pa rin ang naglalabas, e.



"Parang marami naman talaga ang gumagamit nun, pero yung hindi gumagamit, sila yung napapagbintangan nila. Kaya sana matigil na ‘yan, hindi rin naman kasi nagiging helpful, e.

"Ako before, yung isyu sa akin na pagiging babaero dati tinatawanan ko lang. ‘Tapos parang ilang taon na palaging ganun. Parang nakakarindi na, nakakasawa," buntung-hininga ni Mark.

ONE-WOMAN MAN. Depensa ng binata, never siyang nag-two-time ng babae. Naging girlfriend niya ang Sex Bomb dancer na si Aifa nang mag-break sila ni Jennylyn Mercado. Pero nakipaghiwalay rin siya kay Aifa at bumalik kay Jennylyn. Naging ex din ni Mark at unang girlfriend niya sa showbiz na si Cristine Reyes. Bukod dito, na-link din siya kina Katrina Halili at Marian Rivera.



Pero ngayon, mag-iisang taon na raw ang relasyon niya sa EB Babes member na si Lian Paz na magbi-birthday din sa December 4.



"Hindi pa sure kung magpe-perform si Lian sa birthday concert ko," sabi ni Mark. "Pero hindi man siya mag-perform, alam ko na manonood siya. Nasa Okinawa, Japan, ako on December 1 and 2. Dadating ako dito ng December 3. ‘Tapos, siya naman ang aalis ng December 4 papuntang Dubai, kasama ang buong Eat Bulaga. Baka magkita kami bago siya umalis para mabati ko siya sa birthday niya."



Wala pa raw nabibiling regalo si Mark for Lian sa birthday nito, pero naiisip niya na bigyan ng Hello Kitty ang girlfriend na bibilhin niya sa Japan. Ano naman kaya ang ireregalo sa kanya ni Lian on his birthday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman ako ma-materyal na tao," sabi ng young actor.

On February 14, ise-celebrate naman nila ang kanilang first anniversary. Ano ang balak niyang iregalo sa girlfriend?



"Regalo ko sa kanya sa anniversary namin? Bibigyan ko siya ng gift certificate ng [Forever] Flawless!" biro niya.



DEJA VU? Matatandaan na naging hindi maganda ang nangyari sa relasyon nila ni Jennylyn pagkatapos nilang mag-celebrate ng kanilang first anniversary. Hindi ba nangangamba si Mark na baka ganito rin ang mangyari sa kanila ni Lian?



"Hindi naman siguro ganun din ang mangyayari sa amin ni Lian," sabi ni Mark. "Kasi first time ko lang nag-celebrate that time. Actually, hindi naman kami naghiwalay [ni Jennylyn] na magkaaway. Okay na kami ngayon."



Looking forward ba siya na tumagal ang relasyon nila ni Lian?



"Well, ako ngayon, hindi naman nagmamadali. May nagtanong nga sa akin sa presscon kung talaga bang si Lian na habambuhay? Sabi ko, ayoko namang magsalita ng tapos. Priority namin pareho ang trabaho namin at happy kami kung ano meron kami. Very vocal naman ako about her," paliwanag ng binata.



Naikuwento ni Lian ang naging karanasan niya noong bata pa siya at pagiging battered girlfriend niya. Naging battered child din ang ex niya na si Jennylyn. Ano ang masasabi ni Mark dito?



"Mahirap talaga kapag babae ka," sambit ni Mark. "Siyempre, nakakalungkot, di ba? Pero kahit ano'ng gawin niya [Lian], wala na tayong magagawa. Napagdaanan na niya ‘yan, e."



Patuloy niya, "Ako naman kasi, never akong naging hindi gentleman sa kahit na sinong babae. Basta kung ano yung kaya kong gawin para sa kanya, gagawin ko. Hangga't masaya siya sa akin, gagawin ko ang lahat. Kasi ako naman, hindi mang-aaway ng walang dahilan. Pumuputok lang ako pero hind nananakit. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN