Angel Locsin enters "Pinoy Big Brother" house as guest housemate

Young actress Angel Locsin entered the Big Brother house last night, November 25, as a sniper. Angel is the newest celebrity guest housemate in Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.



Amidst speculation and the unwanted news, pumasok na rin ang young actress na si Angel Locsin last Sunday night, November 25, sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Kaso, baka makaagaw ng atensiyon ang pagpasok ng isa pang celebrity this week—a much bigger one—ang international hip-hop singer na si Akon.

Lumabas ngayong araw na ito, November 26, mula sa mga publicist mismo ni Angel na baka ma-preempt ang pagpasok ng young actress sa Bahay ni Kuya dahil naunahan na raw ito ng balita. Dahil advanced writing nga ang ginagawa sa diyaryo, hindi na nahabol na makorek ng publicists ni Angel ang kanilang mga naisulat sa columns nila dahil kagabi nga ay pumasok na ang young actress, na hindi agad nakilala ng mga natitirang housemates.

Kakaiba kasi ang pasok ni Angel sa Big Brother house. Para siyang sniper at pinagbabaril ng paintball ang mga male housemates. Later na lang siya nagpakilala, to the surprise of the housemates.

Nakibalita kami kung ilang araw ang itatagal ni Angel sa bahay. Ayon sa nakausap namin, limang araw lang daw sa loob ng Bahay ni Kuya ang dating GMA-7 artist.

Hindi raw sigurado kung puwedeng maging regular housemate si Angel dahil bukod dito, nagsisimula na siyang mag-taping for Lobo with Piolo Pascual at balita ring she is undergoing a series of acting workshops under director Ms. Laurice Guillen.

Dagdag pa ng kausap namin, papasok din temporarily as special housemate ang international artist na si Akon within this week. Ang naging clue para sa mga housemates, pinapagtugtog ngayon sa bahay ang mga kantang pinasikat ni Akon ‘tulad ng "Don't Matter" at "Smack That."

May concert kasi si Akon sa Araneta Coliseum this Thursday, November 29, so this could be a good promotion for him. Pero kung papasok siya, malamang na mangyari ito either tonight or tomorrow and for sure, by Wednesday or early Thursday, ay lalabas agad siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, pinabalik naman ulit sa Bahay ni Kuya ang race-car driver na si Gaby dela Merced kaninang hapon, November 26. Matatandaang nag-voluntary exit si Gaby noong November 10 upang sumali sa isang racing seminar sa Arizona noong November 16-18.

Pagbalik ni Gaby mula U.S. ay inimbitahan siyang muli ni Kuya sa loob ng kanyang bahay. Ang pagpasok muli ni Gaby sa Big Brother house ay may kinalaman sa pag-alis nina McCoy Fundales at Ethel Booba noong nakaraang linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN