Rhian Ramos irritated by report linking her to Paolo Paraiso

"Magkaibigan kami ni Paolo, and in fact, noong nag-celebrate siya ngbirthday niya in one of those eateries in Morato, I was there. Kasimagkaibigan kami, and all of a sudden, pinalalabas na mayroon kamingrelasyon?" explains Rhian Ramos about a report that she was seen dating Paolo Paraiso (inset).



Muling pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng My Only Love para kapanyamin si Rhian Ramos sa latest issue na kinasasangkutan ng pangalan niya—ang diumano'y pagde-date nila ni Paolo Paraiso pagkatapos ng Star Awards for TV noong November 18.



"It's funny 'cause there are people who want to put me in situations where I'm not actually in them," pahayag ni Rhian. "Paolo and I are just friends, and it so happened that we have the same handler, si Michael Uycoco of GMA Artist Center, that's why sabay na kaming nagpunta sa Star Awards that night.



"It was just for convenience. Kaysa magkahiwalay pa kaming magpunta doon, iisang sasakyan na lang ang naghatid sa amin, kasama namin siyempre yung handler namin," paliwanag ni Rhian.



Iginiit ni Rhian na hindi raw sila magka-date ni Paolo. Katulad sa ibang pagkakataon na napuna ang closeness ni Rhian kay Mo Twister, binigyan din ito ng ibang kahulugan.



Ayon kay Rhian, "It's really so funny because there are pictures of us, kami ni Paolo, na obviously taken sa Star Awards. Pero may nagpabago sa background, and they were even insisting that we went to Starbucks somewhere, at magka-date nga kami.



"Kind of stupid, too, you know. I mean, why should I go out with Paolo—if that's what they believe—while wearing a gown? Hindi ba puwedeng lumabas kami at magpunta sa Starbucks na hindi ako naka-gown? Common sense na lang. At bakit sa Starbucks?



"Pagkatapos ng Star Awards, kanya-kanya na kami. Magkaibigan kami ni Paolo, and in fact, noong nag-celebrate siya ng birthday niya in one of those eateries in Morato, I was there. Kasi magkaibigan kami, and all of a sudden, pinalalabas na mayroon kaming relasyon?"



Hindi ba niya type si Paolo? At saka hiwalay na rin naman ang sexy actor kay Mylene Dizon. Dahil ba sa ayaw ng fans at makakasira talaga sa career niya ang guys na nakaka-close niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's a pity that because some people misinterpret me," sabi ni Rhian, "I will just inhibit myself from having male friends, or getting close with them. Mayroon lang talagang mga tao that are out there to destroy my image. I don't know for what reason. Pero alam ko naman na ganoon, aware ako. It's not becuase of Paolo or DJ Mo, for that matter, when fans are openly protesting the kind of closeness I have with these guys. Huwag naman. It's so unfair kasi lahat na lang ng guys yata na makaka-close ko, nilalagyan ng malice."



Ito lang naman ang mensahe niya sa mga detractors niya: "Well, go on. Concoct all those stories, and you can never have clear evidences to prove them. Ganoon lang. I don't have to worry about them. I refuse to get affected."



Bakit hindi ang leading man niya sa My Only Love na si Mark Herras ang nali-link sa kanya?



"Yun na nga, e!" bulalas ni Rhian. "Pero alam kasi ng mga tao that Mark has a special someone [Lian Paz]. And simply because ayaw nilang i-link ako kay Mark dahil makakatulong pa 'yon sa teleserye namin.



"Gusto nilang i-link sa akin, yung ayaw ng fans. Hindi rin porke ayaw ng fans, I would just shoo away these guys. Don't I have the right to mingle with men? And they won't react to it with malice," paliwanag ng young actress.



Nagre-react din ang marami sa naibalitang nagkakasakitan na ang mga gumaganap sa My Only Love dahil walang hintong pamimisikal ang nagaganap sa mga eksena rito.



Para kay Rhian, hindi na niya kailangang patulan ang ganitong kakitid na pang-unawa ng iba.



"I can never please everybody," sabi niya. "Kung ano ang ginagawa namin sa mga eksena, wala pa namang nangyayaring masama, yet there are so many negative reactions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi kami nag-aaway-away, and we are all professionals. Hindi totoong nagkakaroon na ng aksidente sa set dahil sa mga eksena na kailangang may pisikalan. Alam namin ang aming ginagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN