Alfred Vargas says why make a big deal of gay issue if it's not true

"Kung lalaki ka naman talaga, ano ang dapat mong patunayan sa iba? Angattitude ko riyan, alam kong hindi totoo, why bother to makestatements? If you simply don't care, people won't make a big issue outof it," opines Alfred Vargas about gay issue hounding some male stars.


Idinepensa ng sexy actor na si Alfred Vargas ang manager niyang si Lolit Solis dahil sa tindi ng pressure dito ng libel case na isinampa nina Sam Milby at Piolo Pascual.



"Basta ako, natural lang na susuporta sa manager ko," sabi ni Alfred. "Loyal ako kay ‘Nay Lolit. Walang laglagan sa pagkakataong ito, at naniniwala ako sa kanya. Pinaninindigan naman niya 'yan, e."



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alfred sa taping ng My Only Love sa Lamayan St., Sta Ana, Manila, para makuha ang panig niya, lalo sa pagkakasangkot na rin ni Alfie Lorenzo sa mga usapin tungkol sa demanda kay Manay Lolit.



"Yung kay Tito Alfie, hindi kasi maliwanag sa akin 'yan, e. I just don't have to make a comment. I just hope that they would be able to settle whatever differences they have, kung mayroon man. Kasi, ang alam ko, magkakaibigan naman sila [Lolit and Alfie]," pahayag ni Alfred.



Si Alfred na mismo ay gagawing example ang sarili niya sa ganitong mga gay rumor.



"Marami rin akong naririnig na kesyo ganito ako, may ex-lover daw ako. Sino 'yon? Actually, natatawa na lang ako sa mga ganyang chika. Alam mo naman sa showbiz, ang dami-daming gays, kaya gusto nila, lalo pang dumami!" at natawa na lang si Alfred.



Hindi ang ganitong mga bagay diumano ang pag-aaksayahan ng oras ni Alfred para patunayan lang ang kanyang pagkalalaki.



"Kung lalaki ka naman talaga, ano ang dapat mong patunayan sa iba? Ang attitude ko riyan, alam kong hindi totoo, why bother to make statements? If you simply don't care, people won't make a big issue out of it," rason ni Alfred.



Opinyon lang naman ni Alfred ang ipinapahayag niya, and he has nothing against Sam and Piolo.



"Prone din ako sa ganyang mga tsismis, lalo na't nag-umpisa ako sa sexy image, di ba?" sabi niya. "Ididikit nila 'yan sa indecent proposals, na nagpapakita ka kasi ng katawan kaya, hayan, lapitin ka ng intriga tungkol sa kabadingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nasa pagdadala ko rin siguro ng sarili 'yan. They know that I'm not the type who will just go around and do stupid things that may involve me in gay controversies. I'm so confident about myself pagdating sa ganyang mga bagay.



"At saka tahimik lang ako," patuloy niya. "Hindi ako pakalat-kalat sa kung saan. Kaya nga ako nagpatayo at bumili ng bahay na gusto ko talaga para doon lang ako palagi, nagre-relax, at hindi yung nag-aaksaya ako ng oras sa ibang lugar, na ang tendency matsitsismis ka."

Ni wala nga raw time si Alfred para makipag-date ngayon, kahit nga sinasabi niya nang diretsahan na cool-off muna sila ng girlfriend niyang si LJ Reyes.



"Yun nga ang naging problema namin ni LJ,'yung kawalan ng oras para sa isa't isa, 'tapos makikita akong nakikipag-date sa iba? Hindi ako paniniwalaan kapag ganoon.



"Nagkakaintindihan kami ni LJ tungkol sa mga bagay na 'yan, at alam niya nariyan din lang ako palagi para suportahan siya. Malabo nga lang kasi ang schedule namin dahil hindi nagmi-meet. Abala siya sa pag-aaral, at ako naman, sobrang hectic na ang schedule sa trabaho," sabi pa niya.



Bukod sa My Only Love, napapanood din si Alfred sa Nuts Entertainment sa GMA-7. Ipapalabas na rin ang kinabibilangan niyang pelikula, ang Banal na entry sa Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN