Rustom Padilla clueless about his brother's escape from rehab

Actor Rustom Padilla has yet to talk to his family about the escape of his older brother, Royette Padilla, from a rehabilitation center. Rustom has just come home from a vacation in the United States.



Successful ang ginanap na premiere night ng Pasukob ng OctoArts Films sa Cinema 10 ng SM Megamall kagabi, November 26. Nakatakdang ipalabas ang naturang comedy film ngayong Miyerkules, November 28, sa mga sinehan.

Puno ang loob ng sinehan nang dumating ang dalawang bida ng Pasukob na sina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto. Nandun din sina Eugene Domingo na siyang gumanap na mother nina Ai-Ai at Rufa Mae. Naka-black coat naman ang direktor ng pelikula na si Wenn Deramas.

Nagbigay rin ng suporta si Candy Pangilinan kay Direk Wenn at ang kaibigan ni Rufa Mae na si Rustom Padilla, na kadarating lang from the United States.



Pagkatapos ng premiere night, ginanap ang cast party ng Pasukob sa bagong bukas na Jozu Japanese resto malapit sa ABS-CBN. Doon nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rustom.



"Mga two weeks pa lang nung bumalik ako dito," bungad ni Rustom.



Ilang linggo lang din daw ang inilagi niya sa Amerika pagkatapos niyang manalo sa Urian Awards bilang Best Actor. Kinailangang bumalik agad ni Rustom ng Pilipinas dahil sa teleserye niya sa GMA-7, ang La Vendetta.



Kahit nasa bakuran na ng Kapuso network si Rustom ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng pagkakataon na makaharap ulit ang ex-wife na si Carmina Villarroel.



"Hindi ako nakasama sa pagpu-promote namin ng bagong show [La Vendetta] kasi that time, pumunta na ako sa Amerika. Pero wala namang problema kung magkita kami," pahayag ni Rustom.



Feeling naman ng malalapit na kaibigan ni Rustom, may special friend siya sa Amerika na pilit niyang binabalik-balikan kahit abala siya rito sa Manila. Pero malaking ngiti at tawa lang ang ibinigay na sagot ni Rustom nang usisain tungkol dito.



Anyway, walang kaalam-alam si Rustom sa balita na tumakas ang kuya niyang si Royette Padilla sa rehab na pinagdalhan sa kanya ng ina nila na si Eva CariƱo. Wala raw kasing komunikasyon si Rustom with his family pagkatapos nilang magbati-bati ng kanyang ina at magkita ng kapatid na si Robin Padilla sa Urian Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ako makapag-comment kasi hindi ko na sila nakausap after magkita kami sa Urian. Kasi nga, pumunta ako ng Amerika. Kaya huwag nang magtampo ang ilan kong friends sa showbiz kung hindi ako sumasagot sa mga text at tawag nila kasi ultimo sarili kong pamilya, hindi ko nakakausap," paumanhin ni Rustom.



Pero agad daw niyang aalamin ang kalagayan ng kanyang Mommy Eva as soon as possible, lalo pa't may balita na babalikan ni Royette ang kanilang ina dahil sa pagdadala sa kanya sa rehab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN