Susan Roces on daughter Grace Poe's chances of winning: "It's anybody's race."

Apr 21, 2016
<p>Susan Roces on daughter Grace Poe: "I know that she's doing her job well. I know that she's trying her best and I know that she's reaching out to our fellow citizens as she goes through this campaign. Pero kagaya nga ng sinabi ko, walang katiyakan hang

Hindi na bago para sa beteranang aktres at itinuturing na Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ang pangangampanya tuwing eleksiyon.

Dalawang importanteng tao sa buhay niya ang parehong tumakbo bilang presidente ng Pilipinas.

Ang yumao niyang asawa na si Fernando Poe Jr. ay tumakbong presidente noong 2004 national elections, ngunit natalo ito, sa sinasabing malawakang dayaan, ng kalaban niyang si Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang anak naman nilang si Grace Poe ay tumatakbo ngayong May 2016 elections bilang pangulo rin.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Susan sa book launching ng entertainment editor at talk show host na si Ricky Lo, ang Conversations Pa More with Ricky Lo, sa Sampaguita Gardens noong April 16, tinanong namin ang beterang aktres kung paano niya ihahambing ang naging karanasan niya sa kampanya noong 2004 at ngayong 2016.

“Mahigit nang sampung taon ang nagdaraan.

“Maraming pagbabago. Hindi mo maihahambing.

“Iba na ang mga edad ng mga botante natin, mga dating botante. Tulad ko, mga senior citizens na.

Continue reading below ↓

“Ang panahon ay iba na. Unang-una, ang weather, sobrang init.

“Sobrang init ng halalan!” natawang sabi ni Susan.

Positibo naman siya sa magiging resulta ng eleksiyon sa May 9?

Sagot ng Ang Probinsyano actress, “Well, as Grace says, it’s anybody’s race.

“So, kung anuman ang magiging resulta ng darating na halalan, ang ipinapanalangin ko ay kung ano ang makabubuti sa ating bayan.”

PROUD OF GRACE. Ipinagmamalaki ni Susan ang anumang nakikita niya sa anak at kung paano ito ngayong panahon ng kampanya.

Sasd niya, “As a mother, yes, I am proud of my daughter.

“I know that she’s doing her job well.

“I know that she’s trying her best and I know that she’s reaching out to our fellow citizens as she goes through this campaign.

“Pero kagaya nga ng sinabi ko, walang katiyakan hanggang sa dumating ang araw ng halalan at ma-tally na ang lahat ng resulta.

Continue reading below ↓

“Ang panalangin ko ay kung ano ang makabubuti sa ating bayan.”

Naaapektuhan ba siya sa mga resulta ng isinasagawang surveys, kung saan minsan ay si Grace ang nangunguna, pero minsan naman ay bumababa ito.

Pahayag ni Susan, “Aba, e, talagang ganun ang buhay, di ba?

“Hindi naman palaging nasa taas. Sabi nga nila, gulong ng palad.

“Kahit naman sa mga pelikula natin, kung ihahambing mo sa ating mga nagawang pelikula at sa kasalukuyan pang ginagawa, pati na nga sa mga teleserye, may panahon na okey ang rating mo, may panahon naman na hindi.

“Kung ano ang makabubuti.”

ISSUES. Ngayong malapit na ang eleksiyon, kasabay ng panahon ay painit din nang painit ang mga isyung ibinabato sa halos lahat ng mga kandidato.

Bilang isang ina, nasasaktan ba si Susan sa tuwing may mga ipinupukol na isyu, lalo na kung mga kasinungalingan, laban sa kanyang anak?

Continue reading below ↓

“Natural,” mabilis niyang sagot.

“Normal lang para sa isang magulang kapag may ipinupukol na kasinungalingan sa iyong anak o miyembro ng iyong pamilya, masama ang loob mo.

“Pero ganun talaga ang buhay.”

Ang tanging suporta raw na maibibigay niya kay Grace ay ang ipagdasal ito.

“Siyempre, bilang ina, palakasin ang kanyang loob, alagaan ang kanyang kalusugan at, siyempre, manalangin para sa kanya.

“Malakas ang loob ni Grace. That’s one inborn qualities in Grace.

“Kapag meron siyang ginusto, talagang ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya dahil ganun ko siya pinalaki.

“Ayoko nung magrereklamo, pero wala namang ginagawa.

“Do your best… yun ang rules ko. Study well, do your best, behave, and pursue your goals. 

“If it’s not meant for you, thank the Lord, it’s not meant for you.”

Aminado naman si Susan na dahil sa kabisihan ng anak, naisantabi na ang mga pagkakataon at oras na bonding sana nilang mag-ina. At hindi raw mawawala na ma-miss niya si Grace.

Continue reading below ↓

“Siyempre, nami-miss ko ang regular bonding time namin together, which is mostly during weekends or sometimes even weekdays. 

“Pero dahil sa hinaharap niyang schedules ay hindi muna namin magawa yun along with the members of her family.

“I hope all of these will end soon and we’re facing a big challenge.”

Read Next
Read More Stories About
Susan Roces, Grace Poe
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Susan Roces on daughter Grace Poe: "I know that she's doing her job well. I know that she's trying her best and I know that she's reaching out to our fellow citizens as she goes through this campaign. Pero kagaya nga ng sinabi ko, walang katiyakan hang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results