Manny Pacquiao settles issues with Korina Sanchez and Cristy Fermin

Boxing champ Manny Pacquiao finally settled his differences with broadcasters Korina Sanchez (inset, top) and Cristy Fermin (inset, bottom) after their meeting last Friday, November 23.



Nagharap, nag-usap at nagkaunawaan na rin si Manny Pacquiao at ang mga nakaalitan niyang mga broadcasters na sina Korina Sanchez at Cristy Fermin last Friday afternoon, November 23, sa Friday's restaurant na katabi ng Hotel Rembrandt sa Quezon City.

Narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkukuwento ni Korina sa pagharap nila ni Pacquiao sa morning show nila ni Ted Failon sa dzMM.

Pagdating naman sa afternoon show ni Cristy kasama si Jobert Sucaldito sa parehong istasyon, kinumpirma ng TV host-columnist ang pag-uusap nilang tatlong nasangkot sa kontrobersiya.

"Kami muna ni Manny ang nag-usap," sabi ni Cristy. "Kapagdaka ay tinawag ko si Korina at pinapunta sa Friday's. Parang alam na niya ang mangyayari, pero pumunta pa rin siya. Nag-usap nang personal yung dalawa kaya hindi ko alam ang detalye ng napag-usapan nila.

"Kami naman ni Manny, dalawang bagay lang naman yung naging puna ko sa kanya. Yung hindi niya pagpunta sa Manila nung nanalo siya sa laban niya kay [Marco Antonio] Barrera. Hindi raw niya alam ang schedule na 'yon at nirerespto namin siya. Pangalawa na nga yung balitang pinatatanggal niya si Korina [sa ABS-CBN] dahil sinabing wala siyang utak dahil para sa matatalino ang larong poker.

"Sabi ko kay Manny, kapag may nakakarating sa kanyang paninira, huwag agad siyang maniniwala. Ako ang sandata niya sa mga naninira sa kanya. Pero kapag nagkamali siya, ako naman ang unang magbibigay ng pahayag laban sa kanya!" paliwanag ni Cristy.

Naging mapagkumbaba naman daw si Pacquiao sa usapang ‘yon, sa kabila ng mga tirang natanggap niya mula sa kolum ni Cristy. Matatandaang nagbanta pa nga si Manny na idedemanda niya ang kolumnista kung hindi nito ititigil ang pagtira sa kanya. Dagdag pa ni Cristy, si Pacquiao ang pang-anim sa mga celebrities na tinatawag niyang "anak" bukod kina Piolo Pascual, Cogie Domingo, Claudine Barretto, at dalawa pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinausap din daw ni Cristy ang isang bit player-stuntman na nakaikot sa mundo ngayon ng Pambasang Kamao.

"Sinabi ko lang na nung duguan pa lang ang kamay ni Manny, nandoon na kami sa tabi niya. Pero sila, nung itinataas na lang ang kamay niya bilang kampiyon at saka sila dumating. Kung magsasabi sila o manghuhusga sa mga tao, sabihin nila 'yon nang harapan at hindi yung talikuran," katuwiran ng TV host-columnist.

Incidentally, noong araw rin ng Biyernes nagkabati sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes sa Hotel Rembrandt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN