Rosanna Roces realizes importance of her craft as mature artist

"Dumating na siguro ako dun sa point na yung pagiging artist ko naman ang gusto kong pansinin," declares Rosanna Roces who has realized the importance of her craft.


Nagmamadaling umalis si Rosanna Roces sa malaking presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 26, sa Plaza Ibarra, Timog, Quezon City.

Marami pa sanang gustong makipag-usap sa kanya matapos na siya'y maringgan ng mga kakaibang pagbabago sa kanyang trabaho, pero dahil nga sa balitang isinugod sa ospital ang kanyang ina-inahan, agad niyang nilisan ang venue.

Iba ang karakter ni Osang nang humarap siya sa media along with the rest of the cast ng magsisimulang Book 2 ng PMPC Star Awards for Best Drama Series na Maging Sino Ka Man.

"Ewan ko, pero dumating na siguro ako dun sa point na yung pagiging artist ko naman ang gusto kong pansinin," ang bahagi ng deklarasyon ng aktres.

Kung dati raw ay wala siyang pakialam sa "art," ngayon ay nais na ni Rosanna na tawaging "craft" ang lahat ng kanyang ginagawa.

Marami man ang nagulat sa bagong paraan ng pagpapahayag ng dating sexy actress,—na nakilala bilang bombshell na walang inuurungang laban—pinakinggan pa rin ang kanyang mga paliwanag.

"I feel like I'm being tested in this project. Ibang-iba ngayon compared sa mga ginawa ko before. Dito na lang nga ako uli nasabihan ng mga direktor ko na 'huwag ka nang tatamad-tamad, diretso mo na ‘yan'...mga ganun. Four years ding hindi ako nagtrabaho. Gustuhin ko man, wala namang offer. Kaya ano ang karapatan ko to complain?" ang litanya ng aktres sa ngayo'y tinatawag niyang "newfound peace at work."

Ang mga experience niya raw sa buhay ang ipinagmamalaking rason ni Osang kung bakit na-rediscover niya ang kanyang sarili, pati na ang husay niya sa pagganap. Sa dalawang teleseryeng kinabilangan niya sa ABS-CBN—Ysabella at Natutulog Ba ang Diyos?—pasasalamat lang ang nais niyang isukli sa muling pagtitiwala ng ABS-CBN at mga tao sa kanya.

Although feeling niya na bumalik siya sa grade one in terms of showcasing her craft, "worth it ang lahat," ayon sa aktres na nangangakong hindi lang magiging maganda kundi isang magandang marunong magpaiyak at maiintindihan ng mga televiewers. ‘Ika nga niya sa role niya bilang si Veronica sa Maging Sino Ka Man, "If Corazon [played by Chin Chin Gutierrez] was a storm in Book 1, I will be the hurricane."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Osang, harvest time niya ang paglabas-labas sa TV ngayon mereseng hindi na siya ang pinaka-bida. Lahat naman daw ay dumaan sa ganyan and she acknowledges that fact.

"Siguro naman ay nakapag-plant ako ng maraming ektarya ng goodness for me to reap whatever is there to harvest. And now that I am working with good directors, Christians and the like, I feel so relaxed. Ngayon, I'm not treated differently. They look up to me so much kaya naman I have to do just anything they expect me to become.

"I studied acting, watched different movies, and I found myself trash in those old films na sa tingin ko ay hindi ako ‘yon o wala ako dun... Mga ganung bagay na sa tingin ko ay ngayon ko lang nakita ang worth ko, so let me enjoy this and give me the moment para ibalik ko naman ang favor," ang makahulugan pang pahayag ni Rosanna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN