Anne Curtis says there's nothing to admit about her relationship with Sam Milby

"Hindi naman sa hirap kami, but as of now, that's what it's there, e.And ako, I've always been one naman na aaminin ko naman, e. Butwala...walang aaminin, e. We're friends, we agreed na... Dati wehangout, but now, we both decided to be friends muna," explains Anne Curtis about her rumored relationship with Maging Sino Ka Man leading man Sam Milby (inset).


Kung ang pagbabasehan ay ang mga sagot ni Anne Curtis nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik sa Plaza Ibarra kagabi, November 27, tila maging siya ay clueless pa kung sooner or later ay mawawala na rin ang character niya as Celine sa Book 2 ng naturang drama series.



"I really don't know," sabi ni Anne. "Day by day lang namin nakukuha ang script. So, they didn't advise me kung ano ang mangyayari sa character ko."



Noong Book 1 pa lang ng Maging Sino Ka Man (MSKM), may mga naglalabasan nang balita na sa pagpasok ni Angelica Panganiban sa serye ay ito na ang papalit or magpapatuloy sa iiwanang character ni Anne. Since kasama na rin sa serye si Toni Gonzaga, posible bang isa kina Angelica at Toni ang maging threat sa character ni Anne sa MSKM?



"No naman, I woudn't say that," paglilinaw ni Anne. "I wouldn't say naman na threat. I would say na it's more spice to the soap. It's more nakakadagdag para hindi maging boring na kami lang apat ulit [Anne, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, and Sam Milby]. It's added spice. It's more adding life to our story."

Bukod kasi sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man ay may isa pang gagawing soap opera si Anne sa ABS-CBN, ang Wedding, kung kaya mawawala rin siya eventually sa MSKM. Pero hindi maikakailang nagmarka ang character na ginampanan niya sa naturang drama series at masasabi rin na dito siya unang nakita ng mga tao bilang aktres.



Tinanong ng PEP si Anne kung sa tingin niya ay mas worth it ang ibang series na gagawin niya if ever at kailangan na niyang iwan ang Maging Sino Ka Man later on.



"Oo naman," sagot niya. "It depends on where my character will lead to. Ang dami nang nangyari kay Celine, so it depends on what else will happen. If it's the right time for her [to leave], e, di sige, I don't know... But I don't think na kung ‘yon man ang mangyari, I think it's time for a different side of Anne naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAM MILBY. Tinanong din si Anne tungkol sa sinasabing bukod-tanging siya pa lang daw among Sam's closest friends ang naisasama ni Sam sa bahay na ipinapatayo nito ngayon. Ito raw kasi ay dahil ang naturang bahay ang posibleng maging love nest nila ni Sam. Ano ang masasabi ni Anne dito?



"What? No!" natatawang tanggi ng dalaga. "Alam n'yo, Sam is really like that. Sam invities his friends to see his new house. Siyempre ako naman, I really want to see also kung ano yung effort niya. So far, sa bahay niya, hindi pa naman tapos but I'm sure it will gonna be a beautiful house."



Since never silang umamin ni Sam na sila na nga or nanliligaw ang matinee idol sa kanya, may iba bang manliligaw ngayon si Anne?



"Wala!" maagap na sagot ni Anne. "Right now, wala pa...Who knows what will happen in the future? Kung sino man ang manliligaw, we don't know, di ba? But if ever, I'm letting you guys know."



Hindi itinatanggi ni Anne na magpahanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa pelikula ng co-stars niya sa Maging Sino Ka Man na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na One More Chance. Aniya, sigaw raw siya nang sigaw sa movie dahil super nakaka-relate siya rito. When we asked kung paano ba siya when she really loves somebody, ang sinagot ni Anne ay mismong linya sa naturang movie: "She had me at my worst but she loves me at my best!" at saka siya tumawa.



Pero bakit nga ba sa tagal na rin naman ng isyu na nali-link silang dalawa ni Sam, bakit parang hirap na hirap silang umamin?



"Alam n'yo, wala pa naman kasing aaminin," paliwanag ni Anne. "Hindi naman sa hirap kami, but as of now, that's what it's there, e. And ako, I've always been one naman na aaminin ko naman, e. But wala...walang aaminin, e. We're friends, we agreed na... Dati we hangout, but now, we both decided to be friends muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nasaan siyang estado ngayon sa klase ng closeness or relationship nila ni Sam? Waiting or expecting or dedma na lang na tuluyan nang magtapat ang binata sa kanya?



"I'm not waiting and I'm not expecting," diin ni Anne. "It's more on enjoying and looking toward the future to all the possibilities that can happen to your life. I think, that's how every woman should think. They shouldn't think that I want someone already or I'm waiting for the perfect someone. It's more on open mo lang, bigla na lang susulpot ‘yan, e."



Sa gender issue about Sam, was there ever a time na pinagdudahan ni Anne ang kanyang leading man?



"Doubt him? No! Because I know him so well and that's what I speak so strongly when I defend him," pahayag ng young actress.



Paano niya sinusuportahan si Sam sa pinagdadaanan nito ngayon?



"I'm here to listen to him when he has something to say. I try to give the best advice that I can but that's all I can do. Be a friend and listen but I can't judge anyone else."

Sa pagiging Born-Again Christian ni Anne, may mga nagsasabing si Sam daw ang dahilan nito. Pero mariin naman itong itinanggi ng young actress.



"No, it's definitely not because of Sam. Actually, it was Ate Rica Peralejo who influenced me. And I chose to do that because God finally reached out to me again," pagtatapos ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN