John Lloyd Cruz: "Hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko kay Piolo."

"Kung ang gagawin nating point of comparison ay kung ano ang kayangibigay ng isang artista, sa tingin ko, naniniwala ako na mas maramingkayang ibigay si Piolo Pascual," says John Lloyd Cruz about being compared to Piolo.


Sa Book 1 ng Maging Sino Ka Man ay hindi maikakaila ang husay ng performance na ipinamalas ni John Lloyd Cruz, rason kung bakit siya ang nanalong Best Drama Actor sa ginanap na 21st Star Awards for TV ng Philippine Movie Pres Club (PMPC).



Ngayon ay magbabalik muli ang character ni John Lloyd na Eli sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Naitanong kay John Lloyd sa presscon ng naturang drama series ng ABS-CBN kagabi, November 27, sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City kung posible kayang isa na naman acting award ang naghihintay sa kanya dahil sa naturang role niya.



"Alam n'yo, medyo malayu-layo ang atensiyon natin diyan," sagot ng mahusay na young actor. "Kasi sa bigat ng trabaho namin dito sa Book 2, hindi ka pa...or hindi mo naman agad maiisip ang award na makukuha mo. In other words, hindi ka naman magtatrabaho para makukuha ng award.



"Hindi naman ‘yon ang basis of good work. Kumbaga, sa trabaho namin, bonus na lang ‘yon [award]. Kapag may nakaka-recognize ng trabaho mo, kapag may makaka-recognize ng craft mo, pasasalamat na lang. Pero hindi siya ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho," paliwanag niya.



Ayon kay John Lloyd, mas challenging daw talaga ang gagawin or ginagawa nilang lahat ngayon sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.



"Mas challenging siya na in a way, lahat kami back to Grade 1. Maski kami, may na-established na kami sa Book 1. Pero siyempre, yung pacing ng soap, mag-a-adjust ka ulit. Panibagong pag-aaral ulit," pahayag ng young actor.



Ayon kay John Lloyd, magkaiba pero pareho lang daw challenging ang magpatuloy ng dating series at ang gumawa ng bagong serye.



"Challenging siya in a sense na bago kasi ang approach namin sa istorya," sabi ni John Lloyd. "Bago ang approach ng storytelling. But in a way, madali kasi meron na kayong audience. Nandiyan na sila at naghihintay kung ano ang mangyayari sa Book 2. Makakatulong ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero at the same time," patuloy niya, "risky rin kasi hindi ka pa sure kung magugustuhan ba ng audience na 'yon ang bago. Pero palagi namang may bago. Kung meron man na hindi magkagusto, I'm sure meron din magkakagusto or puwede rin na magustuhan nilang lahat. Kasi ako, sa nakikita ko, wala akong nakikitang dahilan para hindi ito magustuhan ng lahat ng audience."



BUYING AN AWARD. Inusisa rin namin kay John Lloyd ang balitang bayaran diumano sa katatapos na Star Awards for TV, kung saan isa nga siya sa nabigyan ng parangal. Bagama't hindi siya kasama sa nakukuwestiyon, how does he feel na may mga isyu ng bayaran sa naturang award-giving body kung saan ay nanalo rin siya?



"Ganoon ba? Nakakalungkot naman kung ganoon. Kasi ang karangalan, hindi mo dapat nabibili. Hindi mo siya kayang sukatin sa kahit anong halaga ng pera. Ang karangalan, nakukuha...it's either makuha mo or hindi, yun lang ‘yon.



"Ako, sa pananaw ko, kung may mga ganyang bilihan, kahit kailangan, hindi ko bibilhin ang dangal ko. Nakakalungkot lang na may ibang tao na akala nila, kaya nilang tapatan ng kahit na magkanong halaga ng pera ang kahit na anong karangalan. Nakakalungkot for them. Kasi sa paniniwala ko, kung ganoon ang paniniwala nila na kaya nilang tapatan ng pera ang kahit anong karangalan, nakakaawa sila. Sa tingin ko, maling-mali ang paniniwala nila," ang malalim na pahayag ni John Lloyd.



LOVETEAM WITH BEA. Taliwas sa balitang magla-lie-low or mamahinga muna ang loveteam nila ni Bea Alonzo pagkatapos ng last movie nila together na One More Chance, heto't makikita at mapapanood pa rin silang magkasama sa telebisyon sa pamamagitan ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik.



"Yes!" bulalas niya. "Kailangan ‘to... Kumbaga, hindi ka naman talaga totally mawala sa ere. Kumbaga, ‘eto lang ang magho-hold sa amin. Kami pa rin ang magkasama bilang magka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kasi sa MSKM, obstacle. May nagkakahiwalay. Basta para sa team-up namin ni Bea, we're taking a break, pero galing kami sa isang malaking pelikula. Plus, ‘eto pa, napakalaking event nitong Maging Sino Ka Man Book 2. Kaya sa tingin ko, hindi rin sila [John Lloyd-Bea fans] malulungkot."



THREAT TO PIOLO. Napag-usapan din during the press conference na sa hanay raw ng young actors ngayon, lalo na sa ABS-CBN, kung lalim lang din ng acting ang pag-uusapan, sinasabing si John Lloyd ang puwedeng ituring na threat kay Piolo Pascual. Huwag nang idagdag na 'tulad ni Piolo, John Lloyd is also celebrating his 10 years in show business. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?



"Naman! Wala tayong maihahandog kagaya ng concert sa Araneta! Yun na lang, puwede mong gawing comparison," natatawa niyang sagot.

"Pero kasi, ang mga nararating naman ng tao, iba-iba, e. Hindi mo naman ‘yan nasusukat. Siguro meron kayong interpretation na mas malayo ang narating ni ganito kaysa sa ‘yo kasi siya may concert na ganito, may album siya.



"Pero bukod kasi sa ganoon, sa karera namin, kumbaga, mas experienced siya [Piolo]. Unang-una, Piolo is a tri-media artist—he sings, he host, he acts. Marami siyang nagagawa. Hindi limited ang kanyang artistry."



Ang ibig bang sabihin nito ay limited lang ang kaya ring gawin?



"Sabihin na lang natin na meron akong kayang ibigay at meron akong hindi kayang ibigay," paliwanag niya. "Parang ganoon lang. Pero sinabi ko nga kanina, hindi tayo nagsasarado ng pinto. Puwedeng after a year or two, mag-decide tayo, ‘Ay, gusto ko na palang kumanta! Ay, gusto ko na palang todo-dancing!' Puwede siyang mag-iba-iba, e.



"Pero sa ngayon, tanggap ko na ito pa lang ang kaya kong ibigay. So, kung ang gagawin nating point of comparison ay kung ano ang kayang ibigay ng isang artista, sa tingin ko, naniniwala ako na mas maraming kayang ibigay si Piolo Pascual."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Napa-flatter ba siya na maikumpara kay Piolo?



"Flattering, at the same time hindi mo kasi alam kung ano... Siyempre, naniniwala naman ako sa inyo, sa sinasabi n'yo. Pero siyempre, may kanya-kanya tayong realidad. Sa reality ng utak ko at pagkatao ko, hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko kay Piolo," sabi ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN