Angelica Panganiban on boyfriend Derek Ramsey: "He's almost perfect and he treats me like a princess."

"Siyempre ‘pag mahal mo yung tao at the moment, siya yung gugustuhinmong makasama, di ba? Wala ka nang hahanapin pa kay Derek. Meron siyangkonting sablay, pero parte naman 'yon ng pagiging normal na tao. Akorin naman hindi perfect, e," says Angelica Panganiban about the possibility of settling down with boyfriend Derek Ramsey (inset).


Tiyak na magmamarka ang role ng young actress na si Angelica Panganiban sa Book 2 ng isa sa pinakamalaki at award-winning teleserye ng ABS-CBN, ang Maging Sino Ka Man. Ginagampanan niya rito ang character ni Maria Lena Rubio Madrigal, ang "jologs at lukaret" na anak ni Rosanna Roces. Kapatid niya sa ama si Bea Alozno at mai-involve din siya rito kay John Lloyd Cruz.



Makakatambal din ni Angelica sa naturang serye ang kanyang real-life boyfriend na si Derek Ramsey kaya't tiyak na mas lalong lalalim pa ang kanilang samahan dahil lagi silang magkasama sa taping. Tanong tuloy ng entertainment press kay Angelica sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 27, ay kung gaya nina Anne Curtis at Sam Milby ay magkakaroon din sila ng kissing scenes at love scenes dito.



"Naku, marami kaming kissing scenes dito ni Derek na dapat abangan! Kayo ang mananawa sa dami ng kissing scenes namin at may love scenes din kami!" natatawang sabi ni Angelica.



Nakunan na ba ang mga eksenang 'yon? May kaba ba sa kanilang dalawa?



"Siyempre, may kaba. Iba yung atake kasi, kumbaga, may artistry 'yon sa harap ng kamera," sagot ng young actress.



Napakalaki ng casting ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man at tiyak na aabangan ang acting ng lahat ng cast members.



"Kabog talaga ang akting dito," banggit ni Angelica. "Kabugan kami nina Bea at Anne. Lahat naman magagaling at walang itulak-kabigin sa lahat ng cast, kaya dapat nilang abangan ito gabi-gabi. Grabe ang ganda ng story! Mai-in love, luluha, at siguradong maaaliw kayo dito."

WORKING WITH OSANG. Kumusta naman ang working relationship nila niRosanna Roces sa Maging Sino Ka Man? Mukhang kaabang-abang kasi ang mgaeksena nila bilang mag-ina.



"Nakakatawa siya, sobra!" sambit niAngelica. "Hindi ko ini-expect na ganung klase siyang tao. Noong unakasi, natatakot ako sa kanya, sobra akong nai-intimidate. Hindi ko alamkung paano siya iha-handle, pero ngayon, ang sarap niyang katrabaho. Saset, para kaming isang pamilya. Marami nga ang nagsasabing para talagakaming mag-ina, pareho kasi kaming maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEREK RAMSEY. May knee injury sa kasalukuyan ang boyfriend ni Angelica na si Derek, pero nakatakda pa rin itong mag-compete sa isang frisbee competition sa Taiwan ngayong December. Hindi niya ba binabawalan ang kanyang boyfriend na lumaban since delikado ito for him?



"Hindi ko naman pinipigilan," sabi ng dalaga. "Sa amin kasi, kung ano gusto mong gawin, gawin mo, ganun. Pero magsasalita ako kung ano reaction ko tungkol doon at nasa sa iyo na 'yon kung pakikinggan mo ako.

"Siyempre, first love niya talaga 'yung frisbee kaya hindi na ako makikipagkumpitensiya dun. Sayang nga hindi ako makakasama sa kanya sa Taiwan kasi may taping ako. Nagpaplano kaming mag-Hong Kong sana before his birthday [December 7], pero mukhang hindi na rin matutuloy kasi sunud-sunod ang taping dito," kuwento ni Angel.



So, paano siya babawi kay Derek?



"Di ko alam, e. Piniprisinta ko naman yung sarili ko, kaya lang, wala rin naman kaming choice, di ba?" aniya.



Ano ba ang regalong naiisip niya para kay Derek sa birthday nito?

"Wala pa, wala raw siyang gusto, e. Wala pa akong idea what to give. Ayaw niya akong bigyan ng clue kung ano gusto niyang gift," pahayag ni Angelica.



Gaano siya kasaya ngayon sa piling ni Derek?



"Sobrang happy kami!" mabilis niyang tugon. "Minsan 'pag pareho kaming busy, bumabawi na lang kami sa isa't isa by talking on the phone. We always have time for each other pa rin naman. Recently, sobrang nag-enjoy kami sa trip namin sa Malaysia, with Joross [Gamboa]. Masaya, nakapagpahinga and bonding talaga."



WEDDING TALKS. Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?



"Wala, tanungin n'yo siya," sagot ni Angelica. "Hindi pa namin napag-uusapan, never. Actually, kami yung tao na kung ano meron kami ngayon, sa ganitong paraan kami mabubuhay, yung ganun. Kumbaga, we live day by day na ini-enjoy lang namin, 'pag magkasama kami. Hindi namin pini-pressure ang sarili namin na dapat happy kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero si Derek na ba ang gusto niyang makasama for the rest of her life?



"Oo naman!" bulalas niya. "Siyempre ‘pag mahal mo yung tao at the moment, siya yung gugustuhin mong makasama, di ba? Wala ka nang hahanapin pa kay Derek. Meron siyang konting sablay, pero parte naman 'yon ng pagiging normal na tao. Ako rin naman hindi perfect, e.

"Ang maganda sa amin, tanggap namin kung ano at sino kami. Walang pretensions sa amin. He's almost perfect and he treats me like a princess. He's such a nice guy at alam kong he'll be a responsible family man if ever we end up together."



What if mag-propose ng marriage si Derek sa kanya ngayon? Willing ba siyang i-give up ang career niya?



"Wala pa siyang nababanggit sa akin tungkol sa marriage, pero if ever, siguro aayusin namin lahat. Paplanuhin namin. Hindi kasi ako natatakot sa salitang marriage, e. Hindi ako yung taong mabibigla doon, ako yung mae-excite. Siguro magiging masaya 'yon dahil lahat naman ng babae, yun ang hinihintay, e. Dapat paghandaan ko ang bagay na 'yan. Pero kasi ngayon, we both know our priorities. Career muna siguro and time will tell if we're both ready to settledown," paliwanag ng young actress.



Hindi ba siya naiinggit sa kaibigan niyang si Camille Prats na soon-to-be-mommy na?



"Hindi naman naiinggit, pero masaya talaga ako para sa kanya," sabi ni Angelica. "Nagkakausap at nagkaka-chat kami. Nakikita ko ang mga pictures nya at kinukuwentuhan niya ako ng mga ginagawa niya sa Amerika. Nakakatuwa kasi ibang-ibang tao na yung nakakausap ko. Iba na siyang mag-isip, magsalita at magkuwento."



What if one day mabalitang siya naman ang buntis?



"Ewan ko, pero magiging happy ako if ever," sagot niya. "I'll be responsible enough to handle a situation like that kasi ginusto ko 'yon. We'll never know kung kailan mangyayari ang bagay na ganyan. Dumarating 'yan unexpectedly, di ba? For as long as I am happy naman, wala akong nakikitang problema. I'm old enough to face the reality in life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tinanong din namin kung nag-aaway ba sila ni Derek at kung selosa ba siya.



"Oo naman," pag-amin niya. "Normal lang sa isang relationship ang pagtatalo. Pero ang maganda sa amin, open palagi ang communication namin. Noon, selosa ako, sobra. Siyempre, mas naintindihan ko na ang ugali niya, mas nage-gets ko na yung trip ng mga kaibigan niya at mga trip niya."



GOING ON A DIET. Meanwhile, napuna rin namin ang pagpayat ni Angelica ngayon kaya tinanong namin kung ano ang sikreto niya.



"Nag-diet talaga ako para dito," pagsisiwalat niya. "Nagsa-South Beach kasi ako dati, so ngayon talagang binawasan ko talaga ang kakainin ko para ma-maintain ko ang ideal weight ko. I've lost almost ten pounds siguro. Mas gusto ni Derek ito, balingkinitan.

"Actually, na-hospitalize kasi ako twice. Nagkakasakit ako, nagka-gastroenteritis ako nung last week of October bago ako mag-birthday. Suka kasi ako nang suka, ayaw tanggapin ng sikmura ko yung kinakain ko. Intestinal flu daw 'yon, e, naging uso siya nung mga buwang 'yon," kuwento ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN