Toni Gonzaga will not allow boyfriend Paul Soriano to enter Big Brother's house

Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 host Toni Gonzaga says she will never allow her boyfriend, young director Paul Soriano (inset) to enter Big Brother's house.



Ilang beses binanggit ni Toni Gonzaga ang salitang "no" tanda ng pagtutol niya na pumasok ang kanyang kasintahan na si Direk Paul Soriano sa Bahay ni Kuya at maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nakunan ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress-TV host kagabi, November 27, sa engrandeng presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.



Ayon kay Toni, nakausap na niya si Direk Lauren Dyogi ng PBB na hindi nito papayagan si Paul kung sakaling hihikayatin itong pumasok bilang isang housemate. Naranasan na raw kasi ni Toni ang hirap sa loob ng Bahay ni Kuya noong naging guest housemate siya at ayaw niyang maranasan ito ng kanyang boyfriend.



"Hindi ko talaga siya [Paul] papayagan, masyadong maraming temptations. Mahirap tumira sa bahay na 'yon kaya saludo ako sa mga housemates, kasi mahirap 'yong ginagawang pagtu-torture ng emotion. Okay lang 'yong pisikal na bagay. Kaya nga for you to survive a day inside that house is a big deal," paliwanag ni Toni.

Sinabi ni Toni na sa apat na raw na pamamalagi niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay totoo ang nakita sa kanya ng mga manonood.



"Mahirap naman mag-pretend sa bahay na 'yon," sabi niya. "Kahit anong gawin mong pagpi-pretend at pagpapanggap, lalabas at lalabas 'yong totoo kasi 24 hours kang nandoon. Mahirap magkubli ng totoong pagkatao."

MARIEL RODRIGUEZ. Hanggang ngayon ay isa rin si Toni sa nag-aabang sa paglabas ng kanyang co-host sa PBB at Entertainment Live na si Mariel Rodriguez mula sa Bahay ni Kuya. Ilang linggo na rin kasing nasa loob si Mariel bilang guest housemate at wala pang katiyakan kung kailan siya palalabasin ni Kuya.



"It's something I didn't know because they always tell me Mariel is coming out this day and then, nababago, e. So, hindi ko talaga alam," ani Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware din daw si Toni sa mga naging negatibong impresyon ng mga manonood kay Mariel dahil sa mga pagsasalita nito na "kadiri ang showiz" at "baduy ang GMA-7" habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Sinabi ni Toni na nirerespesto niya kung anuman ang naging pahayag ni Mariel.



"For her to say those things, I think she has her own reasons kung bakit nasabi niya 'yon o kung anuman ang ginagawa niya sa loob ng bahay. I'm sure ipinapakita lang niya 'yong pagiging totoo niya, because that's what PBB is all about, how true you are to yourself."



Dagdag niya, "I know Mariel's someone who is very bubbly and very positive ang paningin sa buhay. I just wish na when she gets out, she will be able to explain everything."



POWERFUL CAST. Kasama si Toni sa pabuloso at powerhouse cast ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, na magsisimula na sa December 10 sa ABS-CBN. Pero sinabi ng young actress na sa una ay may alinlangan siya kung tatanggapin niya ang offer dahil naniniwala siya na ang lahat ng artistang gumanap sa Book 1 ay establisado na ang kani-kanilang mga karakter.



"Because of the meeting and brainstorming, I got convinced na, I think, this is a great project and I'm so honored that they considered me," sambit ni Toni.



Bukod sa mga beteranong cast members sa Maging Sino Ka Man, sobrang excited din si Toni sa pagsasama nila nina Sam Milby at Anne Curtis sa isang project, bukod sa musical variety show na ASAP '07.

"Honestly, I'm looking forward to working to both of them because I haven't really worked with them sa ganitong klaseng field," sabi ni Toni. "I respect them as artists and I have so much respect how they love their craft. I'm just really looking forward to our scenes together and I'm happy to be able to work with them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN