John Prats seriously courting Shaina Magdayao

Now that Rayver Cruz (inset, bottom) has reportedly backed outfrom courting Shaina Magdayao (inset, top), is John Prats ready to catch the youngactress? "Ako naman, sinabi ko kungsagutin man ako ni Shaina, maging kami o hindi kami or anuman, I'm always herefor her," replies John.


Isa-isang sinagot ng young actor na si John Prats ang mgaisyung nag-uugnay sa kanya at kina Rayver Cruz at Shaina Magdayao, na sinasabing nililigawan niya ngayon.

Sa press conference ng bagong scent line ni John na Motionsa Scent Station na ginanap noong November 27 sa Imperial Palace Suites, TimogAve, Quezon City, nilinaw ni John na wala siyang kinalaman sa diumano'ypag-backout ni Rayver sa panliligaw sa nakababatang kapatid ni Vina Morales na si Shaina.

Hindi kaya dahil ito sa pag-amin ni John na nililigawan naniya si Shaina?

"Kung ako yung reason, I doubt kung ako kasi parang walanaman akong ginawa, e. I didn't talk tohim na parang lumayo na siya, ganito yung gawin niya. Actually, hindi ako yung ganung tipo ng tao. Kung anuman yun, I think siya yung dapattanungin kung anuman yung reason. Bastaako, I'm always here for Shaina. Kung hindi man niya ako sagutin o hindi, I'malways here for her," depensa ni John.

Dagdag pa ng binata, "I saw sa write-up dahil daw saakin? Parang ako naman, if you likesomeone, di ba? Siguro itotodo mo,walang makakahinto kahit na sino."

FOUR-MONTH RELATIONSHIP. Kamakailan ay may lumabas ding balita na nagsasabing apat na buwanna ang relasyon nina John at Shaina. Totoo ba ito?

"Nakakatawa yung part na 'yon," komento ni John, "Sa nagsabi na four months na kami, e, yunpalang yung kakaamin ko pa lang sa kanya, siguro nung week na 'yon, na I likeher.

"That was two months ago noong lumabas 'yon. 'Tapos, ito lang, recently lang, naglabas nanaman na four months na kami. Sana minove niya ng konti in two months paraconsistent siya," natatawa niyang sabi.

Sabi ni John, hindi rin totoo na pinaplano nilang dalawa ni Shaina na magkitasa bahay ni Bea Alonzo, na kilalang malapit na kaibigan ng young actress.

"Yun, isa pang weird kasi hindi pa ako nakakapunta ng condoni Bea. Kasi parang close kami ni Bea,pero parang, for me rin, mahihiya akong tao na parang nagkikita kami sa ibangbahay. Parang hindi 'ata tama 'yon,"natatawang paliwanag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Hindi pa kami lumalabas ng kaming dalawalang. Kasi, like after ASAP,lumalabas kami pero group kami. Lunchlang, hindi naman formal dinner or what. As in friendly lunch, ganun yung nangyayari."

UNPLANNED COURTSHIP. Isang paglilinaw ni John na hindi niya sinubukang itago ang kanyangpanliligaw kay Shaina. Matatandaan namas naunang naipaalam ni Shaina ang tungkol sa pagporma ni John sa kanya kaysamismong personal na aminin ng young actor.

"Kasi nauna siyang tinanong. Kasi ako, when I saw the interview, wala naman akong opportunityto say... Ayoko naman na, ‘Okay, press, come here, kakausapin ko kayo.' I sawthat interview, siya yung naunang tinanong," paliwanag ni John

Ayon kay John, halosisang linggo pa lang siyang nangliligaw nang aminin ni Shaina sa publiko angtungkol sa kanyang panliligaw. "Sunud-sunod yung presscon niya, ako yung... Naku, sorry ha, wala namanakong...alangan namang magtawag ako ng presscon?"

Inamin din niya na wala talaga sa plano ang kanyangpanliligaw at biglaan na lamang niya itong naramdamang gawin.

Aniya, "Walang plano. Five years ago, we were close because of my sister [Camille Prats], Marinellamagkasama na sila. Magkakilala nakami, sabay na kami lumaki, so alam namin yung ugali namin. Hindi ko maalaala kung ano ang nag-trigger,siguro nagdya-jive lang kami in so many things."

Samantala, naikuwento rin ni John na diretso sa bahayang kanyang panliligaw dahil "yun ang gusto ng family."

Minsang nagpunta raw si John sa bahay ni Shaina ay nataon pa na may "barbecue party" ang pamilya ng dalaga.

Salaysay ni John, "Barbecue dinner, so kumpleto sila. Na-invite ako, siyempre nerbiyos na nerbiyosako kasi buong pamilya na 'yon. Butnoong pagpunta ko doon, sobrang okay sila, ‘O, kumain ka na?' Ganun-ganun. Sonung narinig ko 'yon, in-entertain nila ako, kahit papaano nawala yung kaba kong konti 'tapos in-enjoy ko na yung night."

Ngayong tila tanggap na siya ng pamilya ni Shaina, maybalak ba siyang mag-backout sa kanyang panliligaw sa dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni John, "Kung ako, parang wala akong makitang reasonto give up Shaina."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN