Jolo Revilla keeps silent about his dad's other children

"Sorry po talaga, no comment. Wala po akong alam diyan," replies Jolo Revilla when asked about the out-of-wedlock children of his dad, Senator Bong Revilla (not in photo).



"Blood is thicker than water," ito ang paulit-ulit na binigyang-diin ng young actor na si Jolo Revilla nang usisain sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga bagong kapatid niya sa ama na si Bong Revilla, na kamakailan lang ay nailantad sa publiko.

Unang lumabas sa publiko ang ngayo'y 15 years old nang si Luigi, na ayon kay Jolo ay matagal na nilang kilala ng kanyang mga kapatid.

"We are even close to his mom," sabi ng 19-anyos na binata sa PEP nang humarap siya sa presscon ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Resiklo kahapon, November 28, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

"Maayos naman at buong-buo," ang dagdag ng binata tungkol sa estado ng kanilang pamilya matapos ipakilala sa publiko si Luigi sa debut party ng nakababatang kapatid nilang si Inah.

Pero hindi naman tuwirang nakasagot ang binata nang itanong sa kanya ang pinakabagong "addition" sa family nila, na ayon sa balita ay anak ng tatay niya na si Bong Revilla sa dating beauty queen na si Jo Canonizado.

"Sorry po talaga, no comment. Wala po akong alam diyan," pag-iwas ni Jolo.

Ganunpaman, inamin ni Jolo na normal lang na nasasaktan sila noong umpisa kapag may mga ganitong balita. Pero sabi nga niya, "Wala din naman kaming choice kundi ang tanggapin. Basta blood is thicker than water."

Hindi raw ang tipo ni Jolo ang maging confrontational sa mga ganitong isyu. Kung meron daw silang kailangang itanong sa ama nila ay diretso raw nila itong naitatanong at maayos naman din nilang iniintindi ang paliwanag nito.

Basta sinisiguro ni Jolo na walang makakagulo pang muli sa pamilya nila ngayon. Bukod kasi sa mas naging open sila sa isa't isa," siguro din ay dahil sa nagma-mature na kaming lahat, especially kaming tatlong malalaki na [Jolo, Brian, at Inah]," sabi ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Right now ay mas gustong tapusin ni Jolo ang kanyang pag-aaral. Second year college na siya sa San Beda, kung saan kumukuha siya ng kursong Marketing Management.

"Siyempre, kailangan munang kumita ng pera bago mo pasukin ang anumang negosyo," paliwanag ni Jolo sa kursong balak niyang tapusin.

Kung tutuusin nga naman kasi ay madali rin niyang magagawa ang maging bahagi ng mga kumpanya ng pamilya niya. Pero ayon sa binata, "Mas masarap at mas maganda yung may sarili kang diskarte."

"I might" naman ang simpleng tugon niya sa tanong ng PEP kung balak din niyang umentra sa pulitika kagaya ng kanyang ama. Sa katunayan, siya ang head ng Youth Development Council sa Bacoor, Cavite, kung saan mayor ang uncle niyang si Strike Revilla. Abala raw sila sa mga gawaing pangkabataan gaya ng sportsfest, seminar, at pagbibigay ng scholarship sa mga out-of-school youth.

Dagdag ng binata, "Ginagawa ko na rin talaga ito dati pa kaya't parang natural na bahagi na lamang ito ng aming pagtulong sa iba."

On a more personal note, loveless daw si Jolo sa ngayon bagama't inamin niya na nakikipag-date siya. Hindi niya kinumpirma kung taga-showbiz o hindi ang mga idine-date niya.

"Walang seryoso. Lahat friendly dates kumbaga. Isang normal na gawain ng isang lalaki," paglalarawan ng binatang ama sa kanyang lovelife.

Tiniyak din ni Jolo na pinag-iisipan na niyang mabuti ngayon ang lahat ng kanyang mga gagawin, hindi lang daw dalawa o sampung beses, kundi paulit-ulit lalo na kapag may kaugnayan sa mga isyu sa babae ang mga gagawing desisyon.

"Come what may," sagot ni Jolo nang tanungin siya tungkol sa takbo ng kanyang showbiz career. Secondary lang naman daw talaga sa kanya ang pag-arte.

Isang makahulugang "let's see" naman ang naisagot niya tungkol sa kanyang pagiging mabuting kaibigan ngayon kay Grace Adriano, ang ina ng anak niyang si Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This Christmas ay wish ng binata na makapiling ang magta-tatlong taong gulang niyang anak. Kung ipapahiram daw ito sa kanya ng ina ni Grace na si Rosanna Roces ay magiging mas makabuluhan daw ang Pasko nila, lalo pa't lumalaking makulit at maurirat na raw si Gab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN