Toni Gonzaga and boyfriend Paul Soriano make time for each other everyday

"Very supportive si Paul bilang boyfriend ko, and I'm sohappy na hindi siya basta nagpapabaya. Kahit at least one to two hourseach day, naglalaan kami sa isa't isa para mag-usap, magkumustahan, atmagkita man lang," proudly says Toni Gonzaga about her boyfriend Paul Soriano.



Kasama si Toni Gonzaga sa dramatic thunderbolt na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, ang ikalawang aklat ng very successful teleserye ng ABS-CBN. Isa si Toni sa bagong karagdagan sa nabanggit na cast ng bonggang teleserye, at mukhang naiibang challenge ito para sa kanya.



"Para maiba naman, hindi yung puro romantic comedy na very light ang drama dahil, this time, we all know that this is something heavy. I need something like this for my artistic fulfillment na rin," banggit ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Maging Sino Ka Man last November 27 sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City.



Hindi na halos nagbabago ang work pace ni Toni. Maski ngayong mayroon na siyang lovelife na iniintindi, inamin niyang hindi biro ang schedule niya.



"Kadalasan, late nang natutulog 'tapos maagang gumigising," sabi ni Toni. "Hindi naman ako dapat magreklamo dahil marami nga riyan, naghahangad ng trabaho; samantalang ako, heto at pasok lang nang pasok.



"Very supportive si Paul [Soriano] bilang boyfriend ko, and I'm so happy na hindi siya basta nagpapabaya. Kahit at least one to two hours each day, naglalaan kami sa isa't isa para mag-usap, magkumustahan, at magkita man lang.



"Nagagawa pa rin naman namin ang mag-usap, hindi lang sa telepono, or sa text messages. Alam ni Paul ang sitwasyon ko, at madalas, siya ang gumagawa ng paraan para magkita kami. Alam niya kung saan ako pupuntahan," pahayag ni Toni.



Hindi nga rin niya kariringgan ng reklamo ang boyfriend, palibahasa'y isa ring direktor at sanay na ito sa kalakaran sa TV.



"May balance ang relasyon namin, 'cause we don't usually talk about showbiz kapag nagkakasama kami. Yun na kasi ang trabaho namin. We share insights about other things," kuwento ng young actress-TV host.



Palagay ni Toni, tatagal sila ni Paul sa ganitong sitwasyon, kahit hindi ito normal para sa isang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gustuhin ko man kasing asikasuhin siya at ako yung umalalay sa kanya, hindi ko magagawa 'yon kung kailan ko gusto dahil mahirap din ang nature ng trabaho ko. Ang importante na lang dito ay yung trust. Aside from the love, yung respeto, at ang importante, yung trust nga. Sa ganitong sitwasyon, yun na lang ang panghahawakan namin para magtuluy-tuloy at tumibay ang relasyon namin," saad ni Toni.



Na-shock nga si Paul nang biglang iutos ni Kuya na kailangang pumasok na ni Toni that time sa Big Brother house bilang bahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.



"Abrupt ang decision na 'yon at wala akong magagawa," sabi ni Toni. "Part din 'yon ng trabaho ko as host ng PBB at 'yon ang gusto ni Kuya. Hindi ko matatanggihan 'yon without even giving it a try."



Dagdag pa niya, "Iyak ako nang iyak nang kinulong ako sa Bahay ni Kuya. Talagang sumugod doon si Paul, just to ensure me that things will be all right."



Ang parents pala ni Toni ay sang-ayon na kahit ngayon ay lumagay na siya sa tahimik.



"Pero hindi okay sa akin!" natatawang sabat ni Toni. "Ako lang kasi ang magpapakasal, ako ang haharap sa challenges ng married life. Hindi ko naman alam kung paano magwu-work 'yon.



"Ni hindi pa namin pinag-iisipan nang seryosohan ni Paul ang tungkol sa bagay na 'yan. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko talaga, church wedding kasi mas binding 'yon. Maganda yung solemnity ng seremonyas at pangarap lahat ng mga babae 'yon. But as of now, mahirap mag-isip ng ganyan dahil marami pa akong gustong gawin at hindi naman kami nagmamadali ni Paul," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN