PMPC says there was no payoff at the 21st Star Awards for TV

The names of Sunshine Dizon (left) and Jodi Sta. Maria (right) were dragged into the alleged payoff at the 21st Star Awards for TV. The two were nominated in the Best Drama Actress category, which was eventually won by Sunshine for Bakekang.



Bunsod ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kaugnay ng balitang nagkaroon diumano ng bayaran sa 21st Star Awards for TV, na ginanap noong November 18 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University, minabuti ng naturang grupo ng entertainment writers na maglabas ng official statement pagkatapos nilang magsagawa ng sariling imbestigasyon.

Matatandaang ilang araw pagkatapos ng awards night ay may mga naglabasang balita na nagkaroon na naman daw ng bayaran, partikular sa kategoryang Best Drama Actress. Nasangkot dito ang mga pangalan nina Jodi Sta. Maria at Sunshine Dizon, na nominado para sa pagganap nila sa Walang Kapalit at Bakekang, respectively. Gaya ng alam na nating lahat, si Sunshine ang itinanghal na Best Actress.

Ayon sa reports na lumabas sa ilang tabloids, nagbayad diumano ng halagang P36,000 ang kampo ni Jodi, sa pamamagitan ng entertainment columnist na si Jobert Sucaldito, sa isang miyembro ng PMPC upang masiguro ang panalo ng aktres. Pero hindi ito ang nangyari dahil ang nagwagi nga ay si Sunshine. Mas malaki diumano ang ibinayad ng kampo ni Sunshine kaya ito ang nanalo.

Habang itinanggi na ni Jodi sa panayam niya rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bintang na nagbayad siya para manalo, nananatiling tahimik si Sunshine tungkol sa isyu. Si Jobert naman ay nagbantang isisiwalat ang iba pa niyang nalalaman kung hindi siya tatantanan tungkol sa naturang intriga.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersiya ang PMPC kaugnay ng pamamahagi nila ng Star Awards For TV at maging sa Star Awards For Movies. Matatandaang dahil sa pagkakagulo ng mga miyembro noon ng PMPC ay tumiwalag sa group ang ilan sa kanila at nagtatag ng panibagong grupo, ang Entertainment Press Society o Enpress, na siya namang namamahagi ngayon ng taunang Golden Screen Awards.

Sa official statement na ipinalabas ng PMPC, sinabi nila na base sa imbestigasyon na isinagawa nila ay walang naganap na bayaran sa pagitan ng sinasabing nominado para sa Best Drama Actress category at ng isang voting member ng PMPC. Pinaninindigan din ng PMPC ang resulta ng naganap na awards night kung saan ibinigay nila ang tropeyo sa tingin nila ay karapat-dapat sa lahat ng kategorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuan ng official statement ng pamunuan ng PMPC:

"The past few days, the Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. has been getting negative reactions from some quarters about the alleged payoff or whatever is presumed by somebody who was allegedly approached by a non-voting member of the PMPC asking for dole-outs to protect the votes of a certain nominee as alleged by the source of the said money.

"After a thorough preliminary investigation, the PMPC Board of Directors did not find any wrongdoing of any voting member as attested by those being accused of receiving monetary consideration in exchange of their votes for the said nominee for the Best Drama Actress category. They are even willing to face the member who is accusing them of receiving such money.

"The PMPC Board of Directors and its members stand firm by the awards given to the respective deserving winners in all categories of the just-concluded 21st Star Awards for Television and respect the decision of the Club's voting members."

Additional report by Melba Llanera


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN