Gladys Guevarra enters "Pinoy Big Brother" house as the new celebrity housemate

Gladys Guevarra surprised the televiewers as sheappeared in the Pinoy BigBrother afternoon program titled Über. She was introduced as the newest celebrityhousemate. She even said, whileimpersonating comedienne Mahal, "Siyempre naman, nandito na ako saKapamilya. Pasensya ka na. Churi, Churi [sorry, sorry]."




Isang sorpresa na naman ang inihatid ng Pinoy Big BrotherCelebrity Edition 2 sa kanilang mga masugid na manonood kaninang hapon,November 28 sa afternoon program ng nito na Über.

Maramiang nagulat sa pagkakakita nila sa komedyanteng si Gladys Guevarra naipinakilala bilang bagong housemate sa Bahay ni Kuya. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas magmula nang bumalik sa Pilipinas si Gladys mula New Jersey, kung saan nagbakasyon siya kasama ang U.S.-based boyfriend niyang si Philip Pedero.

Kahit ang PBB host na si Toni Gonzaga ay excited nangmakita ang kanyang Ate Gladys. Angdalawa ay huling nagsama sa afternoon variety show na Eat Bulaga! sakabilang network, ang GMA-7.

Matapos magyakapan ang dalawa, tinanong ni Bianca Gonzales,isa pang host ng PBB, si Gladys kung anong pakiramdam na maging bahagina ng mga Kapamilya.

"Siyempre ang sayakasi, una, 'di ba, bago lang 'tapos ang ganda ng welcome, ang warm. Wala namang, ano e... Hindi naman nakatali angbuhay ng bawat tao, e, so allowed ka namang gumalaw at magdesisyon ng mgabagay-bagay para sa 'yo," pahayag ni Gladys.

Sa kanyang muling paglabas sa telebisyon, ipinarinig niGladys ang talent niya sa panggagaya ng mga boses ng iba't ibang tao. Sa boses ni Mahal, sinabini Gladys, "Siyempre naman, nandito na ako sa Kapamilya. Pasensya ka na. Churi, Churi [sorry, sorry)]." At sa boses naman ni Annabelle Rama,"Alam mo, 'Day, dito sa pagalabas mo sa Bahay ni Kuya, siyempre alam ni Ropa 'yan,nagpaalam ako kay Ropa. Nagpaalam akokay Ropa, 'Day."

At bago nga tuluyang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya,tinanong ng hosts si Gladys kung ano ang kanyang expectations sa loob ng bahay. Aniya, "Hindi ko nga alam, e, siyempre lahatsurprise pa 'to for me. Pero nire-readyko ang sarili ko dahil... Normal na buhay sa loob ng bahay. Gusto ko lang maramdaman kung papaano akobibigyan ng task ni Kuya, kung papaano yung mga makakasama ko sa loob, kungpapaano sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang saglit pa ang nakalipas ay inihatid ni Bianca Gonzalesang pinakabagong housemate sa Bahay ni Kuya sa confession room. Doon ibinigay ni Big Brother ang kanyangpagbati sa komedyante bilang bagong housemate niya.

Gayundin, hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Kuya at ibinigay angunang task ni Gladys. Sinabi ni BigBrother sa komedyante na kailangan niyang magbigay ng comment sa mga nauna nang housemates na nagkakantahannoong mga oras na 'yon.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga natitiranghousemate kung nalaman nila na si Gladys ang kanilang singing judge? Tatagal kaya si Gladys sa loob ng Bahay niKuya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN