Bong Revilla: "Hindi ako santo."

"You can read between the lines kung ano yung totoo at hindi. Hindinaman ako sinungaling na tao. Maybe at the right time, I will come out.Hindi naman ako nagsisinungaling, e. Ayokong magsinungaling," explains actor-politician Bong Revilla about having children outside his marriage to wife Lani Mercado.



Pakiramdam ni Senator Ramon "Bong" Revilla ay nabunutan siya hindi lang ng tinik kundi sibat pagkatapos niyang personal na humingi ng tawad sa kanyang ninong at dating pangulo na si Joseph Estrada.

Naganap ang pagbabati nina Senator Revilla at former President Estrada sa birthday celebration ni Precy Ejercito, misis ng kaibigan ni Bong at panganay na anak ng dating pangulo na si Senator Jinggoy Estrada, noong November 21 sa Cirkulo restaurant sa Makati City.



Kuwento ni Bong sa presscon ng pelikula niyang Resiklo kahapon, November 28, noong una raw ay atubili siyang pumasok sa loob ng restaurant dahil sa sobrang kaba niya nang malaman niyang nasa loob na si Erap. Hindi niya raw kasi alam kung paano siya haharap kay Erap pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila sa EDSA Dos noong 2001.

Matatandaang kumampi si Bong sa panig ng oposisyon na nagnanais bumaba sa puwesto sa Erap matapos ibasura nag impeachment case laban dito. Napatalsik nga sa puwesto si Erap at pinalitan siya ni Gloria Macapagal-Arroyo, subalit nagkaroon naman ng lamat ang relasyon ni Bong kay Erap at maging kay Jinggoy.

Hinintay raw ni Bong ang kanyang misis na si Lani Mercado at sabay silang pumasok ng venue. Kahit nakita na raw ni Jinggoy si Bong, hindi raw siya nilapitan nito at tila binibiro pa na bahala siyang lumapit sa dating pangulo.

Ang isa pang best friend ni Bong na si Rudy Fernandez ang nagyaya sa kanya at naghatid sa kinauupuan ni Erap para bumati.



"Well, of course, I was nervous. Pero ‘yon yung time na matagal ko nang hinihintay na gusto kong mangyari, na finally nangyari na. Nung paalis na siya [Erap], nagtatayuan na ang lahat, niyakap ko siya. Sabi ko, ‘Nong, I'm sorry,'" kuwento ni Bong na medyo nangingilid na ang luha.



Naramdaman ba niya na sinsero rin ang pagpapatawad na iginawad sa kanya ng kanyang ninong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Oh, yeah!" bulalas ni Bong. "Sabi niya sa akin, ‘O, wala ‘yon. Ikumusta mo ako sa Daddy mo [former Senator Ramon Revilla]. Lalong tumaas ang tingin ko sa kanya. Sabi ko, ibang klaseng tao talaga siya, napakabait na tao."

POLITICAL TALKS. Hanggang ngayon ay nasa administration party pa rin si Bong kaya siguradong nabalitaan na ni Presidente Gloria ang pagbabati ng actor-politician at ng dating Pangulo. Ano ang sabi sa kanya ni PGMA?



"I haven't talked to her," sagot ni Bong. "Wala namang masama doon kasi iba ito, e. It was more on personal, not political."



Naniniwala ba siya na posible pang makabalik si Erap sa dati niyang posisyon since hindi naman niya talaga natapos ang kanyang term noon?



"Well, by law, pupuwede siya," pagsang-ayon ni Bong.



This time ba ay susuportahan na niya si Erap sakaling mag-decide itong tumakbo ulit kahit magkaiba sila ng partido?



"Basta, huwag na muna nating... Masyado pang malayo ‘yon. Iipitin ninyo ulit ako, e! Napakahirap noon!" natatawang sabi ni Bong na halatang umiiwas.



May balita na tatakbo siyang Vice President sa susunod na eleksyon, totoo ba ito?



"Hindi ko naman inambisyon ‘yan," sabi ni Bong. "Pero kung tatakbo si Senador Jinggoy, hindi ako lalaban. Magbibigay ako."



Paano kung ang partido niya ang magdikta na tumakbo siya bilang Vice President?



"Maski na," matigas na paninindigan ni Senador Bong.



May usap-usapan din na tatakbong Vice President ang Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa susunod na halalan. Ano ang komento rito ni Bong?



"Basta nakapag-commit na ako kay Senator Jinggoy. I think we [him and Vilma] belong to the same party kaya it will never happen," sabi ni Bong.



Handa ba siya talaga na ipagparaya ang kanyang political career sa ngalan ng pagkakaibigan?



"Hindi naman kasi ako nag-aambisyon ng ganun kataas, e. Dito lang ako sa Senado, masaya na ako. Pero kung dumating ‘yon, okay lang. But of course, ayoko lang magkasugatan ulit ang pagkakaibigan namin. I don't want to be in the same position again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Gaano katagal ba ang naging alitan nila ng pamilya Estrada?



"Matagal din, e, since 2001, nito lang kami nagkaayos. So, pabayaan muna ninyo ako na namnamin yung sarap ng pakiramdam ko ngayon. Huwag nating tiklupin ulit yung sugat, di ba?" pakiusap niya.



BONG'S OTHER CHILDREN. Isyu rin kay Bong ngayon ang pagkakaugnay niya sa dating beauty queen na si Jo Canonizado. Actually, may mga bulung-bulungan na dati pa tungkol sa kanilang dalawa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang pagkaka-link sa kanila. Lumaki pa ito nang magsilang ang ex-beauty queen ng diumano'y anak nila ni Bong.

Sa panayam ng YES! magazine kay Bong sa December 2007 issue, hindi man direktang inamin ni Bong ay mahuhulaan na siya nga ang ama ng anak ni Jo.



"Baka part ng promo!" sabay ng tawa ni Senador Bong nang usisain tungkol dito. "Hindi ko alam bakit siya nauungkat, lalo na ngayong may pelikula ako. Hindi naman siya ang leading lady ko!"

May problema kaya kung diretsahan niyang aminin na anak nga niya ang isinilang ni Jo, since may nauna na rin siyang anak sa labas na inamin niya— ang 15-year-old na si Luigi?

"Kapag may lumalabas na ganung klaseng balita, natural lang na tanungin ako," seryosong sabi ni Bong. "Hindi naman ako santo, but I will not admit or deny. Kung anuman halimbawa ang ano namin ni Lani, sa amin na lang ‘yon, we will keep it among ourselves. Bahala na kaming mag-solve kung anumang problema meron kami.

"Siyempre, kailangan ko rin namang protektahan yung malilit kong mga anak. Ayoko namang ano... You can read between the lines kung ano yung totoo at hindi. Hindi naman ako sinungaling na tao. Maybe at the right time, I will come out. Hindi naman ako nagsisinungaling, e. Ayokong magsinungaling," diin niya.



Matatanggap kaya this time ng pamilya niya kung may lumabas na bagong anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At the right time. Tanggap naman nila ang anak ako ngayon," sambit ni Bong.

Nais din daw mag-artista ng isa pa niyang anak na unti-unti nang lumalantad sa publiko, si Luigi. Totoo ba ito?



"Ah, hindi," tanggi ni Bong. "Ayaw niya, but Luigi is close to his brothers [Brian and Jolo]. Close yung magkakapatid."



Pero okay lang sa ba kanya kung sakaling mag-artista si Luigi?



"Wala namang problema sa akin ‘yon," sagot ni Bong.



Kung may mag-claim kaya ulit na anak niya, willing ba si Bong na tanggapin ito o gagawa muna siya ng sariling imbestigasyon para patunayan na anak niya talaga ang ipinapaako sa kanya?



"Wala pa naman, awa ng Diyos. Wala pa namang lumalabas!" natatawa niyang sabi.



Sure ba si Bong na lahat ng lumabas na nagke-claim na anak daw niya ay talagang kanya?

"Uy, fishing ka!" tawa niya ulit. "Wala naman. Alam mo, gasino na sa akin na tanggapin ko ‘yon. Ang Revilla is known for that. Tatay ko, anak 80. But I'm not saying na gawin ninyo. Hindi siya morally right, di ba?



"May mga anak tayo na dapat proteksiyunan at bilang senador ng ating bansa, hindi rin tama. So, hindi dapat," paliwanag ng actor-politician bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN