Dingdong Dantes reaffirms that heart belongs to Karylle, defends Marian against critics

"The only thing na nagbago is yung time namin sa isa't isa. Siguro kungmagkakaroon man ng problema, doon siya mag-uugat, hindi dahil sa ibangtao," says Dingdong Dantes about his relationship with girlfriend Karylle.



Nagkaroon ng unang presscon ang pelikulang Resiklo ng Imus Productions, na official entry for 2007 Metro Manila Film Festival, sa Annabel's restaurant, Quezon City, kahapon ng tanghali, November 28. Isa si Dingdong Dantes sa may mahalaga at malaking role na ginagampanan sa naturang pelikula.

Kapansin-pansin ang billing ni Dingdong sa poster ng movie na bagama't magkahanay ang pangalan nila ng leading lady ni Bong na si Jennylyn Mercado, nakakahon ang pangalan ni Dingdong. Tuloy, during the question-and-answer portion, may nagtanong kay Dingdong kung hindi raw kaya ‘tulad ng billing niya sa poster ay de-kahon din ang acting niya sa movie.

Pabiro naman itong sinagot ni Dingdong na, "Hindi lang siya naka-kahon, naka-sealed at naka-ribbon pa!"

Aware ba si Dingdong o nag-request sa side niya na kailangang naka-kahon ang name niya para mas maipakita ang weight ng pangalan niya by doing that?

"Alam n'yo, hindi ko rin alam," sagot ng young actor. "Pero kung titingnan n'yo kasi ang movie, wala namang symmetry ‘yan, e. Hindi ko alam kung bakit may box. Ako kasi, personally, wala akong isyu sa ganyan. Actually, kung ako, tanggalin na nga lang natin. Kasi walang problema sa akin yung ganyan."

Puring-puri rin naman ni Dingdong ang naging working experience niya sa Imus Productions at ang pagkakataon na makatrabaho niya si Bong Revilla.

"Walang naging problema. In fact, sobrang ang bilis mag-adjust. Sobrang ang bilis mag-adapt sa cast, especially kay Senator Bong. Ang ganda ng pakikisama niya sa aming lahat. Kaya naging maluwag ang pagtatrabaho sa lahat. Naging mapayapa kaya maaga kaming natapos dahil maaga rin kaming nagsimula, e," kuwento ng young actor.

Ano sa tingin ni Dingdong ang isang mabigat na rason kung bakit ang pelikula nilang Resiklo ang dapat panoorin ng mga manonood among all entries sa MMFF?

"Pang-world class ang dating!" may pagmamalaki niyang sagot.

MARIAN & KARYLLE. Samantala, binigyang-linaw ni Dingdong ang isyu na nagseselos diumano ang girlfriend niyang si Karylle dahil magkasama sila ng leading lady niya sa Marimar na si Marian Rivera papuntang Las Vegas sa December 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Normal talagang isipin ‘yon," sabi ni Dingdong. "Dahil siyempre, magka-partner kami [ni Marian]. Pupunta kami sa isang bansa, magpe-perform kami sa isang show. So ako, talagang expected ko na may mga ganoong isyu. Pero kami, we will just do our best and show appreciation to people na pinapanood kami."

Natuwa si Dingdong nang may magsabi sa kanya na marami ang nagkakagusto sa show nila ni Marian, ang Marimar, even abroad.

"Actually, nagulat nga ako kasi bihira lang naman daw na magkaroon ng malakas na show sa Amerika. Siyempre, busy ang mga tao doon, may mga trabaho sila. Nakakatuwa na because of Marimar, they have the reason to go home. Nakakatanggal ng pagod nila from work at nakikilala nila kami dito sa GMA-7 at yun ang isa sa magandang nangyayari," pahayag ng young actor.

Ano naman ang komento ni Karylle sa pag-alis nila ni Marian papuntang Las Vegas?

"Actually, wala pa akong nakukuhang comment mula sa kanya. Although alam naman niyang aalis kami, but with regards to comment, wala pa naman," sabi ni Dingdong.

Ayon kay Dingdong, wala siyang nakikitang magiging problema sa pagitan nila ni Karylle. Up to now, wala raw nababago sa relationship nilang dalawa.

"Okay naman, e. Palagi naman naming pinag-uusapan. The only thing na nagbago is yung time namin sa isa't isa. Siguro kung magkakaroon man ng problema, doon siya mag-uugat, hindi dahil sa ibang tao," paliwanag niya.

Dahil sa Las Vegas nga ang tungo nina Dingdong at Marian, isa ba sa gagawin niyang itinerary ay ang dalawin ang pamilya ni Karylle sa mother side nito, particularly na ang grandparents ng kasintahan?

"I would like to," sambit ni Dingdong. "Dahil noong nandoon ako, kakaibang hospitality ang ipinakita nila sa akin. At saka, pagdating ko doon, sana ay makita ko rin sila at makapagbigay ako ng konting pasalubong at konting respeto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEFENSE OF MARIAN. Ipinagtanggol naman ni Dingdong ang kapareha niya sa Marimar na si Marian sa ilang negatibong balita tungkol dito, gaya ng kesyo nagkakaroon na raw ng pagbabago sa attitude nito. Dahil siya ang madalas na nakakasama ni Marian sa taping ng show nila, magagarantiya raw ng young actor na walang katotohanan ang lumalabas na balita tungkol sa young actress.

"Wala!" giit ni Dingdong. "Kung sa change of attitude, ako, maga-guarantee ko na wala. Kasi simula nang mag-umpisa kami, walang nabago sa ipinapakita niyang ugali, ganoon pa rin siya. Siguro sa sinasabi nilang pangit, hindi siya pangit. Kasi, she's being herself. Ginagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin. Kung naiinis siya... Natural lang sa tao."

Masasabi ba niyang kaya naiintriga si Marian ay dahil papasikat na talaga ang kapareha ni Dingdong?

"Actually, yun nga ang kahanga-hanga sa kanya," sabi ng young actor. "Dahil sumikat siya, hindi niya binago ang totoong ugali niya. At least, hindi katulad ng iba. Hindi na niya kinakailangang magbago para lang maging mabait sa harap ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN