Former Star Magic talent Michelle Madrigal now visible on GMA-7

"At this point, freelance pa lang po ako as far as network is concerned... Nasa manager ko po ang final say kung saan ako magtatrabaho. Lumakitalaga ako sa Dos at napakarami kong naging kaibigan doon, pero kungsaan ako ilalagay ng manager ko, susunod na lang ako," replies Michelle Madrigal when asked if she will be switching channels after signing up with talent manager Annabelle Rama.



Nakakatuwa ang kuwento ng young sexy star na si Michelle Madrigal sa dinner meeting nila ni Senator Bong Revilla Jr. nang in-offer sa kanya ang pelikulang Resiklo ng Imus Productions.

"Nagdi-dinner kami noon kasama si Tita Ethel [Ramos] nang bigla niyang [Bong] tinanong if I want to be part of Resiklo raw. Katabi ko si Senator Bong noon. Dahil sa kaba ko, hindi ako makatingin sa kanya lalo na nang na-offer na nga sa akin yung movie, para akong na-stiff neck. Sabi ni Tita Ethel sa akin kung na-stiff neck nga raw ba ako at bakit hindi ako makatingin kay Senator Bong. Hindi kasi ako makapaniwala na bakit ako," recounts Michelle after the general question and answer portion sa first presscon ng pelikula nila kahapon, November 28, sa Tomas Morato, Quezon City.

Nang mabasa raw ni Michelle ang script, tinanggap niya agad ang role although may reservation siya. Bukod kasi kay Bong, puro mga Kapuso stars ang makakasama, gaya nina Jennylyn Mercado, Paolo Contis, at Dingdong Dantes.

"Kinabahan ako noong first shooting day namin kasi sila [GMA-7 stars], parang magkakaibigan na. Pero mababait silang lahat. Sina Senator Bong and Dingdong, tinuturuan ako kung paano aatakihin ang role ko, kung paano ko gagawin ang isang eksena. Si Jennylyn, tinuturuan ako kung paano ko ibabato ang dialogue ko.

"Since then, nawala na ang kaba ko. ‘Tapos ang sarap pa sa set palagi kasi ang daming dalang pagkain ni Senator Bong!" sabay tawa niya.

With Michelle having experienced working with the Kapuso stars dahil sa Resiklo, may slight chance na baka makatrabaho na niya ang mga ito sa GMA-7 dahil hindi na siya exclusive talent ng ABS-CBN.

September 2007 nang nagtapos ang kontrata sa Star Magic ni Michelle, na galing sa first edition ng Star Circle Quest. Hindi nagtagal, pinapirma na rin siya ni Annabelle Rama, manager ng kanyang kapatid na si Ehra Madrigal na isang Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Michelle kung magiging Kapuso na rin ba siya.

"At this point, freelance pa lang po ako as far as network is concerned," sagot niya."Nakakapag-guest na ako ngayon sa GMA ‘tulad sa Ful Haus at All Star K. Nasa manager ko po ang final say kung saan ako magtatrabaho. Lumaki talaga ako sa Dos at napakarami kong naging kaibigan doon, pero kung saan ako ilalagay ng manager ko, susunod na lang ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN