Derek Ramsey will compete in Asian Ultimate Frisbee, postpones knee operation

Derek Ramsey (in photo) has still not undergone an operation forhis dislocated knee but he continues to play Ultimate Frisbee. "We just had atournament last week and I admit, masakit siya pero kaya kong tiisin 'yongpain," declares the model-actor.



Isang challenge para Derek Ramsey na gampanan ang isang pobrengkarakter sa Maging Sino Ka Man (Ang Pagbabalik) samantalang nakilalasiya bilang isang mayaman na chef sa TV series na Ysabella.

Kung kaya't maraming nagtanong kay Derek noong presscon ng MagingSino Ka Man Book 2 kung papaano nito gagampanan ang kanyang role bilangJoaquin na malayo sa katauhan ni Chef Mito sa Ysabella na ongoing parin hanggang Pebrero 2008.

"Mahirap ako dito [sa Maging Sino Ka Man]," pambungadng aktor sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP)."Ang challenge sa akin dito, the whole Chef Mito, tatanggalin ko sa mgamata ng mga tao. That's my biggest challenge kasi everywhere I go, ChefMito ang tawag sa akin."

Sa ngayon, malaki ang pagpapasalamat ang aktor dahil natapos na nilangi-tape ang buong istorya ng Ysabella. Kung hindiay mahihirapan itong gampanan nang sabay ang dalawang karakter.

"Ang hirap siguro pagsabayin ang dalawang karakter, one dayang Mito, one day ang Joaquin. At dahil tapos na nga ang taping sa Ysabella,I will have time, 'yong mga mannerism ni Mito, matatanggal ko na sa sistema koand start anew."

JOHN LLOYDMOOD. Naging running joke na sa showbiz ang sinasabing "JohnLloyd mood," isang pag-ugali ng aktor na tatahimik lang ito sa isang sulok sabuong shooting para 'di ito ma-distract sa pag-internalize ng kanyangkarakter. Ini-apply din kaya ng aktor ang nasabing "mood" paraagad maalis ang kanyang karakter bilang Mito at gagampanan ang bagongkarakter na Joaquin?

"Alam mo hindi siya mood, e, it's actually a good method especiallykung mabigat ang eksena. For you to just stay by yourself and internalize andthink about what you have to do, doon sa eksena kasi, at the end of the scene,mag-isa siya."

ULTIMATEFRISBEE. Itinanggi ni Derek na may namumuong isyu sa kanila nggirlfriend niya na si Angelica Panganiban dahil ayaw nitong payaganmaglaro sa Ultimate Frisbee competition. Ito raw ay dahil hanggang ngayon ayhindi pa nagpapa-opera si Derek para sa kanyang tuhod na na-dislocate sapaglalaro ng nasabing sport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman, napag-usapan na namin 'yan," mahinahon napahayag ni Derek habang tinitingnan ang katabing girlfriend na halatang kontra itosa gagawin ng aktor.

Sa December 7 gaganapin ang Asian National Champion sa Taiwan at ayon sa aktor, ito angaraw ng kanyang kapanganakan.

"Siguro hangga't kaya ko pang talunin sa takbuhan ang mga bata nanaglalaro ng frisbee, hindi ako titigil. We just had a tournament lastweek and I admit, masakit siya pero kaya kong tiisin 'yong pain. Istrengthen my leg pero kailangan ma-operahan."

Dagdag pa nito, "Kung manalo kami sa Asian NationalChampionship doon sa Kaushung in Taiwan, pasok kami sa worldchampionship sa Vancouver."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN