Angelica Panganiban rushed to hospital due to hyperventilation

Young actress Angelica Panganiban hyperventilated while taping for Maging Sino Ka Man Book 2. "Nag-hyperventilate ako kasi everyday kaming nagte-taping. So, parang everyday mabigat ang karga mo athindi mo naire-release sa maayos na paraan," narrates Angelica.



Magtatapos na noon ang Book 1 ng Maging Sino Ka Man nang pumasok ang isa sa mga bagong characters ng naturang ABS-CBN soap opera—si Angelica Panganiban. Misteryosa ang dating ng character niya na bigla na lang sumulpot dito at hanggang sa magtapos ang Book 1 ay walang naging linaw kung ano ang totoong koneksiyon niya sa apat na lead cast ng serye na sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, at Sam Milby.

Sa huling episode nito, hindi na lang si Angelica ang ipinakita kundi maging si Rosanna Roces. Hudyat na siguradong hindi lang doon nagtatapos ang Book 1 at siguradong totoo ang napapabalita pa lang noon na may Book 2 ang naturang serye.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa presscon ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man last November 27, naikuwento ng young actress kung gaano kabigat ang character na ginagampanan niya sa primetime series na ito ng ABS-CBN.

"Sa ngayon, sa sobrang bigat, hindi ko alam kung ano ang pinasok ko! Sobrang bigat pala ng teleserye na ito!" natatawa niyang sabi.

Kuwento pa ni Angelica, sa taping daw nila isang araw bago ng presscon ay bigla siyang naisugod sa hospital.

"Nag-hyperventilate ako kasi everyday kaming nagte-taping," panimulang salaysay ng young actress. "So, parang everyday mabigat ang karga mo at hindi mo naire-release sa maayos na paraan. So, kahapon [November 26] ng umaga, nang nagte-taping kami, tumatakbo ako at hinahabol ako ng nanay ko [Rosanna]. Umiiyak kaming dalawa. So, ilang takes ‘yon.

"Siyempre, ang hirap sundan ng camera. Takbo ulit. ‘Tapos may eksena kami ni Kuya Ipe [Philip Salvador], so parang ang lahat nandito lang [sabay turo sa dibdib niya]. Parang gusto mong sumabog. So, noong gabi na siya, parang noong buong araw nga, parang nanginginig ako. Nahihirapan akong huminga kasi nga may sakit ako sa puso, di ba? So, alam ko na hindi na normal ang paghinga ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, noong gabi, biggest scene sa akin yung kukunan. Noong binabasa ko pa lang ang script, kinakabahan na ako. Kabadung-kabado na ako. Nanginginig na ako. Sinabi ko sa kasama ko, ‘Ate, pahingi naman ng tubig. Siyempre, nakabihis na ako, nag-i-internalize na ako. ‘Tapos, noong nilalagyan na ako ng garter for lapel, nanginginig ang paa ko na hindi ko na siya makontrol. ‘Tapos, sabi nila ang lamig ko nga raw hanggang sa wala na akong namalayan," lahad ng young actress.

Three hours din daw nagtagal si Angelica sa Manila Doctors Hospital nang isugod siya rito mula sa taping nila sa Smokey Mountain. Wala raw ang boyfriend niyang si Derek Ramsey, na kasama rin sa cast, noong nangyari ang insidente dahil nasa bahay raw ito ng sister niya. Kuwento pa ni Angelica, kahit si Derek daw ay nagpa-check-up din ng araw na ‘yon dahil nagsuka naman daw ang sexy actor. Noong mismong presscon na lang din daw sila nagkitang dalawa kaya nag-worry raw ito for her.

WOMAN IN LOVE. No doubt, Angelica is a picture of a woman in love na hindi naman niya ikinakaila. Very positive din ang aura niya na halatang maganda ang dulot sa kanya ng relasyon meron siya with Derek.

Wala pa rin ba silang plano to settle down?

"Wala pa ‘tsaka hindi pa naman niya ko niyayaya," natatawang sagot niya. "Siyempre, huwag tayong magpuwersahan, di ba? Kung sa tingin niya hindi pa siya handa, baka naman kasi nakikita niya sa akin na hindi pa rin naman kasi ako handa, di ba?"

Kung sakali ba at yayain na siya ni Derek anytime na magpakasal, ready na ba siya?

"Kung ganoon katindi ang pagmamahal mo para sa isang tao, why not, ‘di ba? Kami naman, kailangan pa naming mag-hold sa mga preparations to be matured."

Hindi naman kaila na na-in love na rin si Angelica in the past. Pero sa pagkakataon ba na ito ay masasabi ng dalaga na ang relasyon nila ngayon ni Derek is the greatest she can have among her all relationships?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, siyempre!" bulalas niya. "Ganoon naman yata, ‘di ba? Siguro yung nararamdaman na pagmamahal namin sa isa't isa, yung bonggang-bongga na umaapaw siya. Siguro nagdarasal na lang kami palagi na sana hindi kami mapagod sa isa't isa. Na sana, i-bless na lang kami at kayanin namin ang mga pagsubok na ibinibigay sa amin."

Habang tumatagal ang kanilang relasyon, may mga bagay ba na dagdag sa pagkakakilala ni Angelica sa boyfriend?



"Yung pagiging moody niya," mabilis niyang tugon. "Hayun, party boy na naman siya. Kasi naglie-low na siya sa night life niya, pero ngayon balik night life na naman siya. Mga ganoon na few things."

Nagiging cause ba ‘yon ng away or tampuhan nila?

"Hindi ako nagagalit sa mga ganoon," sagot ni Angelica. "Kapag kaibigan niya at pamilya at paglalaro niya, hindi ako nakikipagkumpitensiya sa ganyan. Ikaw ang bahalang mag-prioritize ng mga ganyang bagay-bagay. Hindi ako ang dapat magbigay sa ‘yo ng kung ano ang uunahin mo, di ba?

On Angelica's part, may mga nakita or napansin ba siyang nabago sa kanya mula nang maging sila ni Derek?

"Siguro, ang tibay-tibay ko ngayon. At saka yung lawak ng pag-iisip ko, parang minsan hindi mo na kilala ang sarili mo. Minsan yung mga friends mo, tatanungin ka, bakit hindi ka na nagagalit? Hindi referring kay Derek ha...yung mga ibang isyu sa buhay. Masaya, siguro kasi hindi ko hahayaan yung mga negative things na sapawan yung pagiging masayang tao ako nowadays," pagtatapos ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN