Judy Ann Santos-Piolo Pascual loveteam is over and done with, says Juday

"Malalagyan kasi ng ibang kulay kapag nagtrabaho agad. Sasabihin, ‘Ah,nagbati kasi gustong gumawa ng movie. Ah, kasi, nagpo-promote ngkanya-kanyang projects.' Mas mabuti na sa pagkahaba-haba ng mgapanahong nagdaan... Imposible, not in the next five years," declares Judy Ann Santos about the possibility of working again with former loveteam Piolo Pascual (not in photo).



Sa ikalawang pagkakataon ay bibigyang-buhay ni Judy Ann Santos ang character na una niyang ginampanan sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo—si Angie. Exactly one year after kasi ay ipalalabas na bilang kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival ang sequel ng naturang pelikula na Sakal, Sakali, Saklolo mula sa Star Cinema.



Pero ayon kay Juday, hindi niya nakikita ang sarili niya sa katauhan ni Angie. Malayong-malayo daw siya sa character na ginagampanan niya sa pelikulang pinagbibidahan nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.



"Alam n'yo po, kung magiging kagaya ko si Angie, yun na po siguro ang magiging bingit ng paghihiwalay namin ni Ryan kapag naging si Angie ako!" natatawang pahayag ni Juday sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo kahapon, November 29, sa 14th Floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.



Dagdag niya, "Kung may similarity man siguro ko sa character ni Angie, ito lang siguro yung pagpapalaki sa bata. Pero malayo po kami ni Ryan kay Jed at Angie. Hindi ko po kakayanin si Angie dahil sobrang daldal niya at taklesa!"

Sinabi rin ni Juday na wala naman masyadong nadagdag sa character niya sa sequel ng movie.



"Sa role ko po sa movie na ito, walang masyadong pagbabago. Medyo naging mas madaldal lang po. Mas nakakatawa. Mas may sariling diskarte sa anak niya. Mas naging family-oriented. Makikita rin sa movie na ito kung ano ang dapat gawin kapag may pamilya na."



LOVERS' QUARREL.
Marami rin ang nagulat nang mismong kay Juday manggaling na may mga pagkakataon pala na habang nagsu-shooting sila noon ng Kasal, Kasali, Kasalo (KKK) ay may mga pagkakataon na meron silang hindi pagkakaunawaan. Kung titingnan kasi silang dalawa ay tila hindi sila nagkakagalit as a couple.



"Maliliit na isyu lang naman po," paglilinaw niya. "Kung may mga naging problema man kami or isyu, that was two years ago, before, yung first years of our relationship. Yung mga hindi pagkakaunawaan, pero maliliit na isyu lang. At saka, kung may problema man kami, hindi ko na siguro dapat sabihin dahil napaka-personal naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This year po yung masasabi kong sobrang smooth sailing ng relationship namin. We really became matured. Dati kasi kapag may isyu kami, nadadala namin sa set ng KKK, pero this time, pareho naming napag-usapan at nagawa na kung may isyu man kami, kapag may shooting, iisantabi muna ‘yon at gawin namin kung ano ang hinihingi ng script. We really matured as a person and as a couple."



Natatawa ring ikinuwento ni Juday na madalas ay kakampi raw ni Ryan ang Mommy Carol niya kapag may isyu na silang dalawa ng boyfriend.



"Si Ryan kasi, kapag may isyu kami, palaging si Mommy ang tinatakbuhan niya. Sila palaging dalawa ang magkaharap. Sila palagi yung magkakampi. Kaya kapag magkausap na silang dalawa, tuma-tumbling na ako! Siguradong lagot ako," natatawa niyang pambubuko sa sarili.



Although, ayon kay Juday, silang dalawa pa rin ni Ryan ang humaharap sa anumang isyu meron sila.



"Kapag may isyu kami, kami rin naman ang nag-uusap. Kami rin naman ang umaayos. Yung mga friends namin, hindi na sila yung nakikialam. Siguro alam na rin naman nila na sa tagal na rin naman namin ni Ryan at sa dami na ng pinagdaanan naming dalawa," sabi ng dalaga.



Itinanggi rin ni Juday ang isyung nagli-live-in na sila ni Ryan.



"Mahabang proseso ‘yon kapag dumaan ka sa live-in, e. Siyempre, ayaw naman naming mabastos ang parents namin. But I have nothing against naman sa mga nagli-live-in. Sariling desisyon naman nila ‘yon. Pero kami, gusto namin na may blessing ng parents namin, manager and friends namin. Kung lalagay man kami sa tahimik, dapat handa kami financially, emotionally at physically," paliwanag ni Juday.

ON PIOLO PASCUAL. Samantala, hindi naman nagawang ipakuwento ng entertainment press kung ano ang naging eksaktong tagpo nang magkita at magkabati ang boyfriend ni Juday na si Ryan at ang dating ka-loveteam ng aktres na si Piolo Pascual during the wake of Maja Salvador's father, Ross Rival, on November 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Juday, "Hindi ako magsasalita ng anumang detalye. Kasi respeto ko na sa kanilang dalawa ‘yon. Kung anuman ang lumabas, e, sila na lang dalawa ang tanungin n'yo. Kasi wala ako sa posisyon na magsalita tungkol doon."



Pero nagkaayos at bati na nga ba silang lahat?



"Well, nagkausap-usap na...okay na...bati na. Wala nang dapat na intrigahin pa. Kumbaga, natapos na ang chapter na ‘yon ng mga buhay namin at nag-move on na kami na pare-pareho," sabi niya.



Masaya ba siya na nagkausap na at nagkabati na ang dalawa?



"Oo naman," sagot niya. "At least, may peace kang nararamdaman and at peace ka sa isang parte ng buhay mo, di ba? Na sana, sa mga fans na nagbigay ng hindi magandang remark sa mga nangyari ay tigilan na rin nila para matapos na."



Tinanong ng PEP si Juday kung posible rin ba na kasunod ng pagkakaayos nila ni Piolo ay ang posibilidad na magkasama silang muli sa isang project.



"Huwag na muna...huwag na muna. Baka mabigyan na naman ng hindi magandang ano...mas mabuti na huwag na lang muna," pahayag niya.



Hanggang kailan kaya yung "huwag na muna"?



"Matagal...matagal...basta, huwag na muna... Malalagyan kasi ng ibang kulay kapag nagtrabaho agad. Sasabihin, ‘Ah, nagbati kasi gustong gumawa ng movie. Ah, kasi, nagpo-promote ng kanya-kanyang projects.' Mas mabuti na sa pagkahaba-haba ng mga panahong nagdaan... Imposible, not in the next five years," maigting niyang sabi.



After the time na nagkita at nagkaayos daw sina Piolo at Ryan, wala na rin naman daw silang communication after that.



"Yun na ‘yon, okay na ‘yon, tama na. Let's put an end to this," giit ni Juday.



Dahil sa sinabi nga niyang 'not in the next five years', puwedeng ang kasunod nito ay disappointment sa part ng mga fans nilang dalawa ni Piolo na naghihintay rin na mapanood silang muli. Ano ang mensahe niya para sa mga fans nila ni Piolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Respetuhin na lang nila," pakiusap ni Juday. "Kasi kung talagang nirerespeto nila kami bilang mga artista, kung anuman ang maging desisyon namin, makakabuti ‘yon para sa amin. Hindi sa kung ano pa man, pero ang usapan kasi ngayon, hindi na sa paghahanap ng trabaho at pera na ibabayad sa ‘yo bilang artista, much more ang peacefulness mo bilang isang tao talaga. ‘Eto ang desisyon ko, ayoko muna ng magulong buhay, parang tama na muna. Sana maintindihan n'yo. Kung hindi n'yo maintindihan, pasensiya na."



Bakit parang mawawalan siya ng peacefulness kung magkakasama silang muli ni Piolo sa isang project?



"Hindi naman, pero ang mga utak kasi ng mga tao ngayon, malisyoso ba na, ‘Ah, kasi, palaos na kaya gagawa ng pelikula.' Yung ganoon. Ayoko ng ganoon. Kung gagawa man siguro kami, kapag matandang-matanda na kami. Kapag may apo na siguro kami," nakakagulat na pahayag ng aktres.



Pero biglang kumambiyo si Juday at sinabing hindi naman daw siya nagsasalita ng patapos na talagang hindi na nga sila pupuwedeng magsama ni Piolo. Basta ang sa kanya lang daw, "huwag na muna."



"Huwag ipilit, huwag i-pressure," sabi niya. "Yung nangyari namang pag-uusap, hindi pinilit, hindi plinano. Kusa siyang nangyari. Kumbaga, huwag nang ipilit ang isang bagay kung hindi talaga dapat.



"Kung nega man ang dating sa iba, pasensiya na...pasensiya na po. Ako kasi, nandoon ako sa buhay na payapa. I'm sure, ganoon din si Piolo, di ba? I'm sure, ayaw niya rin na magulong usapan. Kasi hindi na naman kami batang magka-loveteam na puwedeng isyuhan nang isyuhan. Kumbaga, kung hindi nila ma-accept na ‘yon ang reality, na ‘yon ang desisyon ko, e, pasensiya na po.



"Ano lang naman, hindi naman ako nagpapaka-plastic at ayoko lang magpaka-ipokrito at magpaka-showbiz sa panahong ito. Magti-treinta na ako at ayoko naman ng magpaka-showbiz pa. Tapusin na natin yung ganoong isyu," mariin niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa huli, tinanong ng PEP si Juday kung after ba ng pag-uusap nina Piolo at Ryan, ay nagawa siyang personal na imbitahan ni Piolo para sa 10th year anniversary concert nito sa Araneta Coliseum mamayang gabi.



"No," mabilis niyang tugon. "Maybe because he also knows na hindi rin... Kasi, basta yun ang usapan, huwag muna. Para hindi rin nga isipin ng mga tao na nagkabati dahil may concert siya, may movie kami. It just happened, e, nangyari lang ‘yon.

"Wala namang nagsabi na magkita kayo, mag-usap kayo...it just happened. Hindi namin gagawing rason ang pag-uusap para lang mag-promote ng isang project. Basta mag-move on na...tapos na ‘yon. Parang may isang chapter sa buhay namin na nagsara na. So, let's leave it like that," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN