FIRST READ ON PEP: Gina Pareno wins Best Actress in the 12th Asian TV Awards

Veteran actress Gina Pareño bagged the Best Drama Performance by an Actress in the recently concluded 12th Asian TV Awards held in Singapore.


Darating ngayong hapon (4:30 p.m. via Philippine Air Lines) mula sa Singapore si Gina PareƱo at dala nito ang Best Actress trophy na napanalunan niya kagabi, November 29, sa 12th Asian Television Awards na ginanap sa Suntec International Convention 1.



Si Gina ang nanalo sa Best Drama Performance by an Actress category ng Asian TV Awards (ATA) para sa performance niya sa "Rehas" episode ng Maalaala Mo Kaya.



Madaling-araw nang makatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Gina na tuwang-tuwa sa bagong international award na natanggap niya.



Ilang linggo bago siya nagpunta sa Singapore, malakas ang kutob ni Gina na malaki ang kanyang pag-asa na manalo dahil panay ang paalaala sa ABS-CBN executives ng organizer ng ATA na kailangang dumalo ang aktres sa awards night.



Inimbitahan din si Gina na maging award presenter dahil nalaman ng mga organizer na international best-actress awardee siya.



Tumanggap din ng parangal sa ATA ang Bandila ng ABS-CBN at Reporter's Notebook ng GMA-7. Nagwagi ang Bandila ng Best News Program para sa coverage nito ng "Subic Rape Case Promulgation." Best Current Affairs Program naman ang Reporter's Notebook para sa kanilang episode na "Giyera sa Lebanon."

Maraming nominasyon sa ATA ang iba't ibang programa ng ABS-CBN at GMA-7, pero tanging si Gina, ang Bandila at Reporter's Notebook ang pinalad na magwagi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN