Andrea del Rosario denies milking her French boyfriend

"Kahit na ba generous ang boyfriend ko, hindi ko ‘yon sinasamantala.Marunong pa rin akong tumanggi sa mga gusto niyang ibigay sa akin. Parasa akin, mas masarap gumastos kapag pinaghirapan mo," explains Andrea del Rosario about rumors that she is just using her French boyfriend, Eric Noreil, for his money.


Paalis-alis na lang ng bansa ngayon ang sexy actress na si Andrea del Rosario at kailan lang ay kakabalik lang niya mula sa Canada. Aalis nga raw ulit siya kasama ang kanyang French boyfriend na si Eric Noreil at sa Hong Kong naman ang destinasyon nila.



Tuloy, marami ang nagsasabi na baka iwan na lang ni Andrea ang showbiz dahil sa walang tigil na biyahe niya sa kung saan-saan. Pero ayon naman sa sexy actress, trabaho pa rin ang ginagawa niya tuwing umaalis siya ng bansa. Ang pinakahuli nga ay sa Canada, kung saan nakasama niya ang iba pang miyembro ng Viva Hot Babes sa show ni Rico J. Puno para sa Filipino community roon.



"Hindi naman puro sarap ang pag-alis ko ng bansa," sambit ni Andrea sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Work-to-death pa rin ang beauty ko! Oo nga't kasama ko ang boyfriend ko, pero hindi naman lahat ng gastos ay sa kanya. Gumagastos din naman ako."



May mga ilan na ang tingin kay Andrea ay gold digger dahil hinuhuthutan lang diumano nito ang mayaman niyang boyfriend, pero hindi raw talaga ito mahal ng sexy actress.



"Hello! Nakakaloka naman ang balitang ‘yan! Ako manghuhuthot? Nakakaloka!" tawa niya.



"Kung ganun ako," paliwanag niya, "sana hindi na ako nagtatrabaho at nakahilata na lang ako all my life. Sana lahat ng pera ng boyfriend ko ay ginagastos ko na at sa mansion na ako nakatira. Pero work pa rin ako parati. Hindi ako umaasa ng ikabubuhay ko sa ibang tao. Nakakahiya naman, di ba?

"Kahit na ba generous ang boyfriend ko, hindi ko ‘yon sinasamantala. Marunong pa rin akong tumanggi sa mga gusto niyang ibigay sa akin. Para sa akin, mas masarap gumastos kapag pinaghirapan mo. Mas nandoon ang reward, e. ‘Tsaka mas magaan sa pakiramdam kasi alam mong you worked hard for what you bought," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala pang regular show ngayon si Andrea at hanggang sa katapusan ng taon ay puro sa abroad ang trabaho niya. Masuwerte nga si Andrea dahil nataon na marami siyang imbitasyon na mag-show sa United States at Canada.



"Marami naman akong guestings sa TV, pero nagiging priority ang shows abroad. Mas malaki kasi ang bayad. Sayang din ang biyahe. Nasanay na talaga ako sa biyahe. Hindi na ako tinatablan ng jetlag," sabi ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN