John Prats bets one million pesos with anyone who can prove he and Shaina had solo date

John Prats's admission that he's courting Shaina Magdayao drew various responses from the public. Some are happy, while there are others who would rather that he did not enter the picture. The Shaina-Rayver love team already has a huge following.


Desidido nga raw si John Prats sa kanyang alok na isang milyong piso sa taong makapagpapatunay na nag-solo date daw sila ng nababalitang nililigawan niya na si Shaina Magdayao.

Ayon kay John ay hindi na raw niya nagugustuhan ang mga lumalabas na balitang inahas daw niya si Shaina sa ka-loveteam nitong si Rayver Cruz. Inamin na nga ni John, at maging si Shaina, na may ligawan na nangyayari sa kanila pero never pa raw silang nag-date na silang dalawa lang.

"We never went out together na kami lang, parating kasama ang mga kaibigan namin. At during that time naman, wala pa akong ginagawang panliligaw kay Shaina because I had a non-showbiz girlfriend noong panahon na iyon. Nanligaw lang ako noong nalibre na ako," diin ni John.

Kahit litrato or kung may video na nakunan na silang dalawa lang daw ni Shaina ang nagde-date ay handang ibigay ni John ang isang milyong piso. Yun ay kung may mailalabas nga.

"If they have proof, sige ilabas na nila para matapos na ito. Ayoko kasing lumabas na kontrabida ako sa nangyayaring ito. Malinis ang intensyon ko kay Shaina. At never akong natawag na nang-aahas ng babae."

Wala naman daw silang samaan ng loob ni Rayver dahil magkakasama sila parati tuwing promotion ng kanilang Ultimate Dance Four. Nanliligaw pa rin daw si Rayver kay Shaina kaya walang kaso kung manligaw din si John.

"May pagkakasunduan naman kami ni Rayver. Gentleman's agreement ang nangyari sa amin. Kung ano naging desisyon ni Shaina, yun ang irerespeto naming dalawa. Magkaibigan kami ni Rayver kaya kung ano ang mangyari, we will still be friends."

Parehong may mga pelikula sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sina John, Shaina at Rayver, produced by Regal Entertainment. Si John ay nasa Shake, Rattle & Roll 9 samantalang nasa Bahay Kubo naman sina Shaina at Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN