Marian Rivera feels uncomfortable wearing two-piece swimsuit

A few months after Marimar's pilot airing, its female lead Marian Rivera is now one of the busiest and most in-demand Kapuso stars. She says the success of her first drama soap has paved the way for more movie and endorsement projects. She indeed feels "blessed."


Isang solo press conference angibinigay ng Regal Entertainment para kay Marian Rivera para sa Desperadas at Bahay Kubo last Friday, ika-30 ng Nobyembre, sa Imperial Suites,Timog Avenue, Quezon City.

More than one hour siyangna-late dahil hindi makalusot ang kanyang sasakyan sa lugar nila sa Boni, Mandaluyong City, kung saan may sunog malapit sa condominium na tinitirhan niya.

"Kaya ginawa ko, inilabasko ang mukha ko sa sasakyan at nakiusap ako sa pulis. Sabi ko, 'Manong,ako po si Marimar. May presscon po ako, paraanin ninyo kami.' Salamat nalamang at nang makilala niya ako, pinadaan na kami. Kaya I'm very sorrypo," ang paumanhin ni Marian sa press na hindi naman siya iniwanan.

Parehong entry sa Metro ManilaFilm Festival 2007 ang kanyang mga movies, na kung saan ay magkaiba angcharacter na ginampanan niya. Tinanong siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kung saan siya mas nahirapan?

"Comedy kasi ang Desperadas. Na isa akong swimweardesigner kaya lagi akong nakasuot ng two-piece swimsuit, kaya talagang ilang nailang ako," ang sagot ni Marian.

"Eh, si direk Joel [Lamangan], gusto niya talaga lagingganoon ang suot ko. Kaya kung minsan, ipinatatanong ko sa wardrobe na bakapuwedeng payagan ako ni direk na maglagay ng something para hindi naman akoma-conscious. At kapag pumayag si direk, bigyan niya ng chocolate. Kaya akonaman ang biniro ni direk, na kung hindi raw pala siya papayag, hindi ko nasiya bibigyan ng chocolate. Pero naintindihan din niya ako...sabi ko kasi,talagang naiilang ako, lalo pa at sa big screen na iyon mapapanood," ang pahayag ng isa sa mga primetime TV queen ng GMA-7.

Dagdag pa niya, "Kahit iyong kissing scenenamin ni Will Devaughn, hindi siya pumayag na basta ko lamang hahalikan siWill, kailangan daw may passion. Kaya hayun, nagawa ko rin ang gusto niyasa instruction ni direk."

Naitanong tuloy kay Marian kungsino ba ang good kisser kina Dingdong Dantes, nakatambal niya sa soap nilang Marimar,at Will?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap po namangmag-compare, siguro mas okey kami ni Dingdong dahil friends kami. Comfortablena ako na katrabaho siya kaya hindi ako naiilang sa mga kissing scenes namin,"ang mabilis niyang sagot.

Sexy naman siya, bakit siyanaiilang magsuot ng two-piece swimsuit? Paano kung may offer na ang mga men'smagazine sa kanya?

Heto ang mahaba niyang sagot.

"Ewan ko po, minsankasi, feeling ko sexy ako, minsan naman hindi. Kaya sa shooting ko rito,inaalam ko muna kung magsusuot ako ng swimsuit bago ako kumain. Minsan kasi, kumakainako ‘tapos sabi ng wardrobe, naka-swimsuit daw ako sa susunod na eksena, biglaakong huminto sa pagkain.

"Tungkol po sa men's magazine,siguro ay puwede naman akong mag-pose ng sexy na hindi naman naka-two-pieceswimsuit. Ayaw po yata ng mga viewers na magpa-sexy pictorial ako sa magazine dahilnagpa-text vote noon ang Showbiz Centralkung gusto nilang magpa-sexy pictorial ako, 74% ang bumoto na ayaw nila. Happypo ako dahil ang ibig sabihin noon, nirerespeto nila ako kaya ayaw nila."

Nilinaw din ni Marian iyongissue na may nag-walk out daw sa mga kasama niya sa movie na sina RuffaGutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza Calzado, nang makitang may "and" ang billingniya sa poster ng Desperadas.

Aniya, "To be honest po, ngayon kolamang nalaman na may ganoon palang issue, dahil kung hindi ako nagsu-shootingsa Bahay Kubo, nagti-taping naman akong Marimar. Inaamin ko po naman nadapat ang name nila ang mauna dahil ako naman ang huling pumasok sa showbiz sakanila. Wala po akong alam sa billing, kaya hindi problema sa akin iyon."

Ang manager daw niya angnakiusap kay Mother Lily na isama siya sa drama movie na Bahay Kubo?

"Opo, gusto ko po talagadahil naroon si Ms. Maricel [Soriano]. Hangang-hanga po kasi ako sa kanya kayakahit alam kong mahihirapan ako sa schedule, okey lamang sa akin. Hindi ponaman ako nagkamali dahil ang bait-bait sa akin ni Ms. Maricel. Tinuturuan niyaako sa pag-arte sa bawat eksena. Siya ang nagsasabi kung mahusay ang acting koo di kaya ituturo niya kung ano ang mas magandang gawin ko sa eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin niya kung paanoniya ginawa ang mga pisikal na eksena sa Bahay Kubo. Medyo sensitive si Marian ukol ditodahil matatandaang nagkapasa siya dati sa afternoon TV series na Muli noong naka-eksena niya si OdetteKhan.

"Dito ko rin po naranasanna bago ang eksena, humingi na ako ng sorry kay Shaina [Magdayao] dahilsasampalin ko siya at alam kong tatamaan siya. Noong una, dinaya ko angsampal pero hindi pumayag si direk Joel,kailangan ko raw tamaan ang pisngi ni Shaina. Alam ko nasaktan siya, kayapagkatapos ng take, niyakap ko siya.

"Nag-sorry din siya sa akin dahil sinampaldin niya ako. Ako po lamang sa anim na magkakapatid na ampon ni Ms. Maricel anghindi nakatikim ng sampal sa kanya dahil ako iyong pinakamabait, kaya galit saakin si Shaina na tunay nilang anak ni direk Eric [Quizon] sa story," ang kuwento pa niya.

When asked kung saang float siyasasakay, pag-uusapan pa raw nina Mother Lily kung paano ang gagawin niya saParade of Stars sa December 24.

Ano na ang nabago sa kanyangcareer after ng Marimar?

"Napaka-blessed ko po. Kungdati ay basta may project lamang okey na, ngayon po ay sunud-sunod angblessings na dumarating. Bukod sa very successful ang Marimar, heto at may dalawang movies akosa festival. Nagkasunud-sunod na rin ang endorsements ko. Ni-launch na po iyongPLDT card TV commercial ko at may isa pa akong solo shoot ng Maxi-Peel. Maygagawin din po akong isang brand of shampoo pero hindi ko pa lamang puwedengsabihin.

Nag-start na rin kamingmag-shooting ni Richard [Gutierrez] ng AVery Special Love, ang Valentine's Daypresentation ng GMA Films. Pagbalik po namin ni Dingdong [Dantes] from Las Vegas sa December 6, magda-dubbing muna ako ng Bahay Kubo at alternate na akongmagti-taping ng Marimar at shootingng movie namin ni Richard."

Hiningan si Marian ng commenttungkol sa issue ngayon kay Dennis Trillo, dahil iisa ang manager nila.

"Ayaw ko pong i-involve angsarili ko sa issue, personal na iyon at hindi ko naman alam kung ano talaga angtotoo," pagtatapos ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN