Manny Pacquiao talks about reconciliation with Korina and Cristy

Boxing champ Manny Pacquiao buries the hatchet with ABS-CBN personalities Korina Sanchez and Crity Fermin. "Masaya ako kasi nagkaayos na kami," says Manny.



Kinumpirma ng boxing champ na si Manny Pacquiao ang pagbabati nila ng nakaalitang TV hosts ng ABS-CBN na sina Cristy Fermin at Korina Sanchez nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng Serve Disco Bar sa Araneta Coliseum last November 29. Ang naturang disco bar ay pag-aari ng kapatid ni Ara Mina—leading lady niya sa Anak ni Kumander—na si Cristine Reyes, kung saan kasosyo sina Mark Herras, Jopay Paguia, Joshua Zamora, at Lito Alejandria.

Una naming kinumusta kay Manny ang relasyon nila ni Cristy ngayong bati na sila.



"Ayos naman," nakangiting sabi ni Manny. "Kaya masaya ako kasi nagkaayos na kami. Minsan nagte-text kami."



Itinanggi ni Manny na nagbalak siya na idemanda ang co-host ng The Buzz dahil sa mga naririnig niyang negatibong pahayag ng TV at radio host.



"Ay, hindi! Wala akong iniisip na ganun," sabi niya.



Paano naman sila nagkabati ni Korina? Sino ang unang lumapit kanino?



"Basta ano lang, nagkita kami sa isang restaurant. Pagdating ko, nandun na siya. Binati ko siya, ganun din siya sa akin. Okay naman ang pagkikita namin at nagkausap din kami," kuwento niya.



Totoo ba na hiniling niya sa ABS-CBN management na tanggalin si Korina as news anchor sa Kapamilya network?

"Hindi, hindi totoo ‘yan," mariing tanggi ni Manny. "Wala naman akong ginagawang ganun sa kanya. Nagkaroon lang ng konting miscommunication."

Sina Manny at Ara ang nag-cut ng ribbon sa grand opening ng Serve. Sa isang sulok ng bar ay namataan namin silang nagbubulungan habang kumakain. Sa sobrang lakas kasi ng music sa loob ng disco bar ay halos hindi magkarinigan ang dalawa. Hindi naman nag-aalala si Manny na matsismis ulit sila ni Ara dahil wala naman daw talaga silang relasyon.

Tinanong namin si Manny kung bakit hindi niya kasama ang misis niya na si Jinky Pacquiao that night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa Gensan [General Santos City] siya," mabilis na sagot ni Manny.

Kinunan din namin ng pahayag si Manny sa naganap na gulo sa Manila Peninsula sa pangunguna ng Magdalo leader na si Senator Antonio Trillanes noong araw ring ‘yon. Nagpapasalamat ba siya na hindi natuloy ang career niya sa pulitika dahil sa nangyaring gulo sa Manila Pen?

"Alam mo, okay lang sa akin ‘yan dahil sa ‘yan ang kapalaran natin. Pero sana tuparin natin kung ano yung ipinangako natin sa bayan. Kasi marami diyan ang nangangako sa taong-bayan, pero hindi naman nila tinutupad ang mga sinasabi nila," pahayag ni Manny. Tumakbo siya bilang congressman sa General Santos City last May elections.

Meron ba siyang pinatatamaan?

"Wala naman," giit niya. "Nire-remind ko lang yung iba, pati na yung iba kong mga kaibigan, lalo na sa gobyerno. Tuparin nila ang mga pangako nila sa mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN