Judy Ann Santos talks about her projects for 2008

Young superstar Judy Ann Santos has another soap opera lined up for her next year. She is also scheduled to shoot an independent film in time for her 30th birthday.



Si Derek Ramsey at hindi ang boyfriend niya na si Ryan Agoncillo ang leading man ni Judy Ann Santos sa susunod niyang soap opera sa ABS-CBN, ang Habang May Buhay. Sabi ni Juday, January next year na sila magsisimulang mag-taping, pero sa last quarter ng 2008 pa raw ang airing nito.



Hindi pa sigurado kung sino pa ang ibang makakasama ni Judy Ann sa cast. Ang tiyak lang daw niya ay si Jeffrey Jeturian ang magdidirek nito.

After the presscon of Sakal, Sakali, Saklolo last November 29, isinunod ang presentation ng team para sa next project ni Juday sa Kapamilya network. Nurse ang role niya sa Habang May Buhay at may mga eksenang kukunan daw sa San Francisco, California. Light drama raw ito na may halong comedy.



"After Sakal, Sakali, Saklolo, hiwalay muna kami ng project ni Ryan. Hindi muna kami magsasama para hindi magsawa ang tao. Nagkataon din na tinanggap ng tao ang team-up nina Ysay at Mito [Derek] sa Ysabella. Naka-plano talaga na kami naman ni Derek ang magtatambal," paliwanag ni Judy Ann.



Mauunang gagawin ni Juday ang pelikulang Ploning to be directed by her good friend Dante Garcia and to be produced by Panoramanila Pictures. Kukunan raw ito sa Cuyo, Palawan for 20 days at si Charlie Peralta naman ang cinematographer. Kasama rin sa pelikula si Iza Calzado.



Kuwento ni Juday, "Isinulat ang script ng Ploning para sa akin five years ago at ngayon lang matutuloy. First movie ko siya for 2008 at birthday movie ko pa. Tuwang-tuwa ako dahil pagdating ko ng 30 years old, ganitong klaseng pelikula na ang gagawin ko.



"Ang ganda ng story ng Ploning," pagmamalaki ng aktres. "Nineteen eighty-two ang setting. This is a story of a woman na walang asawa at naririnig lang ang name niya. This is a quiet film at excited na akong gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Walang update si Judy Ann sa Kulam, ang horror movie niya sa Regal Entertainment, opposite Dennis Trillo. Ang alam niya, may five to six shooting days pa sila bago matapos ang pelikula. Nahihiya na nga raw siya kay Mother Lily Monteverde dahil hindi matapus-tapos ang shooting nito.



Kasama rin sa plano ni Judy Ann next year ang balikan at tapusin ang Culinary Arts course niya, kung saan two courses pa ang naiiwan. Wish din niyang matuloy ang Ouija 2 sa GMA Films.



"May kontrata ako na kung may Part 2 ang movie, gagawin namin. May option ang contract ko sa Star Cinema na puwede kong gawin ang Part 2 ng Ouija. Maliban dito, hindi ako puwedeng gumawa ng movie sa GMA Films. Hangga't hindi tapos ang five-picture contract ko for two years, hindi ako makakagawa ng movie outside Star Cinema," pagtatapos ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN