ABS-CBN airs FPJ Special to commemorate his 3rd death anniversary

Family, frriends, and colleagues of the late King of Philippine Movies— Fernando Poe Jr.—remember his greatness in a TV special to be aired on ABS-CBN this Sunday, December 9.



Ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. ay itinuturing na alamat noong siya'y nabubuhay pa. Tatlong taon makaraan ang kanyang pagpanaw—noong December 14 dahil sa stroke—buhay pa rin ang kanyang alaala sa pamamagitan ng mga pelikula niyang hindi malilimutan.

Sa pagtatanghal ng Alay ni Da King: An FPJ Special on ABS-CBN na mapapanood sa Linggo, December 9, ay ipapakita rito ang pagbabalik-tanaw ng kanyang pamilya, mga matalik na kaibigan, at mga nakasama sa industriya ng pelikula. May mga iba pang kilalang celebrities na magkukuwento naman kung paano isinalarawan ni FPJ ang mga katotohanan sa buhay ng karaniwang tao.

Highlight ng special ang isang video presentation na si FPJ mismo ang bumuo hanggang sa kahuli-hulihan niyang araw. Ang video na ito na naglalaman ng mga mahahalagang eksena sa kanyang pelikula ay regalo sana niya sa mga kaibigan at naging leading ladies niya.

Kasama sa mga magbibigay-pugay at magsasaad ng "inside stories"sina Dolphy, Eddie Garcia, Maricel Soriano, Phillip Salvador, Edgar Mortiz, Caridad Sanchez, Jaime Fabregas, at ang dating pangulong Joseph Estrada.

Ikukuwento rin ng maybahay ni FPJ na si Ms. Susan Rocess ang kanilang buhay mag-asawa habang tumatawid sa kanilang movie careers at sa maikli ngunit mahalagang karanasan nila sa pulitika.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Susan sa presscon para sa nasabing special ni FPJ na ginanap kagabi, December 5, sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN. Ikinuwento ng dating Movie Queen ang naging karanasan ni Da King noong tumakbo ito bilang presidential candidate noong 2004.

Ayon kay Susan, "Nung sumabak si FPJ sa larangan ng pulitika—mga buwan ng Oktubre nung mga panahon na ‘yon—nag-uumalab ang sari-sari o magkakahalong emosyon o damdamin tungkol sa naging resulta ng halalan. Maraming sumuporta kay FPJ ang lumabas sa kalye upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa naging resulta.

"Behind all of that... Or let me go back a little further, noong nagdeklara si FPJ na siya'y sasabak sa larangan ng pulitika, siya'y binigyan ng full support ng industriya na kinabibilangan niya sa loob ng maraming taon. Naganap ang makasaysayang event na 'yon doon sa Quezon City Sports Club. Lahat halos, malaki hanggang kaliit-liitang pangalan sa industriya, nandoon. Binigyan siya ng napaka-heartwarming na pledge of support ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasabi nga niya sa akin, habang pinapanood niya at pinakikinggan niya lahat ng mga declaration of support nila—ng mga kapatid namin sa industriya—ay biglang sumagi sa isip niya, 'Does that mean kung saka-sakali, kung ano man ang naging resulta nitong eleksiyon na ito, iiwanan ko lahat ng mga ito? Sila na mula pa sa aking pagkabata hanggang sa natatandaan ko sa loob ng maraming panahon hanggang sa sandaling ‘yon, ‘yan ang mga kasama ko, ‘yan ang dahilan kung bakit ako naging FPJ. ‘Yan ang mga kaibigan na talagang nandiyan sa tabi ko through thick and thin. Marami na at mahaba na ang pinagsamahan namin.'

"Now, balik tayo after the election," patuloy ni Susan. "Although he was heartbroken about the manner that the election was done. He was not the kind of person who would be bitter over an award. If I may recollect also times na he vied for an award—Best Actor, Best Director, Best Producer—hindi siya yung ganung tao na ‘pag hindi siya nanalo ay magagalit siya. Pero hate niya ang kasinungalingan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN