Regine Velasquez named Entertainer of the Year in 20th Aliw Awards

Asia's Songbird Regine Velasquez wins her first-ever Entertainer of the Year Award from Aliw Awards.



Kinilala ng Aliw Awards Foundation, Inc. (AAFI), ang mgaartista na nagtatanghal nang live onstage at sa concert scene. Noong Miyerkules,November 28, ay idinaos ang 2007 Aliw Awards sa Palacio de Manila, Roxas Blvd.,Malate, Manila. Nagsimula ang nasabing awards night ng alas-otso ng gabi.

Unang-una naming nakita pagpasok pa lang ng venue angmagkasintahang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na nakaupo sa tablemalapit sa entrance na kasama ang ama ni Regine na si Mang Gerry.

Pagpunta namin sa harap ay napansin agad namin ang aktres na si BethTamayo na nakakulay pulang damit. Member pala siya ng Board of Trustees atpresentor din ng gabing 'yon.

Habang kami ay nasa tabi malapit sa stage ay napuna namingtaranta ang ilan sa mga miyembro ng AAFI dahil sa kakulangan ng productionstaff, kung kaya't ang ilang miyembro na mismo ang paikot-ikot para tawagin angmga presentors at awardees.

Kahit nga mismo ang mga hosts na sina Richard Reynoso atSharmaine Santiago ay nalilito rin dahil sa paiba-ibang script, kaya't dinadaanna lang nila sa pagpapatawa.

Gayundin ang ginawa ng co-host na si Vice Ganda at co-hostpresentor na si John "Sweet" Lapus. Hindi na nila sinunod ang script at nagpatawa nalang habang naghu-host sila ni Sharmaine. Dahil sanay sa impromptu performancesang mga stand-up comedians na ito, nag-click sila sa audience.

Maraming performers ng gabing iyon, pero hindi dumating angisa dito na si Sitti Navarro. Sa dami ng performers ay tumagal ang nasabingawards night hanggang alas-dos ng umaga.

Bumilib nga kami kina Regine at Ogie, dahil kahit halatangantok at pagod na ay nag-stay pa rin sila doon sa venue. After ng show ay hindinaman agad sila nakaalis dahil sa nagpakuha pa ng souvenir picture ang mgamiyembro ng AAFI.

Ang Asia's Songbird ay kinilala bilang Entertainer of theYear at Best in Major Concert(female category) para sa kanyang 20thanniversary concert aptly titled Twenty. Ito ang kauna-unahang Entertainer of the Year Award ni Regine mula sa Aliw Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang songwriter naman na si Ogie ang napili bilang Bestin Major Concert(male category) para sa kanyang Komikonsierto.Proud naman ang presentor na si Judy Ann Santos nang iabot niya ang tropeo sananalong male Best Emcee, na walang iba kung hindi ang kanyang boyfriendna si Ryan Agoncillo.

Hindi namin nakitang pumanhik ng stage si Toni Gonzaga nangi-announce ang pangalan niya na nanalong female Best Emcee.

Lifetime Achievement Awardees ang PETA kasama rinsina Rico Puno, Willie Nepumuceno at Annie Brazil na pare-parehong hindinakarating, dahil sa commitment nila sa ibang bansa. Hall of Fameawardees naman sina Paolo Bediones (Best Emcee) at Miguel Villareal Aguila(Best Child Performer).

Special Awardeesnaman sina LigayaFernando-Amilbangsa, Boy Camara, George Yang, at ang Retrospect.

Ang iba pang mga nanalo para sa 2007Aliw Awards ay angsumusunod:

BestPerformers in Hotels, Music Lounge and Bars

Male: Reuben Laurente

Female: Sitti Navarro

Group/Standard: Retrospect

Pop: Shane The Brown Union

BestPerformers in a Concert

Male: Eric Santos

Female: Nina

Group: Bamboo

Collaborationin a concert: Ayen Munji-Laurel and RaymondLauchengco for The Best of Us

BestMusical Director: Soc Mina for Nina Sings Very Manilow

Best Concert Stage Musical Director: Ernie Duque for Nina Sings VeryManilow

BestChoral Group: Ramon Magsaysay High School Chorale(Manila)

Best DanceCompany

Classical/Contemporary: Quezon CityPerforming Arts

Modern: Air Dance Company

BestCultural Group: Bungkos Palay of Nueva Ecija

BestStand-Up Comedy Act

Male: Pooh

Female: Candy Pangilinan

BestInstrumentalist

Mary Ann Espina - Piano

Best NewArtist

Male: Rox Puno

Female: Yeng Constantino

Best StageDirector

Musical: Arthur Casanova - Godspell

Non-Musical: Felis "Nono" Padilla -Belong Puti

BestNon-Musical Production: Belong Puti - PETA

BestMusical Production: Tao - Pixel

Best StageActress

Musical: Ana Feleo - Godspell

Non-Musical: Joy Soler de Castro - WalangHimala

Best StageActor

Musical: Vince Tañada - O Moises

Non-Musical: Roeder Camañag - JustCall Me, Flory/Forever

BestClassical Performers

Male: Ramon Acoymo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Female: Alegria Ferrer

Best ChildPerformer: Julia Abueva


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN