Manny Pacquiao denies walking out from taping of his own show

"Hindi ko puwedeng gawin ang mag-walkout. Hindi ko ugali ang hindi tapusin ang trabaho ko," explains Manny Pacquiao about a report that he walked out from the taping of Pinoy Records.



Pinabulaanan ng Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao ang lumabas na balita na nag-walkout siya sa taping ng isang episode ng kanyang bagong show sa GMA-7 na Pinoy Records.



Nakarating sa kampo ni Pacman ang balita na may nagsulat na hindi raw tinapos ng boksingero ang isang taping ng Pinoy Records dahil pagod na raw siya. Ayon kay Pacman, hindi raw niya ugali ang hindi magtapos ng trabaho.



"Hindi ko puwedeng gawin ang mag-walkout. Hindi ko ugali ang hindi tapusin ang trabaho ko. Walang nangyaring walkout at mapapatunayan ng staff ng Pinoy Records na tinapos ko ang tapings ko," depensa ni Manny nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pinoy Records last Tuesday, December 4.



Bilang patunay nga ay ikinuwento ng mga namahala sa Pinoy Records na masayang-masaya si Manny habang nagte-taping. Wala raw itong reklamo at maganda raw ang rapport nito sa co-host niya, ang basketball heartthrob na si Chris Tiu. Kahit parang naninibago pa si Manny sa takbo ng taping nila, hindi raw ito nagpakita na napapagod siya at mahilig daw makipagbiruan sa mga nasa studio.



Ang tanging inaalala na lang ng staff ng show ay ang schedule sa school ni Manny. Ipinakita pa nga ng boxing champ sa amin ang kanyang school ID na kanyang isinusuot sa loob ng campus.



"First year college ako sa Notre Dame of Diadiangas University sa GenSan [General Santos City] taking up Business Management. Ang pasok ko ay mula Monday to Friday, 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Importante sa akin ang matapos ako ng pag-aaral. Para naman maging proud sa akin ang mga anak ko balang-araw," pahayag niya.



Solo lang daw sa classroom si Manny tuwing pumapasok siya. Special arrangement ‘yon ng school para raw maka-concentrate siya sa mga lessons nila at hindi ito ma-distract sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"One-on-one kami ng teacher sa school," nakangiting sabi ni Manny. "Mas madaling mag-aral kapag dalawa lang kayo. Kailan lang ay nag-exam ako sa Philosophy. Okay naman ang grades ko at sana okay din sa ibang subjects ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN