Yasmien Kurdi shrugs off billing issue in "Bahay Kubo"

by Nitz Miralles
Dec 6, 2007
"Sus, hindi isyu sa akin ang billing at kahit mas marami pa kaming eksena ni Shaina kay Marian, okay lang. Masaya naman ang experience ko working with the cast at nakapag-bonding kami," replies Yasmien Kurdi when asked about the billing issue in the movie Bahay Kubo.


Maraming binanggit na rason si Yasmien Kurdi kung bakit okay lang sa kanyang mauna ang mga pangalan nina Marian Rivera at Shaina Magdayao sa billing ng poster ng Bahay Kubo, ang pelikulang pinagsasamahan nila at entry sa 2007 Metro Manila Film Festival. Natawa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sinabi ng young actress na "mas matanda naman sa akin si Marian."



In fairness, tama si Yasmien kung edad ang pinagbasehan ng kanilang billing dahil 18 years old lang siya at si Marian ay 23 years old. Mabuti na lang at tapos na ang shooting ng movie at magalit man si Marian ay wala nang magiging problema sa shooting.



"Sus, hindi isyu sa akin ang billing at kahit mas marami pa kaming eksena ni Shaina kay Marian, okay lang. Masaya naman ang experience ko working with the cast at nakapag-bonding kami. Tama na yung nakasama ko sina Ms. Gloria Romero at Tita Maricel [Soriano] na favorite ng Mama ko, kaya mas tuwang-tuwa siyang kasama ako dito," wika ni Yasmien sa presscon ng Bahay Kubo kahapon, December 5.



Gaya ni Jennylyn Mercado, magtatapos na ang kontrata ni Yasmien sa GMA-7 sa February next year. Nabalitang lilipat sa ABS-CBN ang ka-batch niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado, ganun din ba ang plano ni Yasmien?



"Magtatapos na nga ang contract ko, pero wala kaming option to renew my contract," sagot ni Yasmien. "Nakalagay sa Part 2 ng pinirmahan kong kontrata na ang network ang may option to renew, no choice ako. Automatic nang mare-renew ang contract ko kahit hindi ako pumirma."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Masaya naman ako sa Channel 7, wala akong reklamo. Binibigyan nila ako ng nice projects and new role at may consideration sila. Saka, marami na akong friends sa Channel 7. Sobrang close na kami at minsan, nag-i-sleepover pa ako sa house ng staff," kuwento ni Yasmien.



Hindi nag-comment si Yasmien sa sinasabing kaya lilipat sa ABS-CBN si Jennylyn dahil hindi na siya masaya sa Kapuso network. Hindi ba nagkukuwento sa kanya ang kaibigan?



"Matagal na kaming hindi nagkikita't nagkakausap," ani Yasmien. "Kung gusto niyang lumipat, desisyon niya ‘yon. Ako naman, gaya ng nasabi ko, masaya na ako sa GMA-7 at kung ano ang gusto ni ‘Nay Lolit [Solis, her manager], kung ano ang feel niya, ‘yon ang masusunod. So far, okay naman at lagi akong may project na gusto ko talaga. Gusto ko lang mag-perform."



Iba nga ang kaso nina Jennylyn at Yasmien dahil hindi nababakante ang huli sa trabaho. In fact, magsisimula na siya ng taping ng Babangon Ako at Dudurugin Kita, isa uling TV remake ng Sharon Cuneta movie. Siya pa rin ang gaganap sa role ng Megastar at si Angelika dela Cruz naman sa role ni Hilda Koronel.



Ito ang unang Sine Novela feature na mapapanood sa telebabad block ng GMA-7. Patunay ito na malaki ang tiwala ng Kapuso network kina Yasmien at JC de Vera at sa bubuo ng cast ng teledrama para ilagay sila sa primetime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sus, hindi isyu sa akin ang billing at kahit mas marami pa kaming eksena ni Shaina kay Marian, okay lang. Masaya naman ang experience ko working with the cast at nakapag-bonding kami," replies Yasmien Kurdi when asked about the billing issue in the movie Bahay Kubo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results